Sorry sa typo's :) grreeengg :*
Someone's POV
Nasa loob ng napakalaking masa nh tubig sina Morisson, Blake, at Xiro. Ang mga katawan ni Blake at Morisson ay iisa ng sa katubigan habang parang isda sa loob ng malaking tubig ang katawan ni Xiro.
Mabilis na umatake si Morisson at sinuntok ang katawan ni Xiro, at mabilis na sinundan naman ito ni Blake.
Kapwa sila nagpa ulan ng walang habas na mga suntok at sipa at walang tigil ang pag atake ng dalawa, habang si Xiro nama'y sinusubukang suntukin sina Blake at Morisson pero hindi niya ito natatamaan.
Hindi tumatalab ang mga suntok na ginagawa nila Blake at Morisson sa katawan ng metahuman at ang mga atake naman ni Xiro ay hindi tumatama sa mga katawan ng dalawa. Parang walang silbi ang mga atakeng ginagawa nila sa isa't-isa.
Makalipas ang ilang saglit ay tumigil ang magkabilang panig sa pag atake.
"Tssss. Mas angat nga ang kalagayan natin dahil nandito tayo sa katubigan pero hindi pa rin tayo maka-isa nang solidong atake sa katawan niya." inis na sabi ni Morisson.
"Kaya nga. Hmmmm." pag iisip ni Blake at napansin ang mukha ni Xiro na mukhang nahihirapan na dahil sa pagpigil nito ng kanyang hininga.
"Wait. Hindi kailangan ng katawan niya ng oxygen dahil metal ito, at kaya niyang magtagal sa ilalim ng tubig kagaya natin pero bakit pigil pigil pa rin niya ang kanyang paghinga?" nagtatakang tanong ni Blake.
"Hmmm. Siguro para hindi makapasok ang tubig sa loob ng katawan niya?" hindi siguradong sagot ni Morisson. At kapwa sumeryoso ang dalawa.
"Hindi ko rin mamanipula ang pagpasok ng tubig mula sa mga butas sa katawan niya, dahil sa malamang ay matindi ang pagkontrol nito sa kanyang buong katawan." dagdag pa ni Morisson.
Maaaring tama ang kanilang hinala. Kailangan nilang subukan ang kanilang naiisip na mga paraan dahil baka isa dito ay makapagpalabas ng kahinaan ng metahuman - hindi nila batid ang lahi at katauhan nito.
Mula sa pwesto ni Xiro ay pumaikot-ikot ang buong tubig sa paligid niya, mula sa banayad nitong paggalaw ay naging mabilis ito at tinangay ang katawan ng metahuman. Para siyang na trap sa isang whirlpool sa ilalim ng tubig.
'Tssss. Mga lapastangang nilalang!' sambit ni Xiro sa kanyang isip at mas tinaas pa niya ang kanyang depensa habang pumapaikot-ikot sa gitna ng tubig.
Sa isang iglap ay lumabas ang sina Blake at Morisson at kapwa ng slash ang dalawa sa katawan ng metahuman sa sobrang bilis na galaw.
'Hindi maaari! Paanong?!' gulat na saad muli ni Xiro at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang medyo nahiwa ang kanyang dibdib dahil sa atakeng ginawa ng dalawa.
Agad namang lumayo ang dalawa matapos subukan ang kanilang atake.
"Tagumpay ang attack natin. Kailangan lang natin ng mataas na antas ng speed at pressure para mahiwa ang katawan niya. Base sa alam ko, ang tubig ay kayang makahiwa ng kahit na anumang bagay kung lalagyan ito ng bilis at pressure, pareho din sa hangin at iba pang elemento." sabi ni Blake.
"Tama ka nga, dapat sunod sunod na mga atake ang gawin natin." sambit naman ni Morisson.
Maghahanda na sana ang dalawa ng susunod nilang atake, pero nagulat sila nang tuluyang nasira ang whirlpool na pumalibot sa katawan ni Xiro.
"Vvvvooooorrrrppsshhhhh!!!" at pagkatapos nito'y tumambad sa kanila ang nanggagalaiting si Xiro.
Sa pagkakataong ito'y napakalaki na ulit ng katawan nito at parang nag-aalab na ang mata. Parang inilabas na nito ang kanyang maximum power. Nakita rin nilang unti-unting naghilom ang sugat sa katawan nito. Mas lalong malakas na pwersa ang bumabakot sa katawan nito na hindi alam ng dalawa kung saang source nanggagaling.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
