Sorry po sa typo's :) awtsuu :*
Morisson
Mabilis ang kilos ng aking paglangoy sa karagatan. Namutawi sa akin ang aking nakaraan at kasalukuyang mga pinagdaanan. Sa bilis ng takbo ng panahon ay maraming pagbabago ang dumating sa buhay ko.
At ngayo'y tutungo ako sa lugar kung saan nakahimlay ang pinakamakapangyarihang sandata ng aming lahi, ang Trident ni Haring Poseidon.
Batid ko naman ang lokasyon ng aking pupuntahan sapagkat parang otomatikong tinatangay ako ng katubigan papunta roon.
Ilang oras pa ang nakalipas ay napadpad ako sa isang isla sa Batanes. Hindi ko batid kung anong pangalan ng lugar na iyon pero ramdam kong nandito na ang pakay ko dahil dito ako dinala ng agos ng dagat. Mga hapon na nang ako'y makarating dito.
Naglakad ako sa bunganinan at tiningnan ang paligid ng isla. May bangka sa tabing-dagat at may mga kubong nakatayo sa kapunuan rito at mukhang may mga naninirahang mga tao.
Ilang saglit pa ay napansin ako ng isa sa kanila at parang natakot ito at tumawag ng mga kasamahan niya. Dali-dali silang tumukbo malapit sa pwesto at may mga dalang sandata.
Ang mga kalalakihan ay may matitikas na pangangatawan, nakasuot sila ng kulay asul na bandana at tanging pang-ibabang saplot lamang ang kasuotan.
And mga kababaihan nama'y nakalabot ang buong katawan ng kulay asul na tela.
Kapansin-pansin ang mga perlas at mga kabibe na kanilang dekorasyon sa katawan. Mga kayumanggi din ang kulay ng kanilang mga balat kagaya ko.
"Sino ka? At paano mo natunton ang lugar na ito?" matapang na sabi ng kanilang pinaka-pinuno. Lalaki ito at medyo may edad na, mayroon itong malaking kabibe na nakasabit sa kanyang bewang.
"Ako si Morisson, isang sireno, tagapangalaga ng elemento ng tubig, at nandito ako para sandatang Trident ni Haring Poseidon." diretsong sabi ko sa kanila.
Mukhang hindi sila nakombense sa sinabi ko.
"Paano kami makakasigurado na hindi ka mapanlinlang?" saad ng kanilang pinuno.
Dahan-dahan kong inangat ang kaliwang kamay ko at kasabay nito ang pagtaas ng katubigan sa harapan namin. Ang iba'y natumba dahil sa gulat ng kanilang masaksihan ang tsunami na ilang metro ang taas na kinokontrol ko at pati mga bata'y nagsipag-iyak sa takot.
"Hindi gulo o karahasan ang pakay ko rito. Nais ko lamang makuha ang Trident ni Haring Poseidon upang mailigtas ko ang sanlibutan. Kung alam niyo ang tinutukoy ko ay batid kong alam niyo rin kung gaano kahalaga ang sandatang iyon." sabi ko at mas pinataas pa ang malaking alon, sa pagkakataong ito'y buong isla na ang pinalilibutan nito.
Ngunit walang takot ang namutawi sa mukha ng kanilang pinuno. Bagkus ay matapang ang mukha nitong nagbigay galang sa akin at lumuhod, sumabay naman ang lahat ng mga kasamahan niya.
"Patawad sa aming naging asal sa iyo mahal na Prinsipe, nais lang naming makasigurado sapagkat marami na ang manlilinlang na humahanap ng sandata ni Haring Poseidon, kung kaya't doble ingat kami sa mga banyagang napupunta sa isla namin." sambit nito at lahat sila'y yumuko.
Agad ko namang pinababa ang katubigan sa isla at pinabalik ang agos ng tubig sa paligid na parang walang nangyari.
"Wala iyon. At huwag niyo akong tawaging Prinsipe dahil hindi ako maharlika." saad ko sa kanila at inutusan silang lahat na tumayo na.
"Ang sinumang may kakayahang magmanipula ng tubig at kinagigiliwan ng karagatan ay maituturing na isang hari. Bukod pa rito, ang tunay lamang na hari ng karagatan at katubigan ang kikilalanin ng Poseidon's Trident." sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
