Part Seventeen

202 5 0
                                        

Allystaire's POV

From: 09*********
Gandahan mo yung mga sagot. Pati yung report ko.

Okay. Di ko na kailangan pang alamin kung sino to. Kapal ng mukha nito, ok lang sana kung may salamat e. Kaso wala. Sinave ko muna ang number niya bago nag-reply.

To: Lady Gaga
Che.

Naisip kong Lady Gaga ang ipangalan sa kanya dahil palagi naman siyang naka-poker face.

*bzzzt*

From: Lady Gaga
Welcome.

I love my life. Teka. Pano niya nga pala nakuha number ko?

To: Lady Gaga
Pano mo nga pala nakuha number ko?

Ilang saglit lang, nagreply na din siya.

From: Lady Gaga
Matt

Time check: 6:49 pm

"Staire? Ikaw na ba yan?" Dinig kong sabi ni Mama pagbukas ko ng pinto.

"Oo Ma!" Tugon ko.

"Kumain ka na diyan." Binaba ko saglit ang bag ko sa sofa saka pumuntang dining table. Pinatong ko din muna saglit ang bitbit kong folder at mga papel. Eto yung report namin ni Jester.

Sinimulan ko nang kumain. Lumapit ako sa may mga cabinet at kumuha ng Nescafe Creamy White saka nagtimpla. Isasabaw ko sa kanin ka-ulam ng Adobo.

"Burara talaga. Itabi ang gamit. Hindi yang kung saan-saan inapatong tapos apabayaan." Dinig kong sabi ni Lola habang nakatingin sa mga gamit ko. Hindi ba pwedeng iniwan SAGLIT at babalikan din naman?

Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. Muli akong umupo. Hinalo ko yung kape at kumuha ng ilang kutsara saka isinabaw sa kanin. Coffee lover talaga ko lalo na pag nakasabaw sa kanin. Paborito ko yon. Lagi kong ginagawa yun mapa-umaga, tanghali at gabi. Pero syempre may mga araw din na hindi. Ang sarap kasi. Sa isda, tuyo, tocino, scrambled egg, ham, adobong manok at baboy etc.

"Kasunod, Dy at Vandorpe." si Sir Sam na nasa likuran at pinakikinggan ang bawat reporters.

"Hoy tayo na!" Medyo pasigaw kong sabi kay Jester nang hindi siya tumatayo at mag-isa akong naglalakad papunta sa unahan.

"Yiieee kayo na pala ha!" Sigaw ng isa naming kakase. Sinamaan ko iyon ng tingin dahil lahat ay nagsigawan na at nanunukso.

"Ulul!" Nagpunta na ko sa unahan at kasunod ko naman na si Jester. Ang astig niya talaga gumalaw. Cool lang.

"Oh." Abot ko sa kanya nung report niya.

"Yiiieeeee. Hahahaha." Panunukso ng lahat.

"Che!" Sigaw kong muli. Mukha kaming magkapatid dito sa unahan dahil sa height difference naming dalawa. Pero bagay naman siguro lol. Sinimulan ko nang i-report yung sakin. Nakikita ko naman na nakikinig ang lahat. Si Sir naman, tatango-tango lang. Sumenyas ako kay Jester na siya na. Umayos naman siya ng tayo at sinimulang magbasa. Diretso naman siya magtagalog. Hindi lang niya alam yung talagang mga pinag-aaralan sa Filipino. Nang matapos siya, tumayo na din si Sir at bumalik sa teacher's table.

"Okay, love birds. Very good." Sir Sam said.

Lovebirds daw. "Sir may tuka ba kami para maging ibon?" Natatawa kong bulong.

"Allystaire, pisngi mo..." Nanunuksong tingin ni Sir sakin. Nagtawanan naman ang buong klase at si Jester naman ay nanatiling naka-poker face. Ngumiti na ko dahil di ko naman na mapigilan.

"You're a cute couple, ah? Tall and short."

"Sir? Hindi po!" Depensa ko agad.

"Yiiieeeee hahaha." Mga kaklase ko.

"Ah ganon ba? Akala ko e. Kasi yung mga kaklase niyo, yiieee nang yiieee. Pero may chemistry kayo." Nakangiting sagot ni Sir. "Sige na, quiet class! Maupo na kayong dalawa." Pabalik na sana ko ng upuan nang napatigil ako kasi mababangga ko si Jester dahil pabalik din na din siya. Pero tumigil din siya. Kaya tumuloy na ko pero tumuloy din siya. Nang aatras ako ulit, sabay na naman kami. Aa ang gulo na ng buhay ko.

(A/N: Yung 'Aa' po na expression ni Staire ay ang basa po ay: A-A as in basahin niyo pa ng dalawang beses yung A.)

"Girlfriend daw kita." Walang emosyong bulong niya sabay akbay sakin.

O__O

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon