Sorry po sa typo's :) kachuella :*,
Someone's POV
Sa gitna ng malagim na lugar ay magsisimula nang lumaban sina Ramier at Lucifer.
Inhihanda na ni Ramier ang kanyang sarili sa magiging dwelo nila ni Lucifer. Agad itong nag nagconcentrate at pinalabas niya ang tunay nitong kapangyarihan mula sa kanyang katawan.
Napalibutan siya ng aurang itim na animo'y umuusok sa kanyang buong pagkatao.
Napangiti ang demonyo sa kanyang nasaksihan. Hindi niya mawari na may tinatago palang taglay na kadiliman sa pagkatao ng mortal. Prente lang ito na nakaupo at pinagmamasdan ang susunod na gagawin ni Ramier.
Agad na tinutok ni Ramier ang kanyang kanang kamay sa kinaroroonan ni Lucifer at mula rito ay lumabas ang napakalakas na pwersa ng dark energy. Para itong itim na laser beam na rumagasa papunta sa pwesto ng demonyo. Ngunit hindi man lang natinag o gumalaw si Lucifer bagkus ay mas lumawak pa ang mga nakaka pangilabot na ngiti nito.
"Hiyyyyaaaaaahhhh!!!!" sigaw ni Ramier sa pauna niyang atake at tinodo ang pagpapalabas ng dark energy mula sa palad niya.
Nagulat lang siya nang hindi ito tumama sa mismong katawan ni Lucifer. Sa halip ay inabsorb lang ito ng buong-buo ng katawan ng demonyo. Napatigil si Ramier sa kanyang pagtira at halata ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Hahaha. Ano yang nasa mukha mo mortal? Sige pa. Tirahin mo pa ako. Haha. Ang sarap kainin ng kadilimang taglay mo. Punong-puno ito ng poot at negatibong pwersa." nakatawang sabi ng demonyo kay Ramier.
'Mukhang hindi epektibo sa katawan niya ang taglay kong kapangyarihan. Tsss.' pag aanalisa ni Ramier sa kanyang isipan.
"Dali na! Ibigay mo na sa akin lahat ng taglay mong kapangyarihan ng kadiliman. Hahaha!" panunukso ni Lucifer na siyang ikinainis ni Ramier.
'Kailangan kong maka isip ng atakeng gagana sa kanya. Hmmm. Susubukan ko ang itim na mahika.' saad ni Ramier sa kanyang isipan.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at pinatigil ang paglabas ng kanyang kapangyarihan ng dilim. Alam niyang tinutukso lang siya ni Lucifer para maibigay niya ang nais nito. Ngunit hindi siya makapapayag sa ganung estado.
Minulat niyang muli ang kanyang mga mata at agad na nagpalabas ng maraming magic circles sa likod niya. Kinumpas ni Ramier ang kanyang kaliwang kamay at kasabay nito ang paglabas ng malaking itim na kidlat mula sa magic circles at balak nitong patamaan si Lucifer.
Bago pa man makalapit ang itim na mga kidlat ay gumawa si Lucifer ng shield sa pwesto niya dahilan upang magreflect ang mga itim na kidlat sa paligid.
"Vooooogssshhh!!" tunog na mula sa mga kaunting pagsabog sa paligid nang tumama ang mga nareflect na itim na kidlat rito.
'Mukhang epektibo ang mahika.' sambit ni Ramier sa kanyang isipan.
Hindi na siya nag atubili pa at nagpalabas na ulit ng magic circles sa kinauupuan ni Lufier. Mula dito ay lumabas ang chains na kulay itim at ginapos nito ang katawan ng demonyo. Pero makikitang wala man lang reaksyon si Lucifer at mukhang kalamado lang ito sa kabila ng nangyayari.
Agad na nagpalabas si Ramier sa kanyang kanang palad ng energy ball na gawa sa mahika. Parang concentrated na mga kidlat ito at balak niyang atakehin muli si Lucifer gamit ito.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
