Sorry po sa typo's :) mwehehe :*
Someone's POV
Kasalukuyang nakaluhod si Ramier sa gitna ng pinakasilid na iyon at mariin siyang tinititigan ni Lucifer mula sa kanyang pwesto.
Maya-maya pa ay nagpakawala si Ramier ng mga sigaw na wari'y sobrang nasasaktan ito.
"Aaaaaaahhhhhhhh!!!!" mahabang usal ni Ramier na ngayo'y pumapasok na ang kadiliman sa bawat ugat niya at kumakalat ang mga itim na marka patungo sa buong katawan nito. Parang nilalamon na ng kadiliman ang buo niyang katawan dahilan upang magwala siya ng tuluyan dahil sa sakit na nararanasan dulot ng pangyayari sa sumpang ilusyon at sa pagbabago sa katawan nito.
Habang nahihirapan si Ramier sa kanyang nararanasan ay siya namang pagka excite ni Lucifer. Batid nitong tagumpay ang kanyang balak at ilang sandali na lamang ay unti-unti ng bibigay ang katawan at kaluluwa ni Ramier.
"Hahaha. Sige lang Mortal. Hayaan mong lamunin ka ng buong kadiliman. Hahaha." nakangising saad nito habang masayang tinitingnan ang naghihirap na si Ramier sa kanyang harapan.
"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" huling sigaw ni Ramier saka mariing yumuko na parang nawalan ng malay.
Sa pagkakataong ito'y puno na ng itim na marka ang buo niyang katawan at tila umuusok na rin ang buong katawan nito ng itim na aura.
Ilang sandali pa'y nagtaka si Lucifer ng pagmasdan ang tumigil na reaksyon ni Ramier.
"Hmmmm. Bumigay na ba ang kanyang kaluluwa? Pero batid kong ramdam ko pa rin ang kanyang presensya?" mahinang sambit ng demonyo sa kanyang sarili.
Lalapitan sana ni Lucifer ang nakaluhod na katawan ni Ramier pero nagulat ito ng biglang inangat ni Ramier ang kanyang ulo at mariin siya nitong tiningnan sa kanyang pwesto.
Kahit na si Lucifer ay may kahindik hindik na itsura at presenya ay binalot ng kaba ang buo nitong pagkatao nang pagmasdan ang parang baliw na si Ramier na tumititig sa kanya. Purong itim ang buong mata nito at hindi niya mawari ang emosyong nais nitong ipahiwatig. Mas lalong gumapang ang takot sa buo niyang katawan nang ngumiti ang mukha ni Ramier na parang isang baliw, parang isang Psycho.
"Anong nangyayari?!" takhang tanong ni Lucifer.
"Dapat sa pagkakataong ito'y sumabog na ang iyong katawan at makukuha ko na ang iyong kaluluwa." pagdadagdag pa nito. Hindi niya mabatid ang kasalukuyang sitwasyon.
Nanlaki ang mga mata ni Lucifer nang biglang nawala si Ramier sa kanyang kinaluluhuran at mabilis itong lumitaw sa kanyang pwesto. Bago pa man makagalaw si Lucifer ay tinusok siya ni Ramier ng pakaraming espada na gawa sa Dark energy at bumaon ang lahat ng ito sa kanyang buong katawan, dalawang kamay at braso, at pati na rin sa kanyang mga binti at paa. Parang nilock siya nito sa kanyang kinauupuan sa isang kisapmata lamang.
"Uuuuuggggg!!!! L-lapastangan k-ka!" daing ni Lucifer na ngayo'y animo'y nasa torture room dahil sa mga nakabaong dark energy sa kanyang katawan. Ang iba nito'y tumagos sa kanyang kinauupuan.
"Ooowwwssss. Nasaan na ang mapanukso nating ugali, Lucifer." nakangising sabi ni Ramier sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay mas lalong binalot ng kaba si Lucifer nang marinig ang boses ni Ramier. Para itong higit sa 10 pinaghalong boses at batid na niya na parang sinapian ang katawan ni Ramier ng iba't-ibang uri ng kaluluwa na mula sa kadiliman.
"Tsssss!! Paanong nangyaring nakayanan mong takasan ang aking sumpa, mortal?!" galit na saad ng demonyo na halatang inis na inis na nang hindi tumatalab ang kahit na anong kapangyarihan niya sa mga dark energy na ginawa ni Ramier na nakabaon sa kanyang katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/95721609-288-k248365.jpg)
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...