Chapter 22 - Morisson

2.5K 126 4
                                    

Morisson

(Morisson’s childhood)


Isa akong uri ng nilalang na naninirahan sa ilalim ng karagatan ng Pasipika. Sinasabing ang mga nilalang na ito ay may dugo ng purong Sirena, ngunit, ang nabibilangan kong nilalang ay ang mga nilalang na may mga paa. At ibig sabihin ng may mga paang sirena ay nasa mababang estado ang aming antas ng buhay sa loob ng palasyo, mga alipin.

Namulat ako na kasama ang aking Ama at Ina na napakarangal na mga tao, kahit na ganoon ang aming estado sa buhay. Mga alipin at taga-silbi ng mga mahaharlikang purong Sirena. Ang mga nilalang rin na kagaya ko ang siyang gumagawa at lumilikha ng mga kagamitang maaaring gamitin ng kaharian.

Kahit ganun pa man ay pinalaki ako ng aking mga magulang na may mabuting asal. Naninirahan kami sa timog na parte ng kaharian ng Pacifico, ang tirahan ng lahat ng mga Sirena.

Ngunit, sa hanay naming mga alipin, ay tanging ako lamang ang may kakayahang magmanipula ng tubig na kagaya ng mga mahaharlikang Sirena. Bata pa lamang ako, ay kaya ko nang komontrol ng elemento ng tubig. Madalas ay pinaglalaruan ko at kinokontrol ko ang agos ng tubig sa likodbahay namin. Pero, tanging ako, at ang aking mga magulang lamang ang may alam sa kakayahan ko.

“Anak, huwag mong ipapakita o ipaparamdam sa ating mga kahanay ang iyong kakayahaan ha. Baka kung ano pa ang gawin nila sayo, at kunin ka ng mga sayantest para pag-aralan.” Payo sa akin ng aking Ina ng minsan ay masaksihan niya ang taglay kong kakayahan.

“Opo Ina.” Sagot ko sa aking Ina.
Magmula ng masaksihan ni Ina ang aking kapangyarihan, ay pinigilan na niya ako na gamitin ito. Para daw ito sa aking kaligtasan. At masyado pa daw akong bata upang mawalay sa kanya.

Bilang isang anak, ay sinunod ko sina Ama at Ina, at pinanatiling lihim ang taglay kong kapangyarihan na di-pangkaraniwan sa aming lahi, at sa aming hanay.

Ngunit isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa aming tahimik na tirahan. Nagkaroon ng pananakop mula sa mga hindi kilalang mga taga-lupa at winasak nito lahat-lahat ng kaharian ng Pacifico, pati na rin ang kinaroroonan ng aming hanay.

Nasaksihan ko ang pagsabog ng mga tore ng palasyo ng aming Hari at Reyna. Nasira rin ang mga pandepensa ng Pacifico at lumaganap ang karasahan sa buong paligid. Natalo ang depensa ng aming kaharian. Dumanak ng dugo sa buong Pacifico.

Lahat sa aming hanay ay nagtago sa kani-kaniyang mga tirahan upang hindi mapahamak. Pati na rin ang aking pamilya. Nais ko mang tumulong para iligtas ang aking tirahan dahil meron akong taglay na kayayahan ay hindi ko ito magagawa sapagakat hindi ko pa kabisado kung paano kontrolin ito.

At nang dumating ang mga mananakop sa lugar namin ay walang habas na sinira nila ang lahat ng mga tirahan. Pinaslang rin nila ang mga kapwa ko Sirena.

“Anak, tumakas ka. Batid namin na mayroon kang gagampanang napakahalaga dahil biniyayaan ka ng karagatan ng isang talento. Ingatan mo ang sarili at muli mong ibalik ang Pacifico.” Mahabang bilin saakin ng Inay habang pinapasakay ako sa isang kapsula na nandoon sa likod ng aming bahay. Isa ito sa mga likha nila Ama na ginagamit bilang sasakyan papunta sa lupa.

“Ngunit Ina, Ama—“ pagsusumamo kong huwag umalis sa piling nila. Ngunit nakita ko sa kanilang mga mukha ang lungkot at labis na pagpupursiging mailigtas ang aking buhay.

“Basta palagi mong tatandaan Anak. Mahal na mahal ka namin ng iyong Ina.” Nakangiting saad saakin ng aking Ama habang nakayakap sa mahal kong Ina.

