First story ko po ito kung kaya’t sorry sa mga typo’s and errors. Hihi. Enjoy reading.
*TaurusDindo-
Blake
“Okay class, dismiss!” sabi ng aming professor dahilan upang magsaya ang aking mga kaklase.
“Yeeeeeyy! HAHA! Sawakas! Salamat Miss J!” Sabi ni Ale, isa sa mga kaklase kong makulit. Last subject na kasi namin ito ngayong semester at mag sa-summer break na kaming lahat.
“Ssssshh!” saway ng aming professor na nakadikit pa ang hintuturo sa kanyang labi. “Don’t forget your research okay?” sabi niya habang inaayos ang kanyang salamin. “No research, no grades!” dagdag pahabol pa nito na may kasamang hawak sa beywang.
“Opo Miss J!” sabi ng mga kaklase ko habang ang iba naman ay lulumalabas na ng room. Kelangan kasi namin magpasa ng research about General Science para mabigyan kami ng Grades ni Miss J.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko at isinilid ito sa aking backpack. Rinig ko pa ang ingay ng iba kong mga kaklase habang lumalabas ako ng room at lumalakad papuntang hallway.
‘Haaaayy, tapos na naman ang semester. Tsk! Dakilang TeamBahay na naman ako nito buong summer vacation.’ sabi ko sa aking isipan.
Wala rin naman kasi akong kakilalang kamag-anak na maari kong pagbakasyonan sa probinsya. Ewan ko kay Mama, palagi ko siyang tinatanong kung sino-sino pa ang iba naming kamag-anak at kung nasaan ang mga ito pati na rin ang aking Papa pero palagi lang tikom ang kanyang bibig pagdating sa ganyang usapin kaya’t pinapabayaan ko nalang.
Kasalukuyan kong tinatahak ang kahabaan ng hallway ng nag-iisa. Dakilang Loner eh no? Hihi. Syempre po. Kasi naman po, isa po akong nerd sa University na ito, pero hindi naman na yung nerd na nerd ang dating. Kasi matangos naman ang ilong ko at makinis naman ang aking mukha. 5’6” ang taas at medyo wavy na buhok. Sadyang maluwag lang ang aking uniform at nakasuot ako ng glasses na makapal. Di naman malabo ang aking eyesight. Ewan ko ba, hindi ko gustong may makahalubilong kahit na sino man. Anti-social nga ang tawag sakin eh, kaya nagdidisguise nalang ako na isang nerd para walang pumansin sa'kin.
At effective naman iyon, kasi walang nagbalak na makipagkaibigan sakin dito ni isa. Puro kasi mayayaman at maarte ang mga estudyante rito. Pero laking awa ng Diyos, hindi naman ako nabubully dito. Si Mama lang siguro ang kaibigan ko? Pero okay lang naman sakin iyon, para makafocus ako kay Mama, sa studies ko at sa sarili ko na rin. Uhm, ako rin kasi ang nangunguna sa University na ito pagdating sa Academics kaya siguro nirerespeto rin ako ng aking mga kapawa estudyante. Pero gaya nga ng sabi ko, Anti-social ako kaya parang invisible nalang ako sa mga mata nila at nakikita lang nila ako kung may kailangan sila sakin. Mabait naman ako syempre. Hihi.
Narating ko na ang Mini-Forest ng University namin. Total Alas-3 pa lang naman ng hapon kaya’t napagpasyahan ko munang tumambay dito. Maganda at may kalawakan ang Mini-Forest na ito.
May mga iba’t-ibang halaman, puno at bulaklak sa paligid na alagang-alaga ng mga Forestry at Agriculture students. Meron ding iilang bench at mesa para sa mga estudyanteng nais na magpalipas oras dito na kagaya ko, at may isang malaking fountain sa gitna nito na napaka-ganda.
Ang ganda at ang sarap sa pakiramdam sa tuwing nandirito ako. Ang gaan kasi sa loob sa tuwing nalalanghap ko ang Fresh na Oxygen dito. Busilak at walang bahid ng polusyon kumbaga.
Nilagay ko muna ang aking backpack sa tabi ko at umupo sa isang bench. Pinagmamasdan ko ang aking paligid. May mga mangilan-ngilan ring estudyante na tumatambay at yung iba naman ay omoobserba sa mga puno at mga dahon rito, marahil ay sa kanilang research.
Pinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagsinghap ko ng sariwang hangin. ‘Hmmmmmm’ mahabang inhale ko, at ‘Hoooooooo’ exhale. Ginawa ko iyon ng tatlong beses para mas madama ko ang hangin sa paligid. Ngunit meron akong napansin na tila ba’y tumahimik ang aking paligid. Nawala ang tunog ng agos ng tubig sa Fountain at yung mga ingay na mula sa mga estudyante.
Ang tahimik..
Doon ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nasaksihan.
“What the-“ biglang sambit ko.
‘Bakit na steady ang lahat ng mga bagay sa aking paligid?’ tanong ko sa aking isipan.
Pinagmasdan ko ang lahat. Parang naka-mannequin challenge ang mga ito. Pero laking gulat ko ng makita ko na maging ang tubig sa Fountain ay huminto rin. Nagsimula nang kabahan ang aking dibdib.
‘What’s happening here?’ tanong ko muli sa aking isip. At nilapitan ang mga estudyante sa isang bench.
“Hey! Hoy! Are you there?” tanong ko rito habang tinatapik-tapik ang aking mga daliri sa kanyang mukha. Pero hindi pa rin ito gumagalaw.
Nilapitan ko rin ang mga bulaklak, pati ang mga paru-paro na dumadapo rito ay tumigil sa ere. ‘Pano to nangyari?’ tiningnan ko rin ang mga ibon na parang naka-stop din sa ere at maging ang mga dahon na nalaglag.
Kinukurap-kurap ko ang aking mata ng ilang beses. ‘This is impossible!’ sabi ko saking isipan. Ipinikit ko ng maigi ang aking mata. ‘Sa pagmulat ko, babalik na ulit ang dati. Hindi ito totoo!’ pagpapalakas ko saking loob na noo’y nagsimula ng kabahan ng todo.
Ngunit laking gulat ko na ganun pa rin ang lahat sa pagmulat ko ng aking mga mata. ‘Tsk! I’m getting nervous here.’ kasabay noon ang pagmamadali kong balak na umalis dahil sa pagiging weird ng paligid. Tsk.
Aalis na sana ako at kukunin ko na aking backpack ng biglang—
“Hello Blake. Kamusta?” sabi ng boses ng isang lalaki na nagmula sa aking likuran.
Napatigil ako na para ring estatwa at nagsimulang ngumatog ang aking mga tuhod at nanlaki ang aking mga mata. ‘Sh*t! Multo ba sya?’ tanong ko muli sa aking isipan. Kinakabahan ma’y dahan-dahan kong hinarap ang estrangherong lalaki.
Nang nakaharap na ako sa kanya ay lakas-loob kong tinanong ito kahit na pakiramdam ko na maiihi na ako sa sobrang kaba na aking nadarama.
“S-si-sssino k-ka?!” tanong ko ng kinakabahan sa aking kaharap na estrangherong lalaki. Nakita kong ngumisi lang ito sa akin na nagbigay ng kilabot sa buo kong presensya.
Itutuloy. . .
-
Nagustuhan niyo po ba ang unang chapter? Hihihi. Pasensya na po kung my mga typo at errors. Salamat!
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...