Sorry po sa typo's :) skirrt skirrtt
Blake
"A-ano?" hindi makapaniwalang sagot ko sa sinabi ni Sky sakin. Mukhang nagulat din ang ibang kasama namin sa kanilang narinig maliban kay Ramier.
"Tama ang iyong narinig Blake. Naramdaman ko rin ang napakalakas na enerhiyang iyon noon. Nakapag saliksik rin ako sa iyong lahing pinagmulan, kaya alam ko rin ang mga impormasyon na iyon." sabi ni Ramier sa akin ng kalamado. Mukhang hindi nga sila nagbibiro.
Hayssss. Napa buntong hininga nalang ako. Ano nga ba ang gagawin ko sa sitwasyong ito? Ghad
"Kaya Blake, huwag kang panghinaan ng loob. Malakas ang kapangyarihan mong taglay, lalo ngayo't nasa wastong edad kana. Baka ito na ang pagkakataon upang pagisingin mo ang iyong tunay na abilidad." maamong sabi ni Morisson. Grabeng encouragement to ha. Pero na aappreciate ko.
"Salamat, salamat sa inyo." sagot ko sa kanilang lahat.
Nakapagpasya na ako. Kakayanin ko ito. Ang kailangan ko lang ay pagisingin ang core sa pinaka pagkatao ko upang magamit ko ng wasto ang aking kapangyarihan.
"I think I can do it now!" seryosong sabi ko sa kanila. Kita ko naman ang kanilang marihing pagtango tanda ng pagsuporta nila sa aking gagawin.
"That's the spirit Blake! You can do it!" masiglang pag che cheer sakin ni Zeke.
Hayyysss. May choice pa ako? Ito na oh. Awit
Bahagya na akong tumayo at huminga ng malalim. Pinakalma ko muna ang aking sarili. Tumayo na rin si Morisson at inihanda na din niya ang kanyang sarili. Siya nga pala ang makakasama ko sa paglalakbay na ito.
Pumunta na kami sa malapit sa pinto at inihanda na namin ni Morisson ang aming mga sarili.
Itinutok ni Ramier ang mahiwagang orasan at pinindot ang button dito. Nagkaroon ng portal papuntang Aeria at kita naming lahat ang tanawin sa kabilang dimensyon.
Kabado man ay pilit kong pinalakas ang aking isipan at damdamin.
Maya maya ay naramdaman ko na may humawak sa aking kamay. Hinawakan ni Morisson ang isa kong kamay. Naramdaman siguro niyang nilalamon na ako ng kaba. Haaaysss.
"Halika na?" sambit niya ng naka ngiti. Tsss. Ayan na naman yang ngiti na yan. Hahay.
Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot at sabay na kaming naglakad papuntang dimensyon ng Aeria.
'Here goes nothing' cheer ko sa aking isipan at pumasok na kami.
Aeria
Nakarating na kami sa Aeria. Totoo nga, nasa ibabaw ito ng mga ulap. Isa itong kaharian sa ibabaw ng kalangitan.
Tiningan ko ang paligid. Walang hangganang kaulapan ang pumapalibot sa buong kaharian.
Ang mga paligid ay mula pa sa sinaunang panahon. Medyo sira sira na ang mga batong poste at my mga baging na nakaratay dito. Medyo madami na rin ang mga tanim sa paligid. Marahil ay abandonadong kaharian ito. Hindi ko batid kung sa kaharian ba ng fairy o ng mga elf ito.
Bahagya kong binitawan ang kamay ni Morisson at humakbang ng isang metro sa kanya. Pinakikiramdaman ko ang paligid.
"Uhm Blake, ayos ka lang?" nag aalalang tanong sa akin ni Morisson.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
