Humihingi po ako ng pasensya sa inyo.😭 Nabusy si Author these past months kasi inasikaso ko po ang aking career.😊
Mag-uupdate na po ako. Hihi.
Salamat po sa nagbasa, nagcomment, at nag appreaciate ng story ko.😀
Salamat po sa mga magagandang feedback.❤
--------------
Readers! Naku po! Nawala yung dating phone ko, sa phone lang kasi ako gumagawa ng story. Nandoon rin ang mga Drafts ng story na ito. Kaya ayon.
Ngayon palang din narecover ang account ko sa Wattpad. Kaya sure na po na makakapag update na ako. Selemet. Enjoy Reading. :) At sorry po sa mga typos. Chao!
-TaurusDindo
___________
Morisson
Hinanda ko na ang aking sarili sa magiging laban namin ng unang tagapangalaga ng Elemento ng tubig.
Kita sa kanyang mga pulang mata ang mabangis nitong layunin na matalo rin ako. Nakamangha ang anyong ahas nito na gawa sa tubig.
Ilang sandali pa'y mula sa kinatatayuan kong tubig ay lumabas ang mga matutulis na espada na yari sa tubig. Gulat ma’y agad ko itong naramdaman dahil sa lakas ng enerhiya dito. Hudyat na simula na aming laban.
Agad akong tumalon at nagmanipula ng tubig papunta sa aking mga paa upang magsilbing tapakan ko at pinalutang ko ito. Lumayo ako ng ilang dipa sa aking pwesto kanina na mistulang mga pangil ng isang halimaw na gawa sa tubig.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang paglabas ng napakaraming matutulis na tubig mula sa baba at papunta ito sa aking direksyon. Nagmistulang ulan na galing mismo sa katubigan ang itsura ng mga matatalim na tubig na tutusok sa buo kong katawan.
At bago pa man makalapit sa akin ang mga matatalim na tubig ay gumawa na ako ng harang at ipinalibot ko ito sa buo kong katawan. Nagmistulan ito na parang malaking bula at nasa loob ako nito.
Tumusok sa aking harang ang mga talim na mistulang mga pana na nagmula sa iba’t-ibang direksyon. Maya-maya pa ay unti-unti ng nabibitak ang aking harang.
‘Hindi ito maari!’ sambit ko sa aking isipan.
Agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagpokus ng maigi. Unti-unti ko nang nararamdaman ang aking kapangyarihan.
Bago pa man tuluyang mawasak ang malaking bula na aking panangga ay minanipula ko itong muli. Pinalaki ko ito ng husto hanggang sa tuluyan itong sumabog kasama ang mga matatalim na tubig.
Hinihingal ako ng kaunti sa aking ginawa.
“Mukhang may angking lakas ka sireno.” Sambit ni Hydra.
“Seseryosohin ko na ang ating laban!” sigaw nito at umatake papunta sa direksyon ko.
Humaba ang katawan nito at kumilos nang napakabilis. Agad akong gumawa ng sandatang gawa sa tubig at ginawa ko itong espada.
Nang bahagya ng makalapit si Hydra sa aking kinaroroonan ay binuka nito ang kanyang malaking bibig at aktong lalamunin ako ng buhay. Pero sinadya kong makalapit siya ng husto upang mapagtagumpayan ko ang aking plano.
At nang tuluyan na siyang makalapit ay mas pinalakas ko pa ang enerhiya sa aking hawak na espada na gawa sa tubig. Hinati ko sa dalawa ang kanyang katawan mula sa kanyang bibig hanggang sa kalahati ng kanyang katawan at tumalon ako sa pinakamalapit na tubig sa baba. Hindi naman ako lumubog sapagkat kaya kong makatapak sa ibabaw ng tubig.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...