Chapter 84 - Ramier: Merlin's Orb

536 40 0
                                    

Sorry po sa typo's :)

Someone's POV

Pinalutang ni Ramier ang kanyang sarili at itinutok nito ang kanyang kamay sa hanay ng kalaban.

Mabilis na umilaw ng kulay lilang enerhiya ang Orb na kasalukuyang lumulutang sa katawan niya at kasabay nito ang paglabas ng napakadaming magic circles sa itaas ng mga kalaban at lumabas mula rito ang napakalakas na beams na gawa sa dark energy.

"Vvvoooooffff - Vooooggsshhhh!!!" sobrang bilis ng pagtama ng mga beams sa pwesto ng kalaban at kasabay nito ang pagsabog sa malaking parte ng kalupaan.

"Aaaaaaahhhhhh!!!!" mga sigaw ng mga kampon ni Eliazar habang tumitilapon sa lupa dahil sa dami ng pagsabog at ang bawat tamaan ng dark beams ay kusang nagiging abo.

"Vvvoooffffff!!! Vooooffff!!!! Vooooofff!!!" walang tigil na paglabas ng beams sa napakaraming magic circle at tila'y umuulan ng mga atake ni Ramier.

"Vooogsssshhh!!! Voooggssshh!!! Voooggssshh!!!" sunod-sunod naman na pagsabog ng paligid.

Makaraan ang ilang saglit ay lumitaw ang sira-sirang kalupaan sa harapan ni Ramier at tila'y ubos lahat ng frontliner na kalaban sa kanyang harapan. Madali niyang natalo ang mga ito sa lakas ng kanyang mga atake.

Hindi nagpatinag ang mga nasa likod ng hanay ng hukbo ni Eliazar at kaagad na umaatake sa pwesto ni Ramier. Karamihan ay mga nilalang na may kakayahang lumipad ang sumugod sa kanya.

"Aaaaaaahhhhhh!!!!" sigawan ng mga panibagong batch ng kaaway, at sa pagkakataong ito'y nasa likod nila ang isang heneral na si Fiazhu, ang batang shapeshifter. Walang emosyon sa mukha nito at tila'y napossess na ng tuluyan ang buo nitong katauhan.

Inilapit ni Ramier ang Orb sa kanyang palad.

"Sacred Treasure, release: Orb of Darkness!" sigaw ni Ramier at kasabay nito ang paglabas ng napakalawak na shadow na lumukob sa malaking parte ng lugar sa kanyang harapan.

Nilamon ng shadow na ito ang lahat ng kalaban na nasa himpapawid at kalupaan. At ang bawat madikitan ng shadow na ito'y kusang naglalaho at nawawala sa paningin ng lahat.

Sa isang iglap ubos ang lahat ng nilalang na sumugod kay Ramier at agad na nawala rin ang napakalaking shadow.

Ngunit ang natira lang rito ay si Fiazhu na tila'y umuusok ang buong katawan at nagreregenerate ito. Mukhang hindi ito tinablan ng atake ni Ramier sa kadahilanang nasa katauhan niya ang 10% ng kapangyarihan ni Haring Eliazar.

Tiningnan lang ito ng mariin ni Ramier, mula sa kanyang pwesto sa himpapawid. Naging seryoso ang mahikero sapagkat batid niyang parang isang zombie nalang ang kanyang kaharap at hindi niya kapa ang bagong abilidad nito.

Mula sa katawan ng batang babae ay nagtransform si Fiazhu bilang si Ramier at ginaya nito ang katauhan ng mahikero, at pinalutang rin nito ang kanyang sarili upang harapin si Ramier.

Kapwa ay nagtataglay ng parehong lakas at pati ang Orb ay nagaya ng shapeshifter. Ang pinagkaiba lamang ay ang emosyon sa mukha ng dalawa, si Ramier ay nagpapakita ng katangian ng isang buhay na tao samantalang si Fiazhu ay parang patay at tulala sa kawalan.

Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Ramier at kinumpas nito ang kanyang kanang kamay at lumabas ang tatlong malalaking black na magic circles sa baba niya.

"Summoning Spell: 3 Kings of the Underworld!" sambit ni Ramier at lumabas mula sa magic circle ang tatlong nilalang mula underworld.

Si Hades na nababalot ng itim na enerhiya ang buong katawan, maputla ang balat at kulay itim na apoy ang buhok nito. Makikita sa pagmumukha ni Hades ang lagim ng kadiliman.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon