Chapter 50 - Drixer Official

903 69 5
                                        

Sorry po sa typo's. :) skiirrttt!



Drix

Nang makapasok na kami sa loob ay nagkanya kanya hanap ng upuan ang apat samantalang ako ay nanatiling nakatayo lamang malapit sa kanila. Lahat sila'y animo'y pagod sa aming ginawa kani-kanina lamang.


"Haaaaayyyy. I think na drained ako. Ni kulang pa nga ang tulog ko dahil sa istorbong ginawa ng dalawang panget na babae na yun." dismayadong sabi ni Blake saka isinandal ang kanyang uluhan sa upuan na wari'y natutunaw.


"Magpahinga ka nalang muna kaya sa kwarto Blake." suhestyon naman ni Morisson sa kanya.

"Hmmmmm. Mamaya. Aakyat nalang ako. Let me take a bit of a rest muna dito." sagot naman ni Blake sa kanya.

"Sige. Haha. Ito, recharge spell, para mabawi nating lahat ang ating lakas." sabi ni Sky at saka winagayway ang kanyang kamay at lumabas mula sa itaas ang mga gintong buhangin at pumunta ito sa aming mga katawan.

"Haaayyyy salamaaaat." pagod na sabi ni Blake.

Mukhang epektibo ito sa mga katawan nila ngunit sa katawan ko'y, batid kong hindi ito gagana.


"Siyanga pala, sino ang dalawang babaeng iyon? At ano-anu ang mga kakayahan niya? Nakakamanghang natalo niyo sila ha." biglang singit ni Sky.


"Yung naging kalaban namin ni Morisson ay bruhang may kapangyarihan ng yelo. Pero ibang level ang kaya niyang gawin sa kapangyarihan niya. Kaya niya ring magmaterialize ng kanyang katawan at mga bagay bagay na sakop ng kanyang kapangyarihan. Kagaya ng sa amin." paliwanag sa kanya ni Zeke.


"Buti nalang at naka isip ng paraan itong si Morisson. Kahit na medyo dehado kami ay nagawa namin itong talunin gamit ang bagong abilididad na katutuklas palang namin sa aming taglay na kapangyarihan." dagdag pa nito. Kita ko namang parang nahiya si Morisson sa kanyang turan.


"Wow. Iba talaga pag naawakened no? Na uunlock din ang bagong abilities at lumalawak ang scope ng power na taglay." manghang tugon ni Sky kay Zeke.


"Eh kayo Drix? Sino naman ang naging kalaban niyo? Iyong kakaibang shapeshifter?" tanong nito sa akin.

Tumango ako bago nagsalita.


"Malakas rin ang taglay na kapangyarihan ng aming nakalaban. Lubhang nakapalawak rin ng sakop ng kakayahan nito dahil hindi lang itsura ang kaya nitong gayahin kundi ang kapangyarihan din, ngunit limitado lang sa dalawa ang pupwede niyang kopyahing abilidad." pagsasagot ko rito.

"Talaga? Nice!" mabilis na sabi ni Sky.


"Buti nalang at nakahanap ng paraan si Blake para matalo namin ito at kami ay nagtagumpay. Sa huli, nalaman naming batang babae ang tunay na katauhan nito. Kaya pala kulang siya sa kaalaman pagdating sa pakikipaglaban at puro laro lang ang nasa isipan." dagdag paliwanag ko pa rito.


"Yeeeessss. Di ko ma imagine kung bakit napasama ang batang kagaya niya sa kadiliman. I mean, her powers will be put to waste kasi nagagamit sa kasamaan." saad naman ni Blake na siyang sinang-ayunan ko.


"Oh. That's the reason pala. Hmmm. Sa pagkakatanda ko, tatlo palang silang nagtakang umatake sa atin. Yang bruhang yelo, saka yung shapeshifter, at yung master ni Ramier na Wayne ang pangalan na kayang mag control ng Mind and Body." sabi nito na siyang nagpa seryoso sa aming lahat.



"I wonder kung sino-sinu pa ang lulusob sa atin out of nowhere. And probably, they will come to us instantly, and maybe sooner than we thought." di ko maintindihang sabi ni Zeke.


The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon