Blake
Lumabas na muna kami ni Morisson sa bahay para magtraining. Sana ay maipakita ko ang aking kakayahan, kung meron man. Medyo ilang pa rin ako kay Morisson. Hindi nga ako nakatulog kagabe dahil hindi ako sanay na may katabi sa pagtulog. Kaya ang ending, haggard ang lolo niyo.
“Ano ang kaya mo nang gawin sa ngayon?” tanong niya saakin nang makarating kami sa may mga bato. Mukhang sira pa nga ang unahang parte rito.
“Uhm, hindi ko pa alam. Pero noong bata ako, ay nakakapag-palutang ako ng mga bagay-bagay gamit ang hangin.” Sagot ko sa kanya.
“Kung ganoon, kaya mo bang ipakita ito?” tanong ulit niya sakin.
“Susubukan ko.” Sabi ko sa kanya. At inalala ko kung paano ko ginagawa iyon noong bata pa ako.
*Flashback
Nakikita ko ang mga particles ng hangin sa paligid. Mukhang kaya ko itong i-visualize dahil kita kong nakakalat ito kung saan-saan.
Minanipula ko ang mga ito at naging korteng kamay. “Ang galing naman.” masayang sabi ko. At pinapunta ko ito sa aming upuan. Lumutang ang upuan at pumunta sa ere.
“Wow! Kaya kong palutangin ang upuan nang hindi ko manlang hinahawakan.” Sabi ko sa sarili, nang biglang—
“Anak! Anong ginagawa mo?! Tigilan mo yan!” pagsuway saakin ni Mama nang makita niya ako.
*End of Flashback
Ang kailangan ko lang ngayon ay mai-visualize ang hangin, na parang nakikita ko ito. Kaya pumikit na muna ako at nagconcentrate. Kailangan kong magawa ito, para mapanalo ko ang magiging laban ko sa isang tagapangalaga. Ayokong biguin sina Mama at Papa.
Habang nakapikit ako, ay naramdaman ko ang presensya ng hangin. Nakakalat ito kung saan, at parang nararamdaman ko rin ang mga bagay na dinaanan ng hangin sa aking paligid. Nakakamangha.
Kasabay ng pagmulat ko sa aking mga mga mata ay ang pagkabigla ko. Napaka-surreal. Nakikita ko ang particles ng hangin, kagaya ng sa Science, nakakalat nga ito. Kulay puti ito sa aking mga mata at lumilipad lang kung saan.
Tinignan ko si Morisson, at minanipula ko ang hangin sa paligid nito. Pumalibot ito sa kanyang katawan, at nakita kong lumutang siya.
“A-anong ginagawa mo?” natatarantang tanong ni Morisson habang nakalutang sa ere.
“Pasensya na Morisson. Nadala lamang ako. Hehe.” Sagot ko sa kanya ng naka-ngiti at binaba na ulit siya sa lupa. Ang galing talaga! Kaya kong gawin ang magpalutang ng bagay gamit ang hangin.
“Iyan lang ba ang kaya mong gawin? Ang magpalutang ng mga bagay-bagay?” mayabang na tanong ni Drix sa akin. Lumingon naman kami ni Morisson sa kanya. Mukhang lumabas din pala siya ng bahay.
Anong pinagsasabi nitong mayabang na ito?
“Nagsisimula pa lang ako magsanay kaya yun palang ang kaya kong gawin sa ngayon.” Sagot ko sa mayabang na si Drix, umismid lang ito sa sagot ko.
“Hindi ka mananalo kung iyan lang ang kakayahan mo. Masyado ka pang mahina.” Mayabang na tugon nito sa akin.
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Minamaliit yata niya ang kakayahan ko.
“Anong sabi mo?” pagpapa-ulit ko sa sinabi niya habang naniningkit ang aking mga mata. Nakakaramdam na rin ako ng ibang energy na dumadaloy sa bawat sistema ng aking katawan.
“Mahina ka.” Nanghahamong sabi nito sa akin, dahilan upang ako’y magalit. Aba’t natatapakan na niya ang ego ko.
Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla kong tinutok ang aking kanang kamay sa kanya at tumilapon siya papuntang hangganan ng forcefield. Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya gamit ang hangin dahil parang nag-react ang forcefield nang tumama ang likod niya rito, pero agad din namang bumalik sa normal.
