Allystaire's POV
Tinapos ko lahat ng mga gawain ko ng friday night at buong sabado. Sabi kasi ni Jester, lalabas daw kami. Sunday ngayon at kasalukuyan akong nag-aayos ng mukha. Concealer lang tapos mineral powder saka light lang na liptint saka gel sa kilay. Yun lang kasi di pa ko marunong masyado saka hindi pa naman kailangan.
Inilabas ko yung kwintas sa damit ko at nagsuklay. Kaliligo ko pa lang talaga kasi medyo tinanghali ako ng gising. Sumasayaw sayaw ako ng konti kasabay ng kanta sa speaker.
Sakto lang pala ko sa oras. Nag-sandals nalang ako na flats. Parang ayokong mag-sneakers ngayon saka lalabhan ko pa yon medyo madumi na. Nang matapos ako sa pag-ayos, umupo muna ko sa sofa at binuksan ang tv. Hindi pa dumadating si Jester kaya magpapalipas oras nalang ako. Ang sabi niya ay susunduin nalang niya ko.
Hihiga pa lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko.
Calling...
Love <3
Agad ko iyong sinagot.
"Hello?"
"I'm here."
"Pasok ka muna saglit lang." I ended the call. Tumakbo ako sa taas at humarap sa salamin. "Ayos ba tong suot ko?" Tinitigan ko buong katawan ko habang nag-iisip kung ok ba talaga. I'm wearing a white cropped short-sleeved polo matched with a denim skirt.
"Staire."
"AYTANGAKA." Gulat kong bulalas. "Anong--"
"Sabi mo pumasok ako." Jusko. Ang gwapo na naman niya as usual. Bakit ba lahat nalang ng porma bagay sa kanya?
"Haish, baba na." Sabi ko at tinulak siya ng mahina saka kami sabay na bumaba. Maliit lang yung hagdan kaya medyo sikip. Nauuna ko sa kanya at medyo nanlambot ako dahil nakahawak siya sa balikat ko. Hindi niya iyon pinapabigat at parang idinadait lang niya.
Lumabas na kami ng gate at wala yung kotse. "Magcocommute tayo?" I asked him.
"Mm. Ayaw mo ba?"
"Ah hindi. Gusto ko nga yon. Tara." Naglakad na ko pero nagulat nalang ako dahil binangga niya ko sa gilid kaya muntik akong matumba buti nalang hindi sa side ng kalsada.
I heard him laugh. "Sorry." Inalalayan niya ko. "Ako dito. Baka mahagip ka ng sasakyan." I rolled my eyes but I am smiling inside.
"Jeep or taxi?" Tanong ko nang marating naming dalawa ang kanto. Magsasalita palang siya nang unahan ko. "Okay jeep." Itinaas ko yung kamay ko para parahin yung paparating.
"Are you sure?"
"Oo naman. Mas mura pag nag-jeep tayo. Hindi ka pa ba nakakasakay dito?" Umiling siya kaya natawa ako ng bahagya. "Tara na." Hinigit ko na siya at sumakay ng jeep. Medyo sikip nga lang dahil marami na ang pasahero.
Umupo na kami sa may parteng gitna sa kaliwang side. Mukhang nagsisi yata ako na dito kami sumakay dahil may mga babae na naman na nakatingin kay Jester. Sinamaan ko sila ng tingin pero nyeta sa akin kasi kayo tumingin napapahiya ako sa sarili ko.
Tumingin ako sa kamay ni Jester dahil bigla niya akong inakbayan at hinigit papalapit sa kanya. Nakatingin siya sa lalaki na katabi ko sa kaliwa.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)