Allystaire's POV
Naisipan naming maupo na lang dito sa labas ng unit sa sahig habang nagde-datw sina Matt at Marcy sa loob. Pinagtitinginan nga kami ng mga dumadaan. Katabi ko si Ange sa kaliwa. Si Andre naman sa kanan ko. Napanguso ako habang nakatingin kay Jester. Kanina pa siya nakatayo. Kalahating oras na kami dito. Hindi ba siya nangangalay? Nakasandal siya at naka-krus ang dalawang braso pero hindi ko mapagkailang ang gwapo niya na naman. Parang photoshoot ang datingan lalo na at plain white ang background. Idagdag mo pa ang porma niya. Bagay na bagay sakanya.
"Jester, wala ka bang balak na umupo?" Tiningala ko siya since nakaupo ako. Nasa tapat lang kasi namin siya.
"I don't want to." Sagot niya.
"Hindi ka ba nangangalay?"
"It's fine."
"Ok lang siya. Saka ilang minuto palang tayo dito, hindi pa nakakangalay tumayo." Sabat ni Andre. Siniko ko siya at tumingin kay Jester. Diretso lang ang tingin niya kay Andre at inalis din yon. Hindi naman mukhang nainis siya. Mukhang wala lang sa kanya.
"Baliw ka talaga." Bulong ko kay Andre.
"Baliw sayo." Ngumisi siya pero inirapan ko lang.
Nakipagkwentuhan nalang ako kay Ange. Kinwento niya kung anong naging kaganapan sa kanila kanina ni Marcy. Maya maya, naisip kong biruin ang tahimik na si Jester. Prente siyang nakasandal habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng pantalon niya.
"Oh Jester, pose. Good job. Isa pang pose. Oh one, two," Nag-motion ako ng kunwari e may hawak hawak akong dslr. His lips twitched at iniwas niya ang tingin niya. Ngumiti naman ako at tumawa ng mahina. At least, muntik ko na siyang mapangiti.
Grabe nakakagutom na. Kung hindi lang nila monthsary ngayon ay malamang binuksan ko na yang pinto.
Manlilibre si Matt kaya heto, hinihintay namin. Saka celebration na din ng monthsary nila na kasama kaming lahat. Pero kung sa bagay, maaga pa naman.
**
Andre's POV
We just arrived para magcelebrate. Nandito na kami ngayon sa isang restobar malapit lang sa condo. Nauna kaming pumasok ni Staire kasi gusto na niyang pumasok agad. Kumakanta lang siya the whole time. Kahit sintunado siya, she made me smile. How cute.
Habang naglalakad kami, napansin kong hindi na nakatali yung shoelace ni Staire. "Hey kid, tigil muna." Sambit ko at tumigil naman siya.
Lumuhod ako sa harap niya at tinali ang shoelace niya. Ang cute ng keds niya. Kasi medyo maliit ang paa niya. She patted my head and smiled. Syempre, I smiled back.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jester. Lumingon si Staire at hinabol siya ng tingin hanggang sa lumagpas na siya samin. Tumayo na ko then I sighed.
"Let's go." I must admit, nagseselos ako. At ayoko na close na sila ulit. But can I blame myself? I hate it that I hate what's happening. I hate it seeing her that happy. And I also hate myself for that. I'm being selfish, alam ko.
Every time nakikita ko kung paano tumingin si Staire kay Jester, I think, she never looked at me that way. Now that he's here again, nabawasan na yung closeness namin ni Staire. I mean, hindi na kami ganon kadalas mag-usap.
Hindi na din kami nagda-date like what we used to do. Na para sa kanya e friendly date lang. Hindi ko sinasabi sa kanya na nakakalimutan na niya. Hindi ako nagrereklamo. I want her to remember it... to remember me.
Kumakain na kami ngayon at nagkukwentuhan. Nagjo-joke kami ngayon ni Staire at nagtatawanan naman sila. Don't ask about Jester dahil tahimik lang siya.
BINABASA MO ANG
The Countdown [COMPLETED]
RomanceIf it's waiting for your love, then it will always be worth the wait. -Staire
![The Countdown [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/86252668-64-k33399.jpg)