Part Six

270 9 3
                                    

Allystaire's POV

Sunday na ngayon. Umalis kasi sina Mama at Papa at wala naman akong ibang makakasama kasi wala akong kapatid. Walang magbabantay ng bahay kundi ako. Bumaba nalang muna ako ng sala at naisipang manuod nalang ng tv nang bigla kong naalala yung kahapon. Niratrat ko yung dalawa pag-uwi. Mga walangyang yan nanood ng sine. Hanap kami nang hanap ni Jester tapos -_-

Kinwento ko rin sa kanila lahat ng nangyari kahapon. Vocal akong tao e. Lahat nalang kinwento ko.

**

*microphone*

"Announcement. To all students, classes are temporarily cut. Pero wala pa ring uuwi at mananatili lang sa loob ng campus." Nagningning ang mga mata ng mga estudyante. Walang klase! ^_^

"Bakit?" Tanong ni Marcy

"Baka may meeting ang teachers." Sagot ni Ange.

"Wag nyo nang kwestyunin. Basta walang pasok. Baka maudlot pa." Sabat ko. Napagdesisyunan naming bumili muna ng makakain sa canteen saka tumambay sa gym. Kwentuhan. Kwentuhan. Tawanan.

*blaaag!*

"Staaaaire!" Naririnig ko ang mga sigaw nila. Pero hilong hilo na ko. Ang sakit masyado.

**

Angelica's POV

"Please Lord." Mahinang sambit ko habang pinapanood si Staire na tinatakbo sa ospital. Nagkukwentuhan lang kami nang biglang tumama kay Staire yung bola ng volleyball at dahil katabi siya ng pader ay doon tumama ang ulo niya. Kitang kita ko kung paano siya napapikit at kung paano magdugo ang ulo niya. Tuluyan nang lumabas ang luha namin ni Marcy dahil sa pag-aalala. Ipinasok na siya sa emergency room at sinara na ang kurtina. Napahilamos nalang ako ng mukha at naramdam kong niyakap ako ni Marcy.

"Magiging okay si Staire. Ang tapang tapang nun e." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Marcy.

"A-Ah Jester, salamat." Habol ko sa kanya nang tangkain niyang umalis. Si Jester ang nagtakbo kay Staire dito. Nakatambay din sila kanina sa gym hindi kalayuan mula samin. Tumango lang siya sakin bilang sagot.

"Pare, puro dugo ang kamay mo." Matthew

"Maghuhugas lang ako." Sagot sa kanya ni Jester at pinanood namin siyang makalayo. Nag-aalala kami dahil sobrang lakas ng impact ng pagkakatama ng ulo sa pader. Dinig na dinig ko kung gano kalakas. I panicked and was not able to move or say a thing for a while. Natakot ako lalo nang makita na sobrang daming dugo.

**

Allystaire's POV

Nagising ako nang mabigat ang ulo ko. Teka, asan ako? Ang natatandaan ko, nasa gym lang kami at nagkukwe---

Kingina. Nagka-amnesia kaya ako? Ano bang pangalan ko? Allystaire Dy. Sino ang mga magulang ko? Sina Jean-- Napalingon ako sa couch sa katabi ng kama.

O_O

Sapakin ako ngayon na. Ang gwapo ni Jester habang tulog! Pero bakit siya nandyan? Ang cliché naman nito. Sa mga libro at movies ko lang nakikita ang mga ganito. Mahimbing siyang natutulog sa couch. Nakapatong ang mga paa niya sa upuan at nakasandal sa pagtulog. Naka-salpak na naman ang earphones niya at naka-krus ang mga braso. Gwapo.

Maingat akong lumapit sa kanya. Medyo masakit sa ulo tumayo pero kaya ko naman. "Gwapo mo pero nakakainis ka." Sabi ko. Pahinging kanin. Ulam na siya. Kanin nalang. Humiga ako ulit kasi parang sumasakit yung ulo ko. Pumikit ako at nag-hum ng kanta.

Mundo by IV OF SPADES

*grrrr*

Hala, kumukulo na yung tyan ko. Hinimas-himas ko yon nang nakapikit pa rin at naghu-hum.

"Kumain ka na." Napatigil ako sa pag-hum. Dahan-dahan akong bumangon pero nakapikit pa rin. Nahiya ako bigla hindi ko alam kung bakit. Ang weird ko na.

"Tss." Nang marinig ko yong tss niya na yun, saka ako dumilat. "If you're looking for your friends, umalis sila saglit." Nakatayo lang siya sa may lamesa habang nakapasok sa jacket niya ang mga kamay. Eh? Ni hindi ko nga naisip yung mga babaitang yun e. E ikaw ba naman ang magising na may tatambad sayong nilalang na ganyan, maghahanap ka pa ng ibang kasama?

"Pakainin daw kita when you wake up." Singhal niya. Hindi naman halatang napipilitan siya.

"Alam ko namang ayaw mo." Masungit na sabi ko at natigilan siya. Kaso, nakakahiya yata yung sinabi ko. Parang ang lumabas e, gusto kong pakainin niya ko. Lumapit siya sa may couch at may kinuhang paper bag.

Mang Inasaaaaal ♥﹏♥

Pinatong niya yun sa kama at umupo na sa couch. "Salamat." Walang emosyong sabi ko saka ko umatakeng buksan ang paper bag.

( ^∇^)

Bumukas ang pinto at pumasok sina Mama at Papa. Lumapit sila sakin at pilit akong ngumiti.

"Staire!" Si Mama.

"Nak, ayos ka na ba?" Tanong ni Papa.

"Ok na ko. Ako pa?" Masigla kong sagot.

"Halata nga. Said na yung mga buto." Turo ni Mama sa kinakain ko. Natawa naman ako dahil sa itsura nung manok.

"Kaya ka tumataba e." Biro ni Papa. Bumaling si Mama sa tahimik na si Jester.

"Ikaw siguro si Jester, hijo." Nakangiti niyang sambit. Bakit niya kilala?

"Yes po." Tumayo si Jester.

"Thank you for bringing my daughter here."

"Wala po iyon. Dinala ko lang naman po siya dito." Sagot niya.

"Pero dahil sa'yo, naagapan." Singit ni Papa. Kaya pala siya andito, siya ang nagdala sakin. Binantayan pa ko.

"Maupo ho kayo." Bakit sa iba ang gentleman niya tapos sakin hindi?

"Oh, thank you." Si Mama

"Mauna na po ako." Paalam ni Jester.

"Sige hijo." Papa. Dire-diretso siyang lumabas. Di man lang nagpaalam sakin.

**

VOTE AND COMMENT!

THANK YOU!

-faustacalixta

The Countdown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon