Sorry po sa typo's :)
Someone's POV
Tuluyan nang nagtransform sa totoong anyo nito si Eliazar, isang nakakatakot at kahindik-hindik na beast na umuusok ng itim na enerhiya ang katawan. Namutawi sa paligid ang kadiliman at lagim buhat ng presenya ng Hari ng Kadiliman at ang 100% na lakas nito. Sa pagkakataong ito'y kinakailangan ng anim na itinakda na makipaglaban sa kanya nang mas doble pa kesa sa kanilang nakaraang mga kakayahan.
Matapos ang ilang saglit ay nagawa ni Sky na makawala sa dark energy na kumulong sa kanya. At kahit na gulat sa kung anong nangyayari sa kanyang paligid ay mabilis itong kumilos upang pakawalan rin ang mga kasama niya.
Gumawa si Sky ng enchantment at hinalo nito ang kanyang white energy at white magic upang puksain ang itim na enerhiyang bumabalot sa kanyang mga kasamahan. Nagawa naman niya ito nang matagumpay.
Gulat na pinagmasdan nilang lahat ang lakas na pinapakita ni Eliazar. Habang pinapakiramdaman ng Hari ng Kadiliman ang kanyang bagong lakas sa himpapawid, ay kumilos ng mabilis si Sky upang iligtas ang kanyang kambal. Pumunta ang puting mahikero sa kinaroroonan ni Ramier at binigyan niya ito ng purification spell at muli silang bumalik sa himpapawid kung saan nandoon ang apat pang itinakda.
"Masama ito, hindi natin napaghandaan ang mga tusong galaw niya." iritadong saad ni Drix.
Alam nilang 50% lang ang kanilang chance na matalo si Eliazar sa estado niya ngayon, dahil hindi nga nila nagawang talunin ito nung hindi pa kumpleto ang lakas ng kapangyarihang taglay niya.
"We have to give our all for this, its now or never." seryosong saad ni Zeke sa kanila.
Nagsipagtinginan muna ang mga itinakda. Batid rin nilang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng mga susunod na mangyayari. Kahit na labis-labis ang kanilang pananalig sa mga kakayahan nila'y hindi pa rin mawawaksi sa kanilang mga damdamin ang kaba at pangamba.
"Naku. Wala na tayong ibang choice kundi ibigay ang lahat ng makakaya natin. Laban!" pagbibigay motivation ni Blake at kinuyom ang kamao nito na parang nagsisignify ng fighting spirit.
Dahil dito'y nagsipagtanguan silang lahat at inihanda ang kanilang mga sarili sa huling suliranin na kanilang kinakaharap.
"Increase." sambit ni Sky at kinumpas nito ang kanyang kanang kamay. Kasabay nito ay ang pagkahulog ng mga golden glitters sa kanilang mga katawan, kung saan mas dinagdagan pa nito ng 10x ang kanilang mga dobleng lakas dahil sa mahikang gamit ni Sky. Sa pagkakataong ito'y, pati ang katawan ni Drix ay tinatanggap na ang kakayahan ng magic dahil nasa God of Dragons form siya.
"Protect." si Ramier naman ang nagbigay ng basbas na kinumpas ang mga palad nito at umilaw ng itim na enerhiya ang kanilang mga katawan, proteksyon ito laban sa dark energy na mga atake ni Eliazar.
"Swift." saad naman ni Blake saka pinitik ang mga daliri at nagkaroon ng hangin ang mga paligid ng mga katawan ng anim na itinakda. Ang basbas na ito ni Blake ay ang kakayahang makagalaw sa maliksi at mabilis na estado.
"Adopt." sabi naman ni Morisson at tinutok nito ang kaliwang palad sa kanyang mga kasama kung saan ang anim sa pitong bilog na pumapalibot sa kanya ay pumunta sa mga katawan ng itinakda. Ang blessing na ito'y kayang imaterialize ang mga katawan nilang lahat into water upang maka-iwas sa pisikal na atake ni Eliazar.
"Create." turan naman ni Zeke na biglang umilaw ang mga mata at kasabay nito ay ang paglitaw ng panandaliang yellow na energy sa mga katawan nilang lahat. Ang kakayahan naman ng blessing niya ay kaya nitong makapagregenerate ng kahit na anumang pinsala sa pisikal o espiritwal man na aspeto.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
