Chapter 60 - Darkria

732 45 3
                                        

Sorry po sa typo's :) chaooo :*




Ramier

Makalipas ang ilang oras ay naghanda na kami ni Drix sa aming magiging paglalakbay. Puno na naman ang mahiwagang orasan at nandito kami ngayon nakatayo malapit sa pintuan upang tingan kung saan ang huling dimensyon na aming pupuntahan.

"Asan sina Sky at Zeke? Di pa ba sila bumaba mula kanina?" pagtatanong ni Blake saka hinanap ang dalawa. Kaming apat lang kasi ang kasalukuyang nandito sa may sala.

"Hayaan na muna natin silang makapagpahinga. Sigurado akong medyo pagod pa ang mga iyon dahil katatapos lang nilang maglakabay kaninang umaga." pagsasabi ni Drix na siya naming tinanguan nina Morisson at Blake.

"Oh siya. Ito at titingnan na natin ang ating pipuntahan." saad ko sa kanila at pinindot ang button sa mahiwagang orasan.

Lumabas mula sa pina gitna nito ang paligid na puno ng kadiliman, parang may kweba sa pinakagitna ng buong lugar na pinauulanan ng mga kidlat at napapalibutan ng mga lahar at apoy.

"Darkria..." basa ni Morisson nang lumabas ang salitang iyon.

Mabilis akong kinabahan at napahingang malalim.

'Ito na iyon. Kailangan kong magtagumpay para sa mga kasama ko. Magagawa ko ito!' positibo kong sabi sa aking sarili saka pinindot muli ang button upang makapagpalabas ng portal.

"Weeeeeeeewwww!" pagbubuga ko ng hangin. Parang nangangatog ang aking mga tuhod sa kaba.

Agad namang hinawakan ni Drix ang aking kamay nang mabatid nitong nilalamon na ako ng aking negatibong emosyon.

"Kumalma ka Ramier. Makakaya mo iyan. Alam kong magtatagumpay ka." sabi nito sa akin habang nakangiti. Medyo nabawasan naman ang aking kaba sa tinuran niya.

"Oo nga. We believe in you Ramier. Go lang ng Go! Haha. Laban!" masayang sabi ni Blake.

"Hihintayin namin ang iyong pagbabalik Ramier, mag-iingat pa." saad naman ni Morisson.

"Maraming salamat mga kaibigan. Hehe." sagot ko sa kanila saka humarap sa portal.

'Makakaya mo ito Ramier! Para sa mga kaibigan mo at sa buong mundo.' muli kong saad sa aking isipan saka nagsimula nang lumakad kasama si Drix papunta sa portal.

Pagpasok nami'y parang hinigop ang aming mga katawan at iniluwa kami sa pinakabungad ng malaking kweba.

Kagaya nga ng nakita namin kanina ay nakakapangilabot ang buong paligid. Napapalibutan ito ng wasak wasak na lupa na bumubuga ng apoy at lahar at walang tigil ang pagkidlat sa buong lugar.

Agad namang napadaku ang aming tingin sa pinakabungad ng kweba. Siguro ito na iyon. Nararamdaman kong dito namamalagi ang aking makakatunggali.

"Halika na Drix. Pasok na tayo." mahinahon kong pag-aaya kay Drix. Tumango lang naman ito saka sabay kaming naglakad papasok.

Napakalawak ng entrada ng kweba. May mga nilalang na hindi namin alam kung anong uri ang nakabitin sa pinakataas ng kweba. Mapapansin rin binabalot ng dilim ang buong paligid at ang tanging may liwanag lamang ay ang pinaka sentro ng entradang ito. Doon siguro ang pinakagitna.

Nang makarating na kami malapit sa pinaka sentro, ay biglang napatigil si Drix na siyang ikinataka ko.

"Oh? Anong nangyayari sa katawan mo?" medyo kabado kong tanong sa kanya.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon