Chapter 48 - Zeke & Morisson x The Ice Witch 2

813 64 0
                                        

Sorry po sa typo's :) mwuapssss :*



Somebody's POV


"Humanda ka na Zeke. Sa tingin ko'y oras na para lumaban na rin ako." tugon ni Morisson kay Zeke.


Unti unti ng nagiging yelo ang lupa na pinaka shield na ginawa ni Zeke. Medyo malamig na rin ang loob na kanilang kinaroroonan.


Bago pa man tuluyang masira ang lupang barrier ay agad pinakawalan ni Morisson ang mercury na pinalabas niya sa kanyang katawan. Pinalitan niya na rin ng purong mercury ang buong katawan niya.


Kasabay ng pagkasira ng barrier ay ang pag counter ng mga mercury na kinontrol ni Morisson sa lahat ng ice spikes na atake ni Caroline.



Bawat piraso ng maliliit ng ice spike ay binabanga ng kanyang likidong gawa sa mercury. Hanggang sa tuluyang tumigil na ang pag atake ni Caroline sa kanilang dalawa. Nagkaroon ng puting usok dahil dito.



"Hmp! Pinalitan mo nga ang buo mong katawan, ngunit likido pa rin ito. Stupido ka talaga!" mataray na sabi ni Caroline kay Morisson ngunit ngiti lamang ang sinagot ni Morisson sa kanya na mas lalo niyang ikana-inis.




Di na nag atubili pa si Morisson at kinumpas ang kanyang kamay kasabay nito ay ang pag ragasa ng napakaraming blades na gawa sa mercury papunta sa direksyon ni Caroline.

Agad namang inaangat ni Caroline ang kanyang kanang kamay upang gawing yelo ang mga likidong papunta sa kanya.


Ngunit laking gulat niya nang hindi ito naging yelo, bagkus ay naging metal ito at patuloy na pumunta sa kanyang direksyon nang napakabilis.



Kahit na nabigla ay agad niyang ginamit ang kanyang kaliwang kamay upang gumawa ng harang na gawa sa makapal na yelo pero hindi iyon sapat dahilan upang sumabog ang bloke ng yelo at tumilapon siya ng ilang metro.



"Aahhhhhhhhh!!" sigaw ng bruha at kinontrol ang bloke ng yelo sa kanyang paligid upang salohin siya nito bago pa man siya mahulog ng tuluyan sa lupa.



"What just happened?!" nagtatakang tanong ni Zeke kay Morisson matapos mapanood ang epektibong atake niyo kay Caroline.


"Ang mercury ay isang napaka kakaibang uri ng likido. Sa normal na temperatura, ito ay nasa estado ng anyong tubig, ngunit kung ibababa ang temperatura kagaya ng pagyeyelo ng normal na tubig ay nagiging metal ito habang taglay ang pagkakakilanlan ng pagiging likido." malalim na sagot ni Morisson.



"Ibig sabihin, scientifically, hindi niya mafe freeze ang mercury, instead gagawin niya lang itong metal?" manghang tanong ni Zeke kay Morisson.


"Hindi ko masyadong naintindihan ang ibang lingwahe mo pero parang ganun na nga." kompyansang sagot ni Morisson.



'Amazing! Can't believe he's able to think such an idea.' papuring sabi ni Zeke sa kanyang isipan.



"Nalaman ko ito noong nasa tirahan pa ako sa ilalim ng karagatan. Napansin ko na sa pinaka ibabang bahagi ng dagat kung saan mababang mababa na ang temperatura ay doon matatagpuan ang mga metal na mercury. Dahil sa hawak ko ang elemento ng tubig ay naramdaman kong likido ang pinaka porma ng mga metal. Hindi ko alam na kaya ko palang gumawa at magkontrol nito. Ngayon lang." mahabang paliwanag ni Morisson.





"Mga lapastangang bubwet! Ngayon lang ako nabastos sa tanang buhay ko. Waaaaaaa!!!!" galit na sigaw ng bruha matapos maka recover.


Nasira na ang damit at ayos ng buhok nito matapos ang pagsabog kung kaya't mas lalo itong nagalit.



The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon