Sorry po sa typo's :) hehehehe :*
Someone's POV
"Kahit na hindi kompleto ang porsyento ng lakas niya, ay nakakaya pa rin niyang makaligtas sa mga malalakas na atake natin. Napakalakas nga ng nilalang na iyan. Tsss." tiim bagang saad ni Drix habang pinagmamasdan si Eliazar mula sa ibaba.
Ilang saglit pa ang lumias ay lahat sila'y mas naging handa nang biglang sumeryoso ang mukha ng Hari ng Kadilaman at mukhang inihanda nito ang kanyang sarili upang umatake sa kanila.
Muli ay nawala naman ito sa kanyang pwesto sa kalupaan at lumitaw sa harapan nina Blake, Morisson, Zeke, at Drix. Parang singbilis ni Blake ang kilos nito dahil para itong hangin.
Sa isang iglap ay nagpalabas ng itim na enerhiya si Eliazar at bigla nitong nilamon ang apat na itinakda. Nagkaroon ng isang napakalaking sphere ng itim na energy sa himpapawid.
Mabilis na kumilos ang apat at nagpalabas ng kanya-kanyang shield na bumalot sa kanilang mga katawan. Lahat sila'y nagpalinga-linga at nakikiramdam sa gitna ng dilim.
Ngunit ang hindi alam ng apat na nasa loob ng sphere na hindi sila ang pakay ni Eliazar, kundi ang magkambal na nagkukulong sa mga porsyento ng lakas ng Hari ng Kadiliman.
"Kamusta?" nakangising saad ni Eliazar mula sa labas ng barrier nina Sky at Ramier. Kapwa nagulat ang kambal nang biglang lumitaw ang katawan ng kanilang kalaban sa mismong pwesto nila, mukhang ito ang pakay ni Eliazar, ang makuha muna ang kanyang natitirang lakas mula sa dalawang mahikero.
Agad na gumawa si Sky ng paraan upang mawaksi ang Hari ng Kadiliman sa kanilang harapan.
Tinaas ni Sky ang kanyang kanang kamay at kasabay nito ang paglabas ng napakasilaw na liwanag. Ang atakeng ito'y kayang makatunaw ng kahit na sinumang nilalang na nagmumula sa dilim.
"Zzzzzeeeeennnngggggg!!!" tunog na nagmumula sa pag-eemit ng light ni Sky sa kanyang kamay.
Matapos ang napakasilaw na liwanag na iyun ay nabigla muli ang kambal nang makita ang umuusok at nakangising si Eliazar na hindi naapektuhan ng atake ni Sky.
"What the?!" saad ni Sky nang masaksihan ang walang galos na katawan ng kadiliman.
Mabilis ding gumawa ng atake si Ramier nang mabatid niyang hindi sapat ang ginawa ni Sky. At mula sa labas ng forcefield nila'y nagsipaglitaw ang sandamakmak na kulay violet na magic circles, sumabay na rin si Sky sa ginawa ni Ramier at nagpalabas din ng napakaraming golden magic circles mula sa likuran ni Eliazar.
Sa isang mabilis na kumpas ng mga kamay nila ay nagsipaglabasan mula sa magic circles ang napakadaming light beams at dark beams at pinunterya nito ang Hari ng Kadiliman.
"Zzzzzoooppppp!!! Zzzzzoooopppp!!!! Vvvvooogggshhhhh!!! Vvvvooooggsssshhh!!!" sunod-sunod na pagtama ng mga beams na iyon sa katawan ni Eliazar at muli ay binalot ng usok ang buong paligid sa labas ng kambal.
Makaraan ang ilang saglit ay kusang nawala ang mga magic circles at niluwa ng makapal na usok si Eliazar na umuusok na naman ang buong katawan. Kagaya ng kanina'y sumeryoso na naman ang mukha nito.
Nagimbal sila Sky at Ramier nang biglang nagpalabas ng shockwave na gawa sa dark energy si Eliazar. Yumanig pati na ang kalupaan sa ibaba nila dahil sa lakas ng shockwave na iyun.
At..
"Ccccrraaaacckkkkk!!!" nanlaki ang mga mata ng dalawa nang biglang nagkaroon ng mga cracks sa dalawang matitibay na shield nila.
"Hindi maaari..." hindi makapaniwalang saad ni Ramier. Sa pagkakatong ito'y naramdaman na nila ang mas sumeryosong aura ni Eliazar at ang kagustuhan nitong makuha ang kanyang kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
