Chapter 99 - Finale 4

329 30 6
                                        

Sorry po sa typo's :) ayyieeee :*

Someone's POV

Nakatingin lang ang anim na itinakda sa loob ng cube na puno ng itim na usok. Hindi alam ng anim kung epektibo ba ang kanilang naging mga atake pero batid pa nila ang presensya ni Eliazar sa loob.

"Crack!" maliit na pagtunog ng cube at nagkaroon ng maliliit na bitak sa paligid nito. Namutawi sa mga mukha ng itinakda ang gulat dahil sa katotohanang buhay pa ang kanilang kalaban.

Kahit na hindi pa mawari ng mga itinakda ang estado ng Hari ng Kadiliman ay inihanda nila ang kanilang mga sarili sa maaring gawin ng kanilang kinakaharap na nilalang.

At biglang...

"Vvvvvooorrggggssshhhhhh!!!" malakas na pagsabog gawa ng pagkasira ng perfect cube at biglang lumitaw si Eliazar sa harapan ni Ramier, may mga maliliit na bitak ang katawan nito na umiilaw ng puti na parang galos mula sa mga atake nila.

Tinutok ng kalaban ang kanyang kanang palad sa bandang dibdib ni Ramier at nagpalabas ito ng malakas na pwersa ng dark energy na kayang tumusta ng kahit na anong bagay.

Kahit na mabilis ang pangyayari ay nagawa ni Ramier na maka-summon ng black hole sa kanyang harapan.

"Rrrroooogggsshhhhhhh!!" pagragasa ng atake ni Eliazar na agad na hinigop ng black na gawa ni Ramier.

Kumilos naman si Zeke at Blake na kapwa umatake.

Gamit ang elf energy ni Blake ay tinipon nito ang puting pwersa sa kanyang mga kamo at kisapmatang sumugod sa likod ng kalaban.

"Bbbbbooogggssshhhhh!!!" pagtatama ng isang solidong suntok sa likod ni Eliazar at mukhang nasaktan ito ng kaunti.

Bigla namang lumitaw si Zeke mula sa ibabang bahagi ng Hari ng Kadiliman at nagbigay ito ng uppercut na sapol na tumama sa panga ni Eliazar.

"Zzzooopppppfff - Bbbbaaarrgssshhh!!!" tagumpay na atake ni Zeke at kasalukuyang napatingala ang nag-ngingitngit na si Eliazar at tiim bagang kinontrol ang kanyang daing.

Pagkatapos ng mga pisikal na atakeng iyon ay kapwa lumayo sina Blake, Zeke at Ramier mula sa kanilang mga pwesto.

Agad naman pumwesto ang ibang itinakda upang umatake.

"Stargazer!" mariing sigaw ni Drix na siyang sumunod na umatake.

Lumabas mula sa paligid ni Eliazar ang animo'y mga santilmo na bilog na apoy at bumulusok ito papunta sa kanyang katawan.

"Rrrrraaaaaarrrrrsssgghhh!!!!" sunod-sunod na malalakas na pagsabog nang tumama ang mga atake ni Drix. Kapareho ng nuclear bomb ang fire power na gawa ni Drix.

Hindi rin nagpahuli sina Sky at Morisson sa pagbibigay ng kanilang mga bwelo.

"Atlantis!" sigaw ni Morisson at lumitaw ang katubigan mula sa kawalan na mabilis na kumilos patungo sa umuusok na pwesto ng kalaban.

Agad nitong kinulong ang katawan ni Eliazar na ngayo'y nakakuyom na ang mga kamao at galit na ang itsura ng mukha. Hindi ito makagalaw dahil sa abilidad ng atake ni Morisson na kayang mag drain ng lakas ng sinumang nasa loob ng Atlantis na tubig na gawa niya.

"Swords of the Archangels." saad naman ni Sky at kinumpas nito ang kanyang kanang kamay kung saan lumabas ang limang malalaki at makikinang na mga espada ng mga arkanghel. Sa pagkakataong ito'y may halo ng sagradong enerhiya ang mga sandata na ito.

"Hmp!" mahinang usal ni Sky na minanupula ang mga sandata upang mapunta sa katawan ni Eliazar na nasa loob ng tubig.

"Swoosshhh!!! Swwooosshhh!!! Sswwwooosshh!! Sswwooosshh!! Ssswooosshh!!!" sunod-sunod na pagpasok ng espada na kontrol ni Sky at lahat ng ito'y tumusok sa malaking katawan ng kalaban.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon