Sorry po sa typo's :) yameetee :*
Someone's POV
"Driiiiixxx!!!" sigaw ni Ramier nang makitang nahuhulog ang buong katawan ni Drix sa anyong dragon, may mga apoy ding tumutupok sa katawan nito.
"Eeeeeerrrkkkkk!!!" asal ni Drix. Marahil ay nanonoot ang init ng itim na apoy sa mga kalikis nito.
Hindi na nagdalawang isip pa si Ramier at kinumpas nito ang kanyang kaliwang kamay, kasabay nito ang pagpalibot ng dark energy sa buong katawan ni Drix. Sinigurado niyang mahihigop ng dark energy na iyon ang mga itim na apoy mula sa atake ni Scar.
Marahan niya itong pinalutang upang hindi bumagsak sa lupa ang katawan ni Drix at lumapit siya rito.
Sa pagkakataong ito ay pinawala na niya ang kanyang dark energy at mukhang ilan sa mga pilak na kaliskis ni Drix ay natupok ng itim na apoy, umuusok pa rin ang katawan nito.
"Drix! Masyadong mapaminsala ang apoy ni Scar. Ayos ka lang?" nag-aalalabg tanong ni Ramier at marahang hinaplos ang pisngi ng malaking dragon, kasing-hugis lang siya ng mata nito.
"Ayos lang ako Ramier, patawad kung pinag-alala kita." saad ni Drix at kitang-kita ang kanyang emosyon sa kanyang mga mata. Batid niyang nasasaktan din si Ramier kung nasasaksihan nitong nasasaktan siya.
"Dapat ay tayong dalawa ang lalaban. Kapwa natin tatalunin si Scar." seryosong sabi ni Ramier kay Drix.
"Hindi. Masyadong delikado para sa iyo. Ayokong mapahamak ka!" pagkokontra ni Drix.
"Magtiwala ka sa akin. Perpektong pangontra ang aking itim na enerhiya sa kapangyarihan niya." pagbibigay sagot ni Ramier.
"Kaya mo namang makipaglaban pa, diba?" dagdag na tanong nito kay Drix.
"Oo. Sa tingin ko, pero hindi ko maaatim na masaktan ka nang dahil lang sa akin." pag-alalang saad nito kay Ramier.
"Huwag kang mag-alala, kapwa tayo mananalo." naka-ngiting saad ng mahikero, sumang-ayon naman ang dragona sa desisyon ng kanyang mahal.
Pinalutang ni Ramier ang kanyang sarili at sumakay sa pinaka-leeg ni Drix. Para siyang dragon rider sa lagay na ito. Umayos naman ng pagtayo si Drix at mas pinakita ang tikas nito bilang isang maharlikang dragona. Parang naging motivated ito dahil kasama niya si Ramier sa pakikipaglaban sa pagkakataong ito.
"Ang katawan ni Scar ay binabalot ng itim na apoy na may halong itim na enerhiya. Sa tingin ko'y makakaya nating kopyahin ang kanyang estilo." seryosong saad ni Ramier at pumikit para makapagconcentrate.
"Huwag mong kokontrahin ang enerhiya ko Drix ha, hayaan mo lang na dumaloy ito sa buo mong pagkatao. Sa ganitong paraan ay magiging isa tayo." pagpapayo ni Ramier. Nakinig lang naman si Drix at inihanda ang sarili.
Ilang saglit pa ay binuksan na ni Ramier ang kanyang mga mata. Kulay itim na ang ito at kasabay nito ang paglabas ng mga itim na marka sa buong katawan niya at ang pag usok ng dark energy sa pagkatao nito.
Kinumpas ni Ramier ang kanyang kanang kamay at biglang nagkaroon ng kulay purple na armor ang buong katawan ni Drix. Binalot nito ang mga kaliskis nito mula ulo hanggang buntot, at pati na rin ang ngipin at loob nito ay nabalot sa dark energy na armor. Naging purong itim na rin ang buong mata ng dragon.
"Grroooooaaarrrrr!!!" pagbibigay ng kombinasyong lakas nina Drix at Ramier.
Sa kasalukuyan, ay nakabalot sa purple na armor ang buong katawan ni Drix at nakasakay sa leeg nito si Ramier. Kapwa pareho ang kulay ng mga mata nila at mukhang nasa iisang consciousness nalang sila.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
