Chapter 46 - Drix & Blake x The Shapeshifter 2

835 67 2
                                        

Sorry sa typo's :) achecheeeng :*



Someone's POV


"Simulan na natin." walang emosyong sabi ni Blake na mukhang seryoso na sa magiging labanan.

Sumugod na silang dalawa sa kinaroroononan ni Fiazhu.


Tumakbo ng mabilis si Drix habang si Blake naman, gamit ang kanyang kapangyarihan ng elemento ng hangin ay pinalutang niya ang kanyang sarili at lumipad ng dobleng bilis kaysa kay Drix.


Mukhang handa naman ang Shapeshifter at iwinasiwas nito ang mga kamay kasabay ng paglabas ng mga asul na apoy na animoy mga bulalakaw at inatake niya ang papalapit na si Blake.


Dahil sa taglay na bilis ni Blake ay mabilis niya itong naiwasan at ang iba'y kinounter niya gamit ang hangin na may kasamang natural energy.


Nang makalapit na siya ng wasto sa kinaroroon ng Shapeshifter ay nagpakawala siya ng isang napakalas na suntok na sinuportahan niya ng natural energy gamit ang kanyang kamao.


"Baaaaaaaggg!!!!!" pagtama ng kanyang pwersa sa Shapeshifter na sinalag ang kanyang atake gamit ang mga braso nitong naka cross.



Pero halatang nasaktan ito kahit naka depensa at medyo tumilapon ng ilang ilang metro pero naka maintain pa rin ang tayo nito. Halata sa lupa ang pagsadsad nito habang iniinda ang impact ng pag atakeng ginawa ni Blake.



'Vulnerable ang katawan ng mga Dragona sa physical attacks. Kung wala kang sapat na training kagaya ni Drix na isang mandirigma, hindi mo makakaya ang anumang pisikal na atake. Tingin ko namang pisikal na kaanyuan lang at kakayahan ang kaya mong kopyahin pero hindi ang kasanayan at kaalaman.' pag aanalisa ni Blake sa kanyang isip.


Kasabay nito ay ang pagtalon ni Drix mula sa likod ni Blake.

Gamit ang kanyang kanang kamay ay gumawa siya ng bolang apoy na mahigit 20 metro ang laki. Para itong araw sa gitna ng gabi at nakakamangha ang init at liwanag nito.


Habang nasa ere ay ikinumpas ni Drix ang kanyang kamay at pinapunta ang napalaking asul na bola ng apoy sa kinaroroonan ng Shapeshifter.

Kahit na sobrang laki nito ay mabilis itong gumalaw papunta sa kalaban dahil sa malakas na pagkontrol ni Drix dito.


Nagseryosong bigla ang mukha ni Fiazhu at inihanda ang sarili sa atake ng Dragona. Alam niyang hindi siya pwede makapagpalit anyo ng basta basta dahil kung ang anyo na kanyang kokopyahin ay gumagamit ng hangin sa katawan ay makokontrol ito ni Blake. Wala siyang choice kundi gamitin ang katawan ng isang Dragona. Ito ang pinaka safe na anyo sa ngayon para sa kanya dahil niyang binabantayan lang siya ni Blake.


Ang kapangyarihan niyang makakopya ng ng katauhan ay ang pinaka Querk niya. Dagdag lang ng kapangyarihang binigay sa kanya ng Hari ng Kadiliman ang pangongopya ng abilidad. Pero limitado ito sa dalawang kakayan lamang. Nakakakuha lang siya ng impormasyon sa kanyang mga kinokopya sa pamamagitan lamang ng pag mamasid at pag-aaral sa mga kilos nito.



Itinutok niya ang kanyang kaliwang kamay sa papalapit na napakalaking asul na bolang apoy at ibinuka niya ang kanyang palad na wari'y pipigilan niya ito.



Gulat sina Drix at Blake sa nasaksihan nilang paghigop ng Shapeshifter sa atakeng ginawa ni Drix ng walang kahirap hirap. Mukhang nagseryoso na rin ang kanilang kalaban.


The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon