Part Thirty Three

227 6 0
                                        

Allystaire's POV

Tulala pa rin akong pumasok ng kwarto. "Oh? Nako mukhang naging maganda yung date niyo ah?" Nakangising salubong sakin ni Ange.

"Pano niyo nalaman?" Tanong ko.

"Wala lang. Date yun noh? Nag-date kayo?" Mapanuksong tanong ni Marcy. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Tumayo ito at lumapit sakin.

"Ano'ng nangyari? Kwento ka naman!"

"Maya na! Cr muna ko." Pagtakas ko pero sa tingin ko ay hindi pwedeng hindi ako magkukwento pagdating sa kanilang dalawa.

"Ay madaya ka bruha."

"Mamaya ikwento mo ha!" Pahabol ni Ange bago ko isara yung pinto ng cr. Nang matapos ako mag-cr ay lumabas na din ako. Nag-aayos na ng gamit yung dalawa nang madatnan ko sila. "Fix your things. We're going home tomorrow." Ange announced. Uuwi na nga pala kami bukas kaya tinext ko na si Mama.

*bzzzt*

From: Mama Jean
K

Napailing ako sa reply ni Mama. Humarap ako dun sa dalawang bakla at napaigtad sa gulat. Ang creepy ng ngiti nila. "Magkukwento na yan..." Sabay nilang sabi.

"Aish. Mag-aayos muna ko ng gamit ko. Anong oras tayo aalis?"

"Wag mo ngang ibahin ang usapan, Allystaire!" Si Ange.

"Aa." Tinaas nila ang dalawa nilang kilay. "Eto na nga e." Umupo ako sa kama at nagsimulang magkwento. Ayun, kilig na kilig. Kung sila ay sobra ang kilig, mas sobra sobra ang nararamdaman ko. Sa pagtrato sa akin ni Jester, kahit minsan ay nakakaasar, parang nakakagawa lang siya ng dahilan para mahulog ako sa kanya. Ayoko sana dahil bata pa kami pero alam ko namang hindi napipigilan ang nararamdaman. "Ano'ng oras tayo aalis?" Tanong ko sa kanila at humiga na sa kama ko.

"Six o'clock." Sagot ni Marcy.

"Ano? Ba't ang aga naman?" Napangiwi ako.

"Wag nang mag reklamo." Ange answered. Binuhay ko nalang yung tv at nanood. Nakaramdam na rin ako ng antok matapos ang dalawang oras. Kaya lang hindi pa din mawala sa isip ko yung 'date' kuno naming dalawa. Heto at nakangiti ako mag-isa.

"YUN OH!" Sigaw mula sa kabilang kwarto na tila tumatawa. Sigurado namang si Matt yun dahil hindi sisigaw si Jester ng ganoon. Saka boses niya iyon. Pero anong nangyayari doon?

"Girls, ano? Tapos na kayo?" Tanong ni Matt habang nakasilip sa pinto ng kwarto namin.

Ilang minuto na lang ay aalis na kami para umuwi. Medyo nahihilo ako. Ganito talaga ako sa tuwing babyahe. Hindi pa nakakasakay ng sasakyan ay pakiramdam ko'y nasusuka na ko. Pero hindi naman ako nagsusuka sa byahe. Weird.

"Palabas na din kami." Sagot sa kanya ni Marcy.

"We'll be waiting outside." Tumango naman kami. Filipino time nga naman. Alas sais daw aalis e 7:30 na.

Habang nag-aayos pa kami ng ilang mga kagamitan at bagahe ay sumasabay kami sa masayang soundtrip na pinatugtog ni Marcy. Hinanap ng mata ko si Jester pero hindi ko siya makita. Baka lumabas na siya. Pakiramdam ko'y nakakahiyang kausapin siya mamaya dahil naaalala ko yung kahapon.

"Tara na." Lumabas na kami at sinara ang pinto. Dami kong memories kay Jester dito. Syempre, mahalaga sakin yun. Paglabas namin ay nasa labas na si Matt. This time, hindi na kami magdo-door to door. Ipapahatid daw kami ni Andre sa driver niya. Buti na nga lang mabait siya kundi another gastos na naman sa pamasahe. Asan nga pala si Jester?

"Bye!" Kumaway-kaway si Matt at Marcy habang nagpapaalan sa bahay.

Napangiwi ako nang hawakan ko ang ulo ko. Ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang bigat din ng ulo ko na parang gusto ko na lang pumikit. Lalagnatin pa yata ako.

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon