Sorry po sa typo's :) nomnom :*
Someone's POV
Sa kabilang dako naman ay ang dwelo ni Zeke at Morisson laban sa Ice Queen na si Caroline.
Hindi naging epektibo ang paunang atake nilang dalawa dahil nagawa itong i-counter ng kalaban.
Kayang ma freeze ang tubig na ginagawa ni Morisson kaya medyo nasa tagilid ang kanilang kalagayan.
"Nasa disadvantage ang iyong paggamit ng elemento ng tubig sapagkat kaya niya itong i-freeze gamit ang kanyang kapangyarihan." seryosong saad ni Zeke kay Morisson.
"Pinalitan ko ang aking katawan ng purong lupa gamit ang aking elementong taglay. Sa tingin ko'y epektibo ito at hindi ako mafe freeze ng bruha na iyan. Pero ikaw, masyado kang vulnerable sa mga magiging atake niya, pati na rin ang iyong depensa ay hindi magiging matibay." dagdag pa nitong sabi kay Morisson.
"Isa pa, purong likido ang dumadaloy sa buo mong katawan. She could just freeze you all up kagaya ng ginawa niya kay Sky. Kaya mag-iingat ka da--" bago pa man matapos ni Zeke ang kanyang pagsasalita ay lumabas mula sa itaas nila ang mga clone ni Caroline na nagmaterialize mula sa mga nyebeng nahuhulog at akmang hahawakan sila nito at gagawing yelo ang katawan kagaya ng ginawa kay Sky.
Dahil sa likas na mabilis ang reflexes ni Zeke bilang isang bampira, gamit ang isa niyang kamay ay agad siyang nagpalibot ng buhangin sa katawan ni Morisson, at pinalubog niya ito sa lupa. Mabilis na naka iwas ang katawan ni Morisson sa paghawak ng clone ni Caroline, at bago pa man si Zeke mahawakan nito ay nagpalabas siya ng matatalim na lupa mula sa kanyang katawan at tinusok nito ang mga clones na ginawa ni Caroline na siyang ikinasira ng mga katawan nito at muling nagbalik bilang nyebe. Matapos nito ay agad niyang pinalabas si Morisson mula sa ilalim na habol habol ang hininga.
Nagpakalat si Zeke ng buhangin sa paligid upang ma counter ang mga nyebe ni Caroline, pero alam niyang hindi sapat ang mga ito. Kailangan nilang gumawa ng paraan sa lalong madaling panahon.
"Wala ka bang naiisip na ibang ideya?" tanong ni Zeke kay Morisson.
Nag isip naman si Morisson ng maari niyang gawin. Kahit na kaya niyang gumawa ng tubig mula sa kawalan ay batid niyang magiging yelo lang ito sa ilalim ng kapangyarihan ni Caroline.
'Hindi ito maari. Ayokong magmukhang walang silbi. Paano ko mapo protektahan si Blake nito?' pagmomotivate ni Morisson sa kanyang isipan.
"Ganyan nalang ba ang gagawin ninyong dalawa? Hmp!" nakataas na kilay na sabi ni Caroline mula sa kanyang pwesto.
Mula sa kinatatayuan ng bruha ay nagpalabas ito ng mga matutulis na bloke ng yelo at inatake nito sina Zeke at Morisson. Nagyeyelo ang bawat daraanan ng atakeng ginawa niya.
Bago pa man makapunta ang rumaragasang matatalim na mga yelo sa pwesto ni Zeke at Morisson ay agad silang tumalon pa itaas. Nakasakay si Zeke sa buhangin habang si Morisson naman ay sa tubig.
Ikinumpas ni Caroline ang kanyang kaliwang kamay sa direksyon ni Morisson at tulayang nagyelo ang sinasakyang tubig nito na siyang dahilan ng pagkahulog ni Morisson. Mabuti na lamang ay nasalo ito ni Zeke gamit ang kanyang buhangin at pinalipad ito malapit sa kanya.
"Ayos ka lang? Pwede niyang ifreeze ang dugo mo pero bakit hindi niya ginagawa?" takhang tanong ni Zeke.
"Pinaiba ko ang temperatura ng lahat ng likido sa buo kong katawan upang hindi basta basta manlamig. Pero huwag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan para magamit ko ng wasto ang aking kapangyarihan. Huwag mo aking alalahanin." mahabang sagot ni Morisson.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
