Sky
Kakatapos ko palang maglagay ng panibagong harang sa aming paligid. Sa mga oras na ito, ay ang aking kapangyarihan na ang pomoprotekta saamin pansamantala. Medyo mahina din gaano ang mahikang nilagay ko noon kung kaya’t natunton kami ng kalaban at nagawang mawasak ito. Binago ko rin ang lokasyon ng aming kinaroroonan upang hindi na kami basta-basta matutunton ng mga kalaban.
Nakakalungkot isipin ang sinapit ng aking kakambal. Ngayon, dalawa na sila ni Zeke na walang malay at kasulukuyang nagpapahinga sa loob ng aming tirahan.
Hindi ko batid kung kailan babalik ang kalaban na iyon, ngunit sigurado akong naligaw ko siya kung saanman dinala ang kanyang katawan ng aking kapangyarihan.
Pumasok na ako sa aming tirahan. Nandoon sina Morisson at Blake na kapwa naka-upo at wari’y malungkot ang mga mukha.
“Ayos lang ba kayong dalawa? Kamusta na si Ramier at Drix?” paunang tanong ko sa kanilang dalawa.
“Okay lang kami Sky. Uhm.. pasensya kana sa nangyari sa kambal mo, w-wala manlang kami naitulong upang maligtas siya.” Malungkot na saad ni Blake saakin. Kitang-kita ang sinseridad sa mga sinabi niya.
“Ayos lang iyon. Hindi naman natin nabatid na iyon pala ang mangyayari. Mabuti nalang at ligtas tayong lahat.” Naka-ngiting tugon ko sa kanila.
Tinapik ko muna ang mga balikat nila at pumanhik na sa kwarto nina Drix at Ramier. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga na binitawan ni Blake bago ako pumunta sa itaas.
Kumatok muna ako sa kanilang pintuan at dahan-dahan ko itong binuksan. Nakita kong matigas na nakatitig sa nakahimlay kong kambal si Drix.
Sa aming lahat, si Drix lang kanina ang nagpakita ng pag-aalala sa kakambal ko, pag-aalala na mas higit pa sa nararamdaman ko bilang Kambal ni Ramier. Mukhang napaamo ata siya ni Ramier at nagiging malambot na ang kanyang mga gawi.
“Kamusta na ang kakambal ko Drix?” Tanong ko sa kanya habang tinititigan ang aking kakambal na walang malay.
May mga paso ito sa magkabilang braso, at may apat na sugat sa dibdib. Medyo matatagalan pa itong maghilom dahil napinsala ito ng isang Dragona na kagaya ni Drix. At wala ni-anong mahika ang makapagpapagaling nito maliban sa natural na kakayahan ng katawan na maghilom. Mabuti na lamang at malakas ang kalooban ng kakambal kung kaya’t nainda niya ang sakit na dulot ni Drix.
Hindi kumibo si Drix sa tanong ko, pero mariin pa rin ang mga titig niya sa kambal ko. Napakatigas ng ekspresyon niya ngunit taliwas ito sa sinasabi ng kanyang mga mata na nalulungkot.
Hinayaan ko nalang muna silang dalawa sa silid nila. Mukhang hindi rin naman ako kakausapin ni Drix. Pumunta na muna ako sa aming silid upang matignan ang kalagayan ni Sky.
Pumasok na ako, at nakita ko ang nakahiga ring katawani Zeke sa aming higaan. Pinagmasdan ko ito ng ilang sandali.
“Bro, kailan ka ba gigising? May nangyari nga pala kanina. Muntikan na kami Bro. Pero buti nalang at ligtas kaming lahat, maliban kay Ramier.” Pagsaad ko ng kwento sa kanya, na alam ko namang hindi niya ako maririnig dahil wala pa rin siyang malay.
Pagkatapos kung ayusin ang kumot sa kanyang katawan ay umalis na muna ako sa aming silid. Masyadong mabigat ang aking pakiramdam pagnakikita kong walang malay na nakahiga si Zeke at aking kakambal na si Ramier. Nakakalungkot.
