Chapter 58 - Happy Breakfast

794 52 3
                                        

Sorry po sa typo's :) chaoooo :*



Someone's POV

Kasalukuyang nasa dining area na ang lahat matapos makapaghanda ng almusal sina Sky at Zeke. Tapos na rin maligo sina Blake at Morisson mula sa labas at andoon na din sina Ramier at Drix.

Puno ng madaming pagkain ang bilog na mesa ng hapagkainan nila, may mga gulay at prutas ring nakahanda.

"Hindi ko alam na marami pala tayong naka imbak na pagkain. Haha. Sa ilang araw nating pamamalagi dito, ito ang unang pagkakataon na magsasalo-salo tayo sa iisang hapagkainan." paunang sabi ni Ramier.

"Oo nga. Palagi kasing walang malay yung iba pagkatapos ng labanan. Hahaha." dagdag na sabi ni Blake.

"Siya nga pala Sky? Anong nangyari sa kamay mo? Ba't may benda?" usisang tanong ni Morisson kay Sky.

"Uhm, napaso ako kanina. I think, its fine naman now." pagsasagot ni Sky.

"Diba may kakayahan kang makapagpagaling? Bakit hindi mo iyon ginawa?" pagsisingit ni Drix na siyang ikinalaki ni Zeke ng kanyang mga mata.


'Ay shete. I forgot na kaya niya palang makagawa ng recovery spell. How stupid of me.' dismayadong sabi ni Zeke sa kanyang isipan ngunit hindi na lang siya umimik.

"Ahh. Ehh. Basta! Haha. Feel ko lang na malagyan ng benda ang kamay ko. Okay lang naman para maramdaman kong tao pa rin ako kahit papaano. Hehehe." pagdepensa ni Sky saka nakangiting pinagmasdan ang bendang nasa kamay niya.

Agad naman na tumango sina Blake, Morisson, Drix, at Ramier sa sinabi niya.


Maya-maya pa ay mapapansin ng lahat ang pag aasikaso ni Drix kay Ramier. Kinukuhanan niya ito ng pagkain at maingat na hinihiwa ang karne at prutas at nilalagay ito sa plato niya. Mukhang hinahayaan lang naman ito ni Ramier at nakangiting tumutugon sa ginagawa ni Drix.


Nagulat at nanlaki ang mga mata nina Sky at Zeke, Blake at Morisson ng makitang masaya ring ngumiti si Drix na animo'y kinikilig.

"Wwwwwwaaaaaaaatttttt?!!!" sabay sabay nilang sabi.


"Totoo ba itong nakikita ko?" Morisson.

"OhMyG! Drix? Is that really you? You smiled right? As in just now? Gosh!" Blake.

"Dude, mukhang na possess ka ata ngayon ngayon lang?" Sky.

"Ooopppss. What's with the sudden sweetness and chessiness? Kayo na ba ni Ramier?" Zeke.


Agad na napalingon ng mabilis sina Blake, Morisson, at Sky sa sinabi ni Zeke nang nagtataka samantalang sina Ramier at Drix naman ay kapwa lang na tumawa.

Mula sa ilalim ng mesa ay kinuha ni Drix ang kamay ni Ramier at hinawakan niya ito ng mahigpit saka masayang itinaas sa bandang mesa para makita ng lahat ang paghoholding hands nila.

"Hindi ko batid kung kami na ba o hindi. Pero sigurado akong papunta na kami doon." nakangiting sabi ni Drix na proud na proud sa pag aanounce niya.

Muling napanganga ang apat sa kanilang narinig.

"Realllllyyyy? Waaaaaaaaa!!! Nakaka amaaaazzeee!! Halaaaaaaa!! Hahaha." kinikilig na sabi ni Blake.

"Seryoso ba kayong dalawa?" medyo kinikilig din na turan ni Morisson at bahagyang napapangiti.


"Oh. Hahaha. Iba din kayo ha. Low key! Low key. Hahahaha." masayang usal naman ni Sky.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon