Third Person’s POV
Sa mga huling atake ng mga bruha sa harang ay nasira na ito nang tuluyan. Parang nabasag na salamin ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ng pagkawala ng harang.
“HAHAHA! Paano na ngayon iyan? Sira na ang harang na pomoprotekta sa inyo. Mga mahina pala kayo.” Mayabang na sabi ni Wayne sa limang itinakda.
Dahil rito ay naging alarma sila at inihanda ang mga sarili sa isang labanan. Lima laban sa humigit kumulang 50 na mga bruha at si Wayne.
“Sugurin sila!” Sigaw ni Wayne sa kanyang mga alagad at sumugod na ang mga ito.
Unang nagpakawala ng atake si Drix. Nagpalabas ito ng bolang apoy sa kanyang mga palad at binato nito ang mga bruha na lumalapit sa kinaroroonan nila. Bawat tinatamaan nito ay napapasigaw sa sakit, at unti-unti nalulusaw. Ang iba naman ay umilag at sinangga gamit ang kanilang mahika.
“Kahanga-hanga ang iyong apoy Dragona, bukod tangi.” Paghanga ni Wayne habang pinapanood si Drix na nagpapalabas ng asul na apoy patungo sa kanyang mga alagad.
Hindi rin nagpahuli si Morisson, Zeke, at Sky. Nakahanap ng tubig si Morisson at pinapunta ito sa ilang mga bruha at pinapalibot niya ito sa buong katawan upang lunurin. Hindi nakaligtas ang mga bruhang kanyang ginamitan ng elemento ng tubig.
Si Wayne ay pinapanood lamang ang nagaganap na pangyayari at prenteng naka’upo lamang sa itim na ulap sa himpapawid.
Si Blake ay pinapalayo at pinapatalsik ang mga nagsisilapitang mga bruha sa kinaroroonan nila. Iyon lamang ang kaya niyang gawin sa ngayon dahil hindi na niya batid kung paano ulit gawin ang ginawa niya kanina kay Drix.
Habang si Sky, ay nagpapakawala ng puting mahika at bawat natatamaang bruha ay naglalaho. Kahinaan nila ito dahil maituturing na kahinaan nila ang puting kapangyarihan.
Si Ramier naman ang pumipigil sa mga atake ng mga bruha dahil batid niya kung paano ito pigilan.
Ilang sandali lamang ay naubos na nila ang lahat ng mga bruha na alagad ni Wayne. Hingal na hingal silang lahat na mukhang nauubos na ang kanilang lakas. Bakas sa paligid ang mga sira-sirang puno, at mga bato gawa ng pagtama ng iba’t-ibang kapangyarihan nila sa mga ito.
“Magaling!” Bati ni Wayne sa kanila na may mahinang palakpak pa.
“Nagawa ninyong ubusin ang aking mga alagad. Nakakamangha.” Pagsasabi nito nang makabuluhan.
“Ako naman ngayon ang inyong haharapin. Pero, ikaw muna Ramier ang uunahin ko pagkatapos ay ang iyong mga kaibigan!” pagkasabi ni Wayne ng ganoon ay nagpakawala siya ng itim na mahika sa paligid.
Natamaan nito si Morisson at Blake na kapwa bumagsak sa lupa at naparalisa ang buong katawan na epekto ng mahika ni Wayne. Si Sky naman ay gumawa ng panangga laban sa itim na mahika ngunit tumilapon siya sa malayo matapos gamitan ng napakalakas na pwersa ni Wayne.
“HAHA! Akala mo siguro maiisahan mo ako puting salamangkero, nagkakamali ka!” pagsasabi nito kay Sky na kasalukuyang nakasalampak sa lupa walong metro ang layo mula sa kanila. Nawalan na rin ito ng malay sa lakas ng pwersang natanggap niya.
“At kayong dalawa.” Pagturo ni Wayne kay Drix at Ramier. “Ramier, sinadya kong hindi ka maapektuhan ng aking itim na mahika, para makita ko kung ano ang kakayanan mo. At, oo nga pala isang Dragona ang nilalang na ito.” Pagpupuna niya kay Drix na may ngiting nakakatakot.
“Hindi ka nga pala naaapektuhan ng kahit na anong mahika. HAHA! Siguro, mabuting ikaw nalang muna ang magiging laruan ko sa ngayon.” Tugon ni Wayne sa kanya na ipinagtaka ng dalawa.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