Tuluyang nahulog si Drix at bumagsak sa lupa. Agad din naman siyang tumayo na mukhang galit na galit.
“T-teka, sorry Drix.” Pagpipigil ko nang bumalik ang aking wisyo. Anong nagawa ko, mukhang susunugin ako ng buhay nitong si Drix. Iwinasiwas ko pa ang dalawang kamay ko na parang nagbabye.
Nataranta na ako nang tuluyan ng lumiyab ng kulay asul na apoy ang katawan ni Drix, at gumawa ito ng bolang apoy na asul din. Patay tayo nito mga tsong! Mukhang nagalit na.
“Drix, s-sorry na diba. Sorry na.” pagpigil ko pa rin pero mas nagalit ang mukha nito at tinapon ang bolang apoy sa direksyon ko. Ang bilis ng galaw ng apoy niya. Anong gagawin ko? Matutusta ako nito.
Pero bago pa man makalapit ang bolang apoy sa kinaroroonan ko ay nagkaroon ng mataas na harang ng tubig na nagsilbing shield namin. Tumama ang bolang apoy sa tubig at hindi ito nakaabot saamin dahil agad din itong nalusaw.
Nakita kong nasa tabi ko na pala si Morisson. Mukhang siya ang may kontrol sa makapal na tubig na promotekta saamin laban sa apoy ng galit na si Drix. Muntikan na yun ah.
“Huwag kang mag-alala, poprotektahan kita.” Sabi ni Morisson na hindi manlang lumilingon sa akin. Ang seryoso niya.
Teka, parang narinig ko na ang mga salitang iyan dati ah. Hindi ko lang masyadong matandaan kung saan at kailan?
Bago pa man ako makapag-isip ng mabuti ay sunod-sunod na pinagbabato kami ni Drix ng kanyang bolang apoy. Mukhang hindi papapigil ah. Naging alerto si Morisson.
Tumama ang mga bolang apoy sa harang na gawa sa tubig pero dahil sa sobrang dami nito ay hindi nakayanan ng pwersa ng tubig ang pagsangga. Nasira ito.
Mabilis na tinutok sa direksyon namin ang kamay ni Drix at lumabas mula sa palad nito ang apoy na asul na parang sa Fire Extinguisher at papunta saamin. Grabeng Drix pala ito, napakaHot.
Paano na ito? Hindi pa makamanipula ng tubig si Morisson dahil sa walang makapagkukunan.
Bago pa man makalapit ng tuluyan ang asul na apoy na tutusta sa amin ni Morisson, ay agad akong humakbang pasulong. Itinutok ko ang aking kanang kamay sa unahan at sinalag ang apoy. Nanatili lang nasa likod ko si Morisson at mukhang nagulat sa ginawa ko.
Pumunta sa magkabilang direksyon sa gilid namin ang asul na apoy dahil nakagawa ako ng shield na hangin. Parang nahigop lahat ng lakas ko ha.
Pero imbes na itigil ni Drix ang ginagawa niya ay mas lalo pa niyang nilakasan ang asul na apoy na mula sa kanya kung kaya’t medyo nanakit ang mga palad ko sa lakas ng pwersa niya. Pero hindi ako papatalo.
Nagconcentrate muli ako at minanipula ko ang hangin sa palagid. Kailangan kong makagawa ng pwersa para mapatigil ang ginagawa ni Drix.
Nang maka-ipon na ako ng sapat na lakas ay itinulak ko ng maigi ng aking kanang kamay ay nagkaroon ng isang malakas na paghangin na nagmula sa katawan ko.
“Tama naaaa!” sigaw ko kasabay ang paghangin ng malakas papunta sa direksyon ni Drix.
Napatigil si Drix sa kanyang ginagawa at natamaan ito ng ginawa kong pwersa ng hangin. Muli, ay tumilapon ito sa may forcefield.
Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Parang drained na ang energy ko sa ginawa ko. Inalalayan ako ni Morisson para ma-maintain ang balanse ko dahil muntik na akong matumba. Aish naman! Dumugo rin ang ilong ko. Ano ba ito?
“Anong nangyari dito?” tanong ni Ramier na nagtataka at kasunod niya sa likod ay si Sky na takang-taka ring pinagmamasdan ang paligid na sira-sira at puno ng abo.
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
