Chapter 10 - Zeke

3.5K 160 0
                                    

Zeke


Nauna akong bumangon sa kanilang lahat at pumunta muna sa labas para ma-train ko pa ang sarili kong power.

Tinignan ko muna si Sky na natutulog. Hanep pala ito matulog dahil ang likot at ang lakas ding humilik. Iba!

Lumabas na ako sa kwarto namin at dumeretso na sa may pintuan.

Tinitigan ko muna ang Magic Clock sa ibabaw ng pinto. Alas 6 na pala. Almost full na ang Gold Light na Circle nito, siguro maya-maya ay pwede na itong magamit.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad din akong napaatras dahil sa sikat ng araw. Law of Nature kumbaga, kasi isa akong bampira at baka kung ano ang mangyari sa’kin kung masinagan ako nito.

Pero naisip ko namang nasa loob kami ng forcefield na ginawa ni Ramier kaya’t susubukan ko pa ring lumabas. Nako-curious lang ako, that’s all.

Lumapit na’ko sa may pinto at una kong idinipa ang kamay ko kung masusunog ba ito ng liwanag. Napangiti nalang ako ng walang nangyari sa balat ko.

For the first time, makakalabas ako ng umaga kahit na may araw. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Malakas talaga ang mahika ni Ramier.

Tumakbo ako sa labas at kahit na nasinagan ng araw ang buo kong katawan ay hindi ako nasusunog nito. I open my arms widely and feel the heat of the sun, na parang wine-welcome ko ito. Ganito pala ang feeling. Ang cool! At astig!

Pagkaraan ng ilang sandali, ay nagsimula na ako sa training ko.
Kailangan ko kasing mapalakas ang powers ko para maprotektahan ko na rin ang sarili ko.

Sa ngayon, ang kaya ko pa lamang ay kontrolin ang mga bagay na anyong lupa na nasa paligid ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagfocus ako sa aking pandama. Kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata ay ang pagpapalutang ko ng isang napakalaking tipak ng lupa sa aking harapan. Doble ang laki nito sa'kin.

Kinontrol ko ito, at pinagpiraso-piraso na agad ko rin namang ipinalibot sa buo kong katawan. Pwede ko itong magamit bilang defense or offense. Pinalutang ko rin ang aking sarili gamit ang pagkontrol sa lupa na aking tinatapakan.

Lumutang ako sa ere kasama ang mga tipak ng lupa na nakapalibot sa’kin.

Agad kong tinapon ang mga lupang nakapalibot, at pinapunta ko ito sa malapit sa hangganan ng mga forcefield. Wasak ang mga ito at maging ang parte ng mga bato na tinamaan nito ay nasira. Nagkaroon pa ng kaunting usok dahil sa ginawa ko.

Agad kong binaba ang sarili pagkatapos nito at huminga ng malalim. Kahit na isa akong bampira ay nakakaramdam pa rin ako ng panghihina. Kaya kailangang magtraining pa ako ng maigi.

Umupo na muna ako sa may bato, at pinagmasdan ang nasirang parte ng lupa na binalingan ko ng lupa.

Na-alala ko bigla ang pag-uusap namin ni Aldin, yung pag-convince niya sa’kin na sumama sa kanya. Ang dali lang ng pangyayari na 'yun.




*Flashback



“Thank you, Miss Beautiful!” sabi ko sa Cashier dito isang fastfood restaurant. Namula naman ito at nagpacute pa.

Umorder kasi ako ng isang Frappe at Pizza dito sa isang fastfood. Wala lang, I just wanna feel like a human, kahit na isa akong vampire. Habit ko na kasi itong makisalamuha sa mga mortal. And it was okay kasi wala pang nakakahalata sa tunay kong pagkatao for a long time.

Humanap na ako ng mauupunan at sakto namang may bakante sa pinakadulo nito.

Lumakad ako papunta sa mesa dala ang pagkain na inorder ko. As always, tatambay naman ako dito at pagkatapos, sa ibang lugar ulit tatambay hanggang mag-umaga. Gusto ko kasing maging mortal at iyon ang matagal ko ng parangarap. What a dream!

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon