Sorry po sa typo's :) hihihi :*
Someone's POV
Bumaon ang mga matatalim na kuko sa dibdib ng sireno na mukhang hindi na sense ang atake ng dragona, marahil ay masyado siyang naging kompyansa na tuluyan na itong napuksa sa huling atake niya.
"Nakakamangha ka nga kung maituturing." nakangising sambit ng sireno habang nakatitig sa mabangis na dragona na binabalot ng itim na apoy ang buong katawan.
Hindi batid ng kalaban na ginawang tubig na ni Morisson ang buo niyang katawan bago pa man tumama ang atake niya sa katawan ng sireno, kung kaya't parang wala itong tinamaan.
Ngayo'y nais nang ilabas ni Morisson ang kanyang malakas na anyo bilang sireno na nakuha at natutunan niya sa pagkamit ng trident ni Hariny Poseidon. Napag-aralan niya ito ng husto sa maikling oras lamang pati na rin ang mga kakayahan ng trident na hawak niya.
Ngumisi muna ang sireno sa mabangis na dragona at nagsalita.
"Neptune!" kasabay nito ang pagputok ng trident at naging blue na energy na siyang pumasok sa buong katawan ni Morisson.
Dahil sa lakas ng pwersa ng energy na iyon ay napaatras ang dragona at pati ito'y ramdam ang makapangyarihang pagtatransform ng sireno.
Lumitaw paitaas ang katawan ni Morisson at kasabay nito ang pagbalot ng blue na energy sa buo niyang katawan. Sa pagkakataong iyon ay unti-unting naging buntot ng sirena ang kanyang dalawang mga binti at asul na may pinaghalong berde ang kulay ng mga makikinang na kalikis nito. Naging matikas din ang mga muscles ni Morisson at umiilaw ng blue na energy ang mga mata nito, lumabas din mula sa paligid niya ang pitong bola ng tubig na nagliliwanag ng kulay na pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at lila, ang mga bola ng tubig na ito ay sumisimbolo ng karagatan ng Earth at lumutang ito sa paligid ni Morisson. Ito ay ang kanyang pinakamakapangyarihan anyo - ang Neptune, na taglay ang lakas ng isang diyos ng karagatan at katubigan sa buong sangkalawakan. Nag-eemit din ng blue na energy ang katawan ng sireno na ngayo'y nakalutang sa himpapawid at mariing tinitingnan ang kanyang kalaban na nasa lupa.
Dahil sa mabangis ang dragona ay agad itong umatake at binugahan nito ng itim na apoy si Morisson.
Hindi gumalaw ang sireno sa pwesto niya, bagkus ay sinalubong niya ng buong-buo ang atake ni Scar, ngunit parang kusang nagreflect lamang ang itim na apoy nang tuluyan itong makalapit sa kanyang pwesto, nihindi siya nito natamaan at hindi manlang nasaktan sa init nito.
"Hangal! Ang kapangyarihan ko'y perpektong pangontra sa kapangyarihan mo." matapang na sabi ni Morisson.
Mabilis na kumilos ang sireno na tila'y lumalangoy sa hangin at lumapit sa kinaroroonan ng kalaban.
Tinutok nito ang kanyang kanang palad at lumabas mula rito ang napakalakas na hydro pump at sapol na tumama sa katawan ni Scar.
"Vvrroooogggsshhhh!!!" pagragasa ng atake ni Morisson at kasabay nito ang pagsadsad ng katawan ng dragona sa kalupaan, at dahil dito'y mas naging mabangis ang itsura ni Scar at mas lalong lumagablab ang itim na apoy sa buo niyang katawan.
"Grrrrooooaaarrrrr!!!" malakas na usal ng dragona at tinodo na rin niya ang kanyang taglay na lakas matapos mabawi ang postura nito.
Bago pa man makakilos si Scar, ay kinumpas ni Morisson ang kanyang kanang kamay at mabilis na rumagasa ang napakalinaw na tubig sa buong kalupaan sa harap nito at pumunta ito sa kinaroroonan ng dragona. Parang may mga nagsisipagtalon na dolphins na gawa sa malinaw na tubig ang pumpunta sa direksyon ni Scar.
"Rrrrrooooggssshhhhh!!!" mabangis na kilos ng katubigan at nagmumula na ito sa buong direksyon.
Agad namang lumundag ang dragona at lumipad paitaas para maka-iwas, ngunit ang hindi nito inaasahan ay ang pagsunod ng katubigan sa kanya na parang may buhay ito, puma-itaas rin ang direksyon ng malinaw na tubig na iyon at sumunod sa agarang paglipad ni Scar.
"Grrrooaaarrrrrr!!!!" pagbuga ng dragona ng kanyang itim na apoy ngunit wala itong epekto ng tumama sa tubig na gawa ni Morisson at patuloy ang pagragsa nito sa katawan niya.
