Sorry po sa typo's :) lavlav :*
Someone's POV
Sa pwesto ni Zeke ay lumusob ang sandamakmak na mga kalaban.
"Raaaarrrrrrrr!!!!" sigaw ng iba't-ibang nilalang papunta sa direksyon niya, mababangis at nagwawala ang mga ito habang lumulusob.
Mabilis na kinuyom ni Zeke ang kanyang kamao at malakas na sinuntok ang lupa sa harapan nito. Biglang yumanig ang paligid na kinatatayuan ng mga kampon ng kadiliman, nagkabitak-bitak ito at tuluyang nasira ang napakalawak na espasyo ng lupa.
"Aaaaaahhhhh!!!" sigaw ng mga kalaban nang tuluyang lamunin ng kalupaan.
Ngunit mukhang may mga tumalon at may mga nilalang na may kakayahang makalipad kaya may iilan na nakaligtas sa kanyang atake.
Hindi nagpahuli ang bampira at inalsa nito ang kanyang kanang kamay at nagkaroon ng matutulis na lupa na bumulusok paitaas at isa-isang tinusok ang mga kalaban.
"Eeeeeeeeekkkkk!!!" daing muli ng mga kalaban sa himpapawid nang masapol sa dulo ng mga matatalim na lupa ang kanilang mga katawan at naging usok matapos nito.
Napuno ng usok at sira-sirang paligid ang harapan ni Zeke. At mukhang tagumpay ang kanyang pagsupil sa frontliners na kalaban sa pwesto niya.
Mula sa kinatatayuan ng bampira ay kita nito ang sunod na wave ng hukbo ng kadiliman at pinangungunahan ito ng Heneral na si Xiro, ang metahuman, inihanda ni Zeke ang kanyang sarili sa mga susunod na mangyayari.
"Haaaaaaaahhhhhh!!!!" sigaw ng mga nilalang na kasama ni Xiro mula sa kabilang parte at agad nagsipagtalon ang mga ito, napakarami ng mga ito at parang mga bato na mabilis na bumulusok sa kinaroroonan ni Zeke.
Hindi naman nagpakita ng takot ang bampira, sa halip ay pinalutang nito ang Spirit's Spear sa side niya.
"Sacred Treasure Release: Phase 1 - Spear of Nature!" sambit ni Zeke at biglang umilaw ng kulay dilaw ang Spirit's Spear at kasabay nito ay ang paglabas ng mga malalaking baging na may iba't-ibang kulay ng malalaking bulaklak sa dulo nito mula sa kalupaan, naging harang ito sa unahan ni Zeke.
Kinumpas ni Zeke ang kanyang kanang kamay at kasabay nito ang pagbuka ng mga bulaklak at pagrelease ng mga pollen sa paligid.
Ang pollen na ito ay taglay ang blessing ng kalikasan kung saan ang sinumang tamaan nito'y mabubura sa mundong ibabaw lalo na kung ang budhi ng madikitan nito'y napaka-itim at ubod ng sama.
"Aaaarrrhhhhhhhhh!!!" sigaw ng mga kampon ng kadiliman matapos madikitan ang kanilang katawan ng iba't-ibang kulay ng pollen, na parang glitters sa sobrang tingkad ng mga ito.
Ang atakeng iyon ni Zeke ay isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa labanan sapagkat napuno ng magagandang makukulay na bulaklak ang paligid at umuulan ng kumikinang na libu-libong pollens taglay ang iba't-ibang kulay nito.
Nang makita ng mga kalaban na nakapwesto sa hulihan ang nangyari sa mga kasamahan nilang natunaw nang makadikit sa nagkalat na pollen sa paligid, ay tumigil ang mga ito sa pag atake. Parang nabahala sila sa nasaksihang sinapit ng karamihan sa kanilang kasamahan.
Tumalon si Zeke mula sa pwesto nito at pumunta sa pinakamataas na bulalak at tumingin sa mga kalaban sa harapan niya.
"Hmmp! May mga isip din naman pala kayo." nakangiting sambit ng bampira habang pinagmamasdan ang mga natatakot na kalaban na nag-aalinlangan humakbang palapit sa kanya.
Pinalapit muli nito ang Spirit Spear sa tabi niya.
"Sacred Treasure release: Phase 2 - Beautiful Destruction!" muling sambit ng bampira at kasabay nito ang pagputok ng kanyang Spear at naging milyun-milyong paru-paru ang mga ito, na nagtataglay ng makikinang at rainbow na kulay na mga pakpak at mabilis na lumipad papunta sa pwesto ng mga kalaban.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
