Sorry sa typo's :) kachiiing :*
Drix
Matapos naming makipaglaban sa shapeshifter ay natuklasan naming isa pala itong batang babae. Kaya't nalaman naming hindi masyado malawak ang kanyang kaalaman kahit na napakalakas ng taglay niyang kapangyarihan.
Ilang sandali lang ay biglang binalot ng itim na usok ang katawan nito at tuluyang naglaho.
Ganoon din ang nangyari sa katawan ng bruha na yelo ang kapangyarihan. Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa mga katawan nila matapos ang aming labanan.
Muli kaming nagkita-kitang lima sa tapat ng bahay na pinakatahanan namin. Sa pagkakataong ito ay magbubukang liwayway na at maya maya pa ay sisikat na ang araw.
"Ayos lang kayo guys?" tanong ni Blake kina Morisson, Zeke, at Sky na ngayo'y bumalik na sa dati ang buong katawan.
"We're perfectly fine." nakangiting sagot naman ni Zeke.
"Ikaw Sky? Okay kalang? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba sa iyong katawan?" baling na tanong nito kay Sky na wari'y nag aalala.
"Yeah, I think I'm good. What happened? Everything went black after kung makita yung babae sa harapan ko eh." sabi nito habang nagkakamot ng ulo.
"We will tell you later Sky." pagsasagot sa kanya ni Blake.
"Uhm, ikaw Morisson? Sigurado ka bang ayos kalang din?" dagdag na tanong naman nito kay Morisson.
"Ah oo. Hehe. Sa tingin ko'y wala rin namang problema ang katawan ko. Hehe." namumulang sagot ni Morisson.
Hmmmm. Parang kakaiba ang pagtrato nila sa isa't-isa ha. Pero dahil sa hindi naman ako kagaya nilang makukulit ay hindi ko nalang sila pinansin.
Binaling ko ang aking paningin sa paligid namin. Kitang-kita ang wasak wasak na lupa at napakadaming puno at halaman ang nasira mula sa laban. Mukhang dinaanan ng bagyo ang parte ng kagubatan.
"T-teka. Asan nga pala si Ramier? Bakit wala siya rito?" pagbibigay salita ni Sky na siyang nakapagpa tigil sa akin.
*gulp--
"Hmmm. Ewan ko. Baka tulog kasi pagod na pagod. Hahaha. Ikaw Drix? Siguradong may alam ka kung bakit hindi nakababa si Ramier?" mapanuksong saad ni Zeke sa akin habang pinapakita niya ang kanyang pilyong mga ngiti. Tsss
"Tigilan mo ako Bampira." pagbabanta ko rito. Siguradong may alam ito sa nangyari kagabe.
*Flashback
Mula sa pagkakahimbing ay bumalik ako sa aking ulirat nang muli kong maramdaman ang pag iinit ng buo kong katawan.
Ito ang pangalawang pagkakataon na naranasan ko ito. Noong una ko itong naramdaman noon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Para akong nababaliw. Mahigit isang linggo akong nagtago sa liblib na kweba upang hindi makapaminsala. Pilit kong pinaraos ang init ng ilang beses nang mag-isa ngunit hindi ito naging sapat kaya umabot ng ilang araw bago ito humupa. Isa iyon sa mga nakapaka lagim na pangyayari sa buhay ko, ang datnan ng init ng mag-isa.
Sa ngayon na nararamdaman ko ulit ito ay mukhang kaya ko pa itong indahin.
Yung ay ang pakiwari ko lamang. Dahil noong binuksan ko ang aking mga mata ay nakita ko si Ramier, at hindi ko na ito napigilan pa.
Hanggang sa nagawa naming dalawa ang pag-iisa ng katawan.
-
Ewan ko kung pang ilang beses na naming ginawa ito. Sobrang sarap niya, napaka init ng loob niya at nakakapang gigil. Basta ang alam ko'y siya lang ang nakapagpa ligaya sa akin ng husto. Parang siya ang nagpuno sa uhaw ng aking katawan at dumilig sa aking init. Binigyan niya ng katuturan ang buong pagkatao ko sa pagkakataong iyon.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