Parang nilalamon lamang ng tubig na iyon ang kanyang mainit na itim na apoy. Dahil dito ay mas mabilis pang lumipad si Scar upang makatakas.
Ilang saglit pa'y...
"Eeeeeerrrkkkkk!!!" daing ni Scar nang tuluyan ng maabot ang kanyang katawan ng katubigan at sa pagdikit ng tubig na iyon sa kanya, ay ang siyang paglusaw ng itim na apoy na bumabalot sa buo nitong katawan na tila'y napatay ng ordinaryong tubig na iyon ang makapangyarihan niyang apoy.
"Eeeeeerrrr----" muling daing nito at tuluyan ng nilamon ng tubig ang malaki nitong katawan. Sa pagkakataong ito'y ordinaryong dragon na lamang siya na may kulay tansong kaliskis.
Minanipula ni Morisson mula sa kanyang pwesto ang tubig sa buong katawan ni Scar at kinulong sa loob nito ang malaking katawan ng dragona. Parang nasa kristal na bola ng tubig ang kasalukuyang kalagayan ngayon ng dragona.
Mabilis na lumapit dito ang sireno. At napakaganda nitong pagmasdan sapagkat kumikinang ang buong katawan nito habang nasa ere na tila'y banayad na lumalangoy sa himpapawid, napakabilis rin ng galaw nito.
Tumigil si Morisson sa tapat ng dragona na nagwawala sa loob ng malinaw na tubig na kasalukuyang kinukulong ang kanyang katawan. Tiningnan niya ito ng mariin at naramdamang may kakaibang pwersa sa loob ng katawan nito.
Habang nasa ganoon posisyon sila, ay biglang dumating ang violet na vulture na alagad ni Ramier.
"Uuurrrrkkkkk!!!" huni nito at lumipad palapit sa pwesto ni Morisson at mabilis na ibinigay ang mga impormasyon ukol sa kanilang mga sitwasyon at ang pagkukulong ng 10% na lakas ni Eliazar pagkatapos matalo ng kalaban, sa pamamagitan ng telepathy.
"Maraming salamat!" saad ni Morisson sa violet na vulture at tiningnan ang kanyang kalaban sa pwesto nito.
Tama nga ang kanyang na sense na may makapangyarihang pwersa sa loob nito, at nakumperma niyang ito ay ang 10% na kabuuang lakas ni Eliazar.
Kailangan niyang magdobleng ingat kung maeextract niya ang dark energy na iyon sa katawan ni Scar, dahil delikado kung makatakas ito.
Bago siya gumawa ng hakbang ay kinumpas ni Morisson ang kanyang kanang kamay paitaas at kasabay nito ang pag ilaw ng mga bilog na tubig na pumapalibot sa kanyang katawan. Matapos ito ay ang pagkakaroon ulit ng malaking body of water na nagmula sa buong direksyon at pumalibot ito sa pwesto nila. Para silang nasa loob ng malaking dome na gawa sa makapal na tubig sa mga oras na ito.
Nang masigurado na ni Morisson na secured na ang kanilang kalagayan ay binaling ulit nito ang kanyang paningin sa nagwawalang dragona.
Marahang itinutok ng sireno ang kanyang kaliwang kamay at minanipula ang katubigan na nagkukulong sa katawan ni Scar. Ilang saglit pa ay ang pag-ilaw ng tubig na ito at makikita ang daing ng dragon sa loob nito.
Nais ihiwalay ni Morisson ang dark na energy na iyon sa loob ng katawan ni Scar sa pamamagitan ng pagcleanse sa buong pagkatao nito. Nagfocus lang ng maigi ang sireno sa kanyang gagawin.
Makaraan ang ilang saglit, ay umilaw ng kulay itim ang dibdib ng dragon at lumabas mula rito ang nagwawalang mabangis na dark energy na lakas ni Eliazar.
"Uuurrrrrkkkkkk!!!" mabilis na pumunta ang violet na vulture sa kinaroroonan ni Scar at nakapasok ito sa tubig na nagkukulong sa katawan niya.
Bigla itong naging violet na energy na tila'y hinabol at dinakip ang dark energy ni Eliazar at kinontain ito sa pormang bilog na energy ball.
Tagumpay ang pag-eextract ni Morisson at pinagmasdan ang nagwawalang dark energy na iyon at nabatid nga niyang masyadong magiging delikado kung makakabalik ito sa katawan ni Eliazar.
Matapos ang ilang sandali ay nagtransform na ang katawan ni Scar from dragon form into human form, at mukhang wala na nga itong buhay. Naging isang usok nalang ang dragona makaraan ang ilang sandali.
Kalmadong pinahupa ni Morisson ang katubigan sa paligid niya at nabahala ito sa iba pa niyang mga kasamahan, sapagkat nakaramdam ito ng kakaibang kutob.
"Blake... mga kasama..." nag-aalalang sambit nito at tiningnan ang paligid.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
ФэнтезиSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