Bumaba na muna ako at nadatnan ko sa ganun pa ring posisyon sina Morisson at Drix. Umupo na muna ako sa isa sa mga upuan at pinagmasdan ang paligid.
Maririnig mula sa labas ang ingay ng mga kuliglig. Gabi na pala. Napakatahimik ng buong bahay. Ang bigat sa pakiramdam. Kanina’y naganap ang mga pangyayaring di namin inaasahan, parang napakahaba ng pangyayaring iyon. Samantalang, ngayong araw lang naganap ang lahat ng ito.
Napunta ang paningin ko sa magiwagang orasan na nakasabit sa ibabaw ng pintuan. Napansin kong puno na ulit ang gintong enerhiya dito.
Ginamitan ko ito ng aking mahika at pinalutang ito sa harapan ko. Nakita kong nakuha rin ng mahiwagang orasan ang atensyon nina Blake at Morisson.
“Sa sobrang lalim ng iniisip ng bawat isa sa atin, hindi na natin napansin ang mahiwagang orasan.” Nakangiting saad ko sa kanila.
Pinindot ko muli ang button sa gitna nito, at mula sa orasan ay lumabas ang mala-larawan ng lugar na purong tubig at napapaligiran ito ng anyong tubig.
“Fluvia…” pagbibigkas ni Blake.
“Fluvia, ibig sabihin ay tubig. Dadalhin tayo sa dimensyon ng katubigan.” Pagpapatuloy nito.
Ibig sabihin ay si Morisson ang susunod na maglalakbay. Siya kasi ang may kapangyarihan ng elemento ng tubig. Tiningnan ko ang mukha nito na napaka-seryoso ng ekspresyon.
“Handa kana ba maglakbay Morisson?” pagtatanong ko sa kanya.
“Oo. Sa tingin ko ay handa na ako.” Walang pag-aalinlangan niyang sagot sa aking tanong.
Sa pagkakataong ito ay pwede siyang samahan ni Blake, dahil sila rin naman ang magpares sa paglalakbay. At nawa’y maging matagumpay si Morisson kagaya ni Zeke.
Tiningnan ko rin si Blake na kasalukuyan ring seryoso sa pagtingin sa mahiwagang orasan.
“Handa kana rin ba Blake?” pagtatanong ni Morisson kay Blake. Tumango lamang ito habang nanlalaki ang mga mata. Naku! Iba ang mga titig ni Morisson kay Blake ah. Hmm.
Nauna na akong tumayo, at iniharap ang mahiwagang orasan sa may pintuan. Maya-maya pa ay lumabas ang isang portal papunta sa dimensyon ng Fluvia. Tiningnan ko muli sina Morisson at Blake na kapwa na ding nakatayo sa harap ng portal.
Tumango lamang silang dalawa na wari’y nagsasabing handa na sila.
“Mag-ingat kayo, at hangad ko ang tagumpay mo sa iyong misyon Morisson.” Pagsasabi ko sa kanila.
Pumasok na silang dalawa sa portal at kasabay ng pagsara nito ay ang naramdaman kong pagtigil ng oras sa buong paligid.
Someone’s POV
“Panginoon, natunton na po ni Wayne kung saan nagtatago ang mga itinakda.” Pag-uulat sa akin ng isa sa aking mga alagad.
Gumuhit ang isang ngiti sa aking mga labi. Mga mahihina pa din pala ang itinakda dahil wala silang kaalam-alam.
“Ipaabot sa ibang mga kasapi ang impormasyon ng mga itinakda. Sabihing, puntahan ito at tapusin ang lahat ng mga nilalang na nandoon!” Utos ko sa aking alagad.
“Masusunod po Panginoon!” Sagot nito at gumayak na paalis sa harapan ko.
Ito na ang magiging huling araw ninyo sa mundo mga itinakda dahil sisiguraduhin kong hindi na kayo mabubuhay pa. Mga sagabal!
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
خيال (فانتازيا)Sinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