Sa isang iglap, biglang sumabog ang aming bahay at mula rito ay lumabas ang mga mananakop. Lahat sila ay nakasuot ng itim na kasuotan. Nakakatakot ang mga itsura nila at nakakapanindig balahibo.

Agad na pinindot ni Ama ang button sa ibabaw ng kapsula at sumara ito. Kasabay din nito ang pag lutang ng kapsula papunta sa destinasyon nito.

“Ama, Ina…” malungkot na saad ko habang papalayo sa aking mga magulang at sa aking tirahan. Napakalungkot. Parang isang malagim na pangyayari ang aking buhay.

At bago pa man ako tuluyang makalayo sa Pacifico, sira na ito, at namasdan ko rin ang aking mga magulang na nagyelo ang buong katawan. Pagkalito ang nangibabaw sa aking isipan sa panahong iyon. Kung bakit ganoon ang nangyari sa kanilang katawan. Pero wala akong nagawa kundi lumayo sa kanila habang tumutulo ang aking mga luha.


Napadpad ako sa isang isla. Walang naninirahan dito bukod sa akin at sa mga hayop na nilalang. Mukhang wala ni sinumang taga-lupa na pumupunta pa rito.

Doon ako nanirahan magmula noon. Kasa-kasama ko ang mga hayop sa buong isla. Malungkot, ngunit nakaya ko ito sa murang edad.

Isang araw, may pumuntang mga estranghero sa isla. Hindi ko wari ang mga suot nila. Nakasakay sila sa isang bangka. Dalawang mga matatandang babae at may 9 na mga nilalang na kagaya ko ay mga bata rin. Kakaiba ang kanilang mga kasuotan ngunit naiintindihan ko ang kanilang wika.
Nagtago ako sa may mga puno at doo’y pinagmasdan ang mga estrangherong bagong dating.

“Teacher, ano pong gagawin natin dito sa isla? What if may wild na animal dito? Baka malagay tayo sa danger.” Rinig kong sabi ng isang mataba na bata. Hindi ko naintindihan ang kanyang ibang sinabi.

“May hahanapin lang tayong isang uri ng dahon. Exotic ito, and this is for the project of your group. Sinamahan ko lang kayo para hindi kayo mapahamak.” Mahabang sambit nung babaeng matanda.

“Okay then, where can we find that leaf? I wanna go home na eh Teacher.” Sabi naman ng isang batang babae. Pati ang ibang mga bata ay ganoon din ang reaksyon nila. Parang ayaw nila sa islang ito. Mabuti na nga iyon dahil hindi nila ako magagambala kung aalis sila kaagad.

“I heard, nasa kabilang part iyon ng isla. Let’s go, maglalakad tayo.” Utos nung matandang babae sa mga bata, at nauna nang maglakad.

“Auwwww. Im tired already.” Muling sabi nung matabang bata at sumunod na sa matandang babae.

Naglakad na silang lahat papunta sa kabilang parte ng isla, habang ako ay tahimik na minamasdan na mawala sila sa aking paningin. Nagpahinga muna ako sandali, at hinintay ang muli nilang pagbabalik sa kanilang bangka.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang mga ito, at bawat isa sa mga bata ay may dalang mga dahon. Hindi ko batid kung ano iyon ngunit hindi na yun mahalaga saakin dahil ang importante ay maka-alis na sila kaagad.

Sumakay na ang mga bata pati na rin ang dalawang matandang babae sa kanilang sinasakyang bangka. Dahan-dahan na silang umalis sa isla. At nung natanaw kong medyo malayo na sila ay lumabas na ako sa aking puinagtataguan at minasdan muli ang bangkang maliit na sa aking paningin.


“Sandali! Sandali! Hintayin niyo ako. Huhuhuhu!” sigaw ng isang batang naka-salamin na parang tinatawag ang bangka.

Mukhang naiwan ang batang ito. Hindi ko man kilala, ay nilapitan ko ang bata na ngayon ay nakaluhod na sa buhanginan at umiiyak.

“Teacher! Iniwanan niyo ako. Huhuhuhuhu!” muling iyak nito. Batid naming hindi na siya maririnig ng mga ito dahil malayo na ang bangka.

Nang makalapit na ako sa naka-salamin na bata ay binasa ko ang nakasulat na pangalan sa kanyang dibdib. Ito siguro ang pagkikilanlan niya.

“Blake…” mahinang sambit ko at nilapitan na nang tuluyan ang batang umiiyak.





Itutuloy. . .




The 8th Element
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon