Sorry sa typo's😄
Ramier
Agad kong sinalo ang walang malay na katawan ni Drix at inalalayan ko ito. Kahit na medyo humapdi pa ang aking sugat sahil sa bigat ni Drix ay ininda ko lamang upang matulungan siya.
“Napakagaling mo Drix.” Sabi ko rito at pinindot kong muli ang buton sa mahiwagang orasan upang mabuksan ang portal pabalik saamin. Nadtnan ko sina Sky, Morisson, at Blake sa kaninang pwesto nila at gulat na gulat ang mga itsura nang makita kami.
“U-uy. Mukhang kinacareer na natin ang pagkawala ng malay araw-araw.” Tarantang sabi ni Blake at tinulungan ako sa pagbuhat sa katawani Drix, tumulong na rin si Sky.
“Ang bigat pala ni Drix. Hehe. Bakit di kayo gumamit ng magic para buhatin siya?” nahihirapang sabi ni Blake habang nakasuporta sa katawan ni Drix. Tumulong na rin ako sa pagbubuhat.
“Hindi ito gagana, sapagkat isang Dragona si Drix. Walang silbi ang anumang mahika sa kanya.” Paliwanag ni Sky.
“Sige na. Iakyat na natin sa kwarto si Drix upang makapagpahinga na siya.” Sabi ko ky Blake at Sky na siya naman nilang sinunod.
Inihiga kaagad si Drix nang makarating kami sa aming silid.
“Salamat Kambal at Blake. Sige na, ako na muna ang mag-aasikaso kay Drix.” Sabi ko sa kanila at nginitian ng pilit.
“Sige, andoon lang kami sa sala.” Nakangiting sabi ni Blake. Tumango lang naman si Sky at kapwa na sila lumabas sa aming silid.
Tiningnan ko ang walang malay na katawan ni Drix. Wala itong suot na damit kundi ang punit-punit lang niyang salawal. May mga galos at sunog ito sanhi ng pakikipaglaban niya kay Phyra. Hindi kinaya mg katawan nito ang lakas ng kapangyarihan ng unang tagapangalaga ng Apoy.
Napalunok ako ng madako ang aking tingin sa kanyang umbok. *gulp*
Agad kong winaksi ang aking iniisip. Napa iling nalang ako ng ilang beses. Takte! Meron din ako niyan. Tss!
Napahalupuhop ako dahil sa biglaang pag-init ng aking pakiramdam. Nagkaroon na rin ako ng kaunting pawis kahit wala pa akong ginagawa. Hayyyy.
Agad akong nagpalabas gamit ang aking kapangyarihan ng palangganang may maligamgam na tubig at maliit na tuwalya upang panglinis sa mga sugat at paso sa katawan ni Drix. Nagpalabas rin ako ng panibagong damit na susuotin ni Drix. Mukha kasing ako pa ang magsusuot sa kanya kasi hindi gagana kung gagamit ako ng mahika upang gamutin at bihisan siya.
Napabuntong hininga muna ako at pagkatapos ay lumapit na sa hubad na katawan ni Drix. Takte! Kumakalabog na ang aking dibdib sa kaba. Ano ba naman ito?
“Drix lilinisan ko lang ang iyong katawan at bibihisan kita ha. Napakadumi mo kasi at andaming pasa. Pangako. Wala itong malisya!” sabi ko sa kanya kahit na alam kong hindi ako nito maririnig.
'Walang malisya! Tama!' At isa pa ay kapwa kaming lalaki kaya wala lang iyon. Takte. Huminga muna ako ng malalim at sinimulan ko na ang paglilinis sa kanya.
Binasa ko ang maliit na tuwalya sa maligamgam na tubig na may halong medisina upang mas mapadali ang paghilom ng kanyang mga sugat. Inuna kong punasan ang kanyang mukha.
Sa pagkakataong ito ay ngayon ko lang namasdan ng maigi ang kanyang mukha. Napakaamo nito kung tulog na wari’y isang usa, pero parang leyon kung gising. Makinis ang balat nito, maganda ang ayos ng kanyang kilay at napaka itim, mahaba din ang kanyang mga pilikmata, perpektong itlong at, at, napakapulang labi. *gulp* Tssss!
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
