Zeke
Pumasok na ako sa bahay, at nakita kong ako nalang pala ang hinihintay nila. Mukhang bagong gising palang itong si Morisson at Blake. Nakatulog ba ang dalawang ito? Ang haggard nila pareho eh.
"Mga kasama, puno na ang gintong ilaw. Ibig sabihin handa na itong magbukas ng portal." Ramier said, at pinalutang sa harap namin ang Magic Clock.
Full na nga ang ilaw nito. "Kung ganun, sino ang mauuna sa'tin?" I asked them.
"Depende sa kung anong deminsyon magbubukas ang portal. Ang bawat deminsyon ay angkop sa kung anuman ang kapangyarihang taglay natin." Paliwanag ni Ramier sa'min.
Pinindot na niya ang button sa gitna ng Magic Clock at may lumabas na hologram mula rito. May pangalan din ng lugar.
Lumabas mula sa hologram ang parang desyertong lugar. Purong lupa, bato, at mga buhangin. May mga bundok din. Sa tingin ko ay dimensyon ito ng unang tagapangalaga ng Elemento ng Lupa.
"Terrestria." Basa ni Ramier sa text na naka-view sa hologram.
"Terrestria means Earth or Lupa hindi ba?" tanong ni Blake na medyo antok pa rin ang itsura.
"Ibig sabihin sa Terrestria unang magbubukas ang portal. Ano? Handa kana ba Bro?" tanong sa'kin ni Sky.
Sandali akong natigilan sa tanong ni Sky. Maging ang mga kasama ko ay nag-aabang din sa aking sagot.
Ito na siguro ang chance para makamit ko ang tunay na level ng aking powers. Pero I am a bit torn though, kasi kung hindi ako magtatagumpay, ay mabibigo ako sa misyon kong protektahan ang Earth at ang mga mortal na kapwa mahalaga sa akin.
Pero, kakayanin ko, para sa pangarap ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"I am ready!" matapang na sagot ko sa kanila.
"Ayos! Kanina pa rin ako handa. HAHA!" Sabi naman ni Sky na ngayon ay nag streching pa.
"Sana'y magtagumpay ka sa iyong misyon Zeke. Mag-iingat kayo ni Sky." Tugon ni Ramier sa'kin at itinutok ang Magic Clock sa may pintuan.
Lumabas mula rito ang isang portal at makikita dito ang lugar na aming nakita kanina sa hologram. Hinanda na namin ni Sky ang aming mga sarili."Kusang magsasara ang portal na iyan pag nakapasok na kayo. Kung nais niyo nang makabalik pagkatapos, ay pindutin niyo lang muli ang button na ito." Paliwanag ni Ramier sa'min ni Sky at binigay niya sa'kin ang Magic Clock. Inilagay ko naman ito sa bulsa ng aking jeans.
"Teka lang, diba Bampira ka? Naku Bro, baka masunog ka niyan. May araw oh." Pagpigil sa'kin ni Sky. Oo nga, nakalimutan ko rin iyon.
"Gagawin ko muna ito sayo." Sky said, at ikinompas ang kamay niya sakin. May lumabas na parang dust mula sa ibabaw ko, at dumikit itong lahat sa aking katawan na agad rin namang nawala.
Naamoy ko ang isang mahika, maaring nilagay niya ito sa katawan ko para hindi ako masunog sa araw.
"Thanks Bro!" pasalamat ko sa kanya.
"Walang anuman Bro! Tara na?" energetic na sabi ni Sky sa'kin.
Tumango lang ako sa kanya at nauna nang pumasok sa portal, sumunod naman sa'kin si Sky.
I am not sure kung ano ang naghihintay sa'kin. But I will do erverything mapagtagumpayan ko lang ang misyon ko.
*Terrestria
Tuluyan na naming narating ang dimensyon ng Terrestria. Tulad nga ng nakita namin ay napapaligiran kami ng desyerto, lupa, buhangin, at mga bato.
"Ano nang gagawin natin Bro?" tanong sa'kin ni Sky. Even me also, don't know the answer to his question.
"Maglakad-lakad lang muna tayo Bro, baka may makita tayong clue papunta sa tagapangalaga ng Elemento ng Lupa." Sabi ko kay Sky na tumango lang.
Lumakad muna kaming dalawa. Maya-maya pa yumanig ang lupa na aming tinatapakan.
"Humanda ka Bro!" sabi ko kay Sky na nandoon sa aking likuran.
Mula sa harapan namin ay lumabas ang isang higanteng gawa sa lupa at bato mula sa ilalim ng desyerto. Isang Golem! Napakalaki nito at mukhang malakas. Umiilaw ang mata nito ng dilaw. At mala halimaw ang mukha nito na gawa sa bato, maging ang mga kamay niya ay bato. Napaatras kami ng kaunti ni Sky. At ang mga lupa at bato na tumilapon sa direksyon namin ay aking kinokontrol at tinatapon sa ibang direksyon para hindi kami matamaan.
"Grooooaarrrr!!!!!" sigaw ng halimaw na ito. Napaka-lalim ng boses nito at mukhang malakas.
"Sino kayo na tumuntong sa teritoryo ko?" tanong nito sa'amin, na maging ang boses nito ay nagpapayanig ng kaunti sa paligid.
"Ako si Terra! Ang unang tagapanglaga ng Elemento ng Lupa. Grrrooaarr!!!" sabi nito sa amin.
Nasindak man, ay kailangan ko siyang kalabanin, para magtagumpay ako sa'king misyon.
"Bro, diyan ka lang muna, at kakalabin ko lang itong si Terra." Utos ko kay Sky.
"Sige Bro, galingan mo. Nandito lang ako pag kailangan mo ng tulong." Sagot niya sa'kin.
"Hindi Bro, magiging laban ko ito, kung sakali mang hindi ako magtagumpay ay bumalik ka nalang mag-isa. Okay ba yun?" I said with a smile tapos binigay ko sa kanya ang Magic Clock na kinuha rin naman niya kahit medyo na-aalangan.
Sa pagkakakita ko kasi sa sitwasyon ngayon, ay baka mamatay ako sa magiging laban namin ni Terra kung sakalimang hindi ako magtagumpay.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Sky. Tinalikuran ko na siya at humakbang papunta sa kinatatayuan ni Terra.
"Ako si Zeke, hinahamon kita sa isang laban!" matapang na sabi ko kay Terra.
"Matapang ka. Pero sigurado ka bang kaya mo ang lakas ko?" mapanghamong tanong nito sa'kin.
"Tatalunin kita at sisiguraduhin ko iyon!" I said with confidence in my voice.
"Sige, tinatanggap ko ang iyong hamon. Grrroooaarr!!!" sabi nito.
Hinanda ko na ang aking sarili sa magiging laban namin. Tatalunin kita, at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa misyon ko. I will win this fight!
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
![](https://img.wattpad.com/cover/95721609-288-k248365.jpg)
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantastikSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...