Sorry po sa typo's :) mwuapsyy :*
Someone's POV
Sa kabilang daku, ay kasalukuyang naghaharap sina Blake at Morisson laban sa Metahuman na si Xiro.
Tumalon ang metahuman na may malaki at matigas na katawan at ii-smash nito ang dalawa.
Agad na nagpakawala si Blake ng malakas na pwersa ng hangin at si Morisson nama'y isang malaking water dragon, ikinombine nila ang kanilang mga atake upang pigilan si Xiro.
Pero dahil sa lakas ng pagbulusok ni Xiro mula sa pagtalon nito ay hindi naging epektibo ang ginawa nilang atake. Dumiretso lang ang tubig at hangin sa katawan nito na hindi manlang natinag o nasugatan.
Agad na umiwas sina Blake at Morisson bago pa man tumama ang pag smash ni Xiro.
"Ccrrraaaaggggssshhhh!!!" tunog na nagmula sa pagbitak ng kalupaan mula sa impact ng atake ni Xiro.
Sinubukan ng dalawa na hanapin ang tubig o hangin sa buong katawan ng metahuman upang mamanipula nila ito, pero bigo sila. Hindi nila batid kung ano ang body composition nito o kung gawa ba ito sa ibang bagay.
"Blake, gamitan mo ng malamig na hangin ang buong katawan ko." utos ni Morisson at ginawang mercury ang buong katawan nito.
Tinutok naman ni Blake ang kanyang kamay sa buong katawan ni Morisson saka nagpalabas ng napakalamig na hangin, agad na naging solid ang buong katawan ni Morisson. Plano niyang labanan ng pisikal na mga atake si Xiro kahit na doble ang laki nito sa kanya.
Hindi na nagdalawang isip si Morisson at inatake ang metahuman sa kintatayuan nito. Sinugod niya ito gamit ang bilis ng hangin na suporta ni Blake.
Kapwa sila nagpakawala ng napakalakas na suntok nang sila ay magkasalubong.
"Bbbbaaaaannngggg!!!" pagtama ng kanilang mga kamao sa isa't-isa. Nasira ang mga lupa sa kinatatayuan nila dahil sa lakas ng kanilang mga atake.
"Aaaghhhh..." mahinang daing ni Morisson. Alam niyang medyo natupi ang kanyang kamao sa lakas na taglay ni Xiro, pero agad din niya itong pinaregenerate, at nagpakawala muli ng mga suntok.
"Baaaggg!!! Baaaagg!!! Baaaaggg!!! Baaaggg!!! Baaagggg!!! Baaaggg!!!" pagtatama ng mga suntok ni Morisson sa katawan ni Xiro. Pero hindi man lang ito natinag at hinayaan lang siya na suntukin ang katawan nito.
"Iyan lang ba ang lakas mo? Haha!" mayabang na sabi ni Xiro saka mabilis na hinawakan ang ulo Morisson at binalibag.
"Braaaaggsshhhh!!! Braaaaaggssshhh!!! Braaagggssshhh!!! Braaggggssshhh!!!" tunog na nagmula sa paghampas ni Xiro sa katawan ni Morisson na parang isang bagay.
"Uuuggghhhhh!!!" daing ng sireno dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama niya sa lupa.
Matapos ihampas-hampas ng metahuman ang sireno ay tinapon nito ang katawan ni Morisson na ngayo'y normal na ang anyo papunta sa malayong parte. Parang nagtapon lang ng pagkain si Xiro sa paligid.
"Morisson!" sigaw ni Blake at agad na sinalo ang tumilapong katawan ni Morisson gamit ang hangin.
Nakita ni Blake na bumebwelo ang metahuman at mukhang aatakehin na muli nito si Morisson. Hindi na siya nag atubili pa na umatake.
Agad na lumitaw ang katawan ni Blake sa harapan ni Xiro at kasabay ng pagtutok ng kanang palad nito sa katawan ng metahuman at ang paglabas ng napakalakas na pwersa ng pinaghalong hangin at elf energy.
"Woooooffffvvvvv!!!" isang saglit pero napakalakas na pag ihip, at tumilapon ang katawan ng metahuman sa malayo. Nasira rin ang kalupaan sa paligid nito.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
