Sorry po sa typo's😊
Drix
Nang tuluyang makalapit si Phyra sa kinaroroonan ko sa paanan ng Bulkan na kanyang lungga, ay agad itong bumuga ng maiinit na pulang apoy.
Agad ko itong sinalag gamit ang aking asul na apoy. Nagawa ko naman itong pigilan ngunit ramdam ko sa aking balat ang init ng apoy nito. Hindi magiging madali itong laban naming dalawa.
Lumipad muli ito paitaas at bumugang muli. Sa pagkakataong ito ay para namang mga nahuhulog na umaapoy na mga bato ang tatama sa akin.
Bago pa man tuluyang makalapit sa aking kinaroroonan ang mga lumiliyab na mga bato ay tinira ko ang mga ito ng aking apoy gamit ang kaliwa kong braso.
Ngunit hindi natinag ang mga ito at tuluyan nang bumagsak sa aking pwesto.
Agad kong binalutan ng asul na apoy ang buo kong katawan upang maging panangga nang tamaan ako ng mga ito. Ramdam ko ang bigat at init ng mga bato habang ako'y nasa ilalim nito.
"Aaaaaahhhh!" galit na sigaw ko na tuluyan nakapagpatilapon sa mga batong nakadagan sa akin papunta sa iba't-ibang direksyon.
Pinatindi ko pa lalo ang lawak ng aking asul na apoy at tumayong muli. Humanda ka Phyra!
Gamit ang aking kakayahan ay pinalipad ko ang aking sarili habang nagliliyab ang buo kong katawan ng asul na apoy. Pumunta ako sa harap ni Phyra. Napakalaki ng Phoenix na ito. Pero walang takot ang tumatawid sa aking damdamin sa mga oras na iyon. Nais kong manalo sa aming laban.
"May angking lakas ka Hangal. Ngunit hindi pa sapat iyan." Mayabang na sabi nito at binugahan ako ng apoy.
"Yun ang akala mo." Balik na saad ko sa kanya at tinutok ang aking mga kamay upang magpalabas ng asul na apoy at salubungin ang kanyang pagbuga.
Nang tumama ang aming dalawang apoy ay nagkaroon ng malaking pagsabog dahil sa lakas ng pwersa ng aming mga kapangyarihan, ngunit, kapwa kaming determinado na patamaan ang isa't-isa. Ramdam ko ang lakas ng kanyang apoy at mas tinodo pa niya ang pagbuga kung kaya't napaatras ako ng kaunti sa ere.
Pero hindi ako nagpatalo at tinodo ko rin ang aking asul na apoy.
Hanggang sa sumabog parte ng gitna namin dahil sa labis na init mula sa dalawang maka-ibang antas ng apoy. Kapwa kami napaatras.
Dahil na rin na nasa ere ako ay mas mabilis kong maigagalaw ang aking sarili. Kung kaya't hindi na ako nag atubiling sa pag atake sa kanya.
Lumipad ako ng napakabilis at habang lumulipad ay gumagawa ako ng malalaking bolang apoy na sinigurado kong mainit na mainit ang temperatura nito bago ko itira sa kanya.
"Boooom!!" tunog ng malalaking pagsabog nang tumama ang aking mga malalaking bolang apoy sa kanyang katawan. Malalakas ang pagsabog kung kaya't naalintala ang kanyang lipad.
"Hangal ka!!" galit na sigaw nito na siyang ikanasiya ko.
Bago pa man siya umatake ay pinalaki ko ang asul na apoy na nakadikit sa kanyang katawan. Nakontrol ko ito at binalot ko ito sa kanya upang siya'y masunog.
"Eeeeeeeeekkkkk!" mahabang huni nito na parang unti-unti nang nasusunog.
"Napakahina mo pala. Hindi manlang ako pinagpawisan." Nakangiting saad ko habang titiningnan ang nasusunog niyang katawan.
"Tama na ang kahibangang ito!" nagulat ako ng sumigaw ito at nalusaw ang mga asul na apoy na aking kinokontrol sa kanyang katawan.
Binuka niya muli ang kanyang mga pakpak at kasabay nito ang muling pagliyab ng buo niyang katawan. Sa pagkakataong ito ay mas mainit na at ramdam kong inilabas na niya ang tunay niyang kapangyarihan.Walang anu-ano'y bumuga ito ng pumapa paikot na apoy papunta sa direksyon ko na hindi ko napaghandaan.
Natamaan ako nito at kahit na nakabalot ang buo kong katawan ng asul na apoy ay nagawa ako nitong mapaso sa tindi ng init. Napunit ang aking pang ibabaw na kasuotan at nasunog ito.
"Aaaaahhhhh!!" sigaw ko ng bumalot ito sa buo kong katawan na parang ahas na pumulupot.
Hindi ko mawari ang init ng apoy niya. Parang naluluto na ang aking balat sa taas ng temperatura nito.
"Aaaaaahhhhh!!" muli kong sigaw ng humigpit lalo ang apoy at mas dumikit sa buo kong balat.
"Yan ang napala mo sa iyong kayabangan. Hangal!" sambit nito at inatake muli ako sa pamamagitan ng pagbuga ng apoy.
Natamaan ako nito at naramdaman ko ang pagkahulog ng aking sunog na katawan mula sa himpapawid, papunta sa abo ng lupa sa ilalim.Ang hapdi ng aking mga paso at ramdam ko ang kirot. Sa unang pagkakataon ay natablan ako ng init ng apoy kahit na isa akong Dragona.
Pero hindi dapat ako panghinaan ng loob. Ako ay isang mandirigma! Hindi dapat ako matatalo ng basta-basta nalang! Pinaliyab kong muli ang aking katawan bago pa man tuluyang bumagsak ang aking katawan sa lupa.
Nakaramdam ako ng paghingal dahil sa biglaang pagpapalabas ko ng aking kapangyarihan. Hingal na lumipad muli ako sa ere ilang dipa kay Phyra.
"Nakapalakas mo para makaligtas sa mga atake kung iyon. Pero hibang ka pa rin." Matigas na sabi nito.Nanatili lang akong tahimik at hinihintay ang susunod niyang pag atake. Sa pagkakataong ito ay palihim kong iniipon ang aking lakas.
Binuka niyang muli ang kanyang mga pakpak at kasabay nito ang pag-ilaw ng buo ng katawan ng kulay pula.
Naging alerto ako sapagkat hindi ko batid ang kanyang gagawing atake.
Ilang sandali pa nakita kong yumanig ang lupa sa ibabang parte ko at lumabas mula rito ang naglalagbag na apoy kasama ang mga nagbabagang bato at lahar.
Binilisan ko ang aking pag-iwas sa nakapadaming bumulusok na lahar sa ibaba. Inilagan ko ang mga ito, ngunit parang walang katapusan ang mga pumapa ibabaw na lahar. Talagang gusto ni Phyra na tamaan ako nito dahil sa dami ng istilo niya sa pag atake.
Nakaramdam na rin ako ng kaunting pagod sa aking ginagawang pag ilag. Kailangan kong hindi matamaan sapagkat higit na mas mainit ang mga lahar sa apoy ng 5 beses at kaya nitong tunawin ang anumang bagay.
Sa labis kong pagpokus na hindi matamaan ng mga lahar, ay ang hindi ko inaasahang pag atake ni Phyra. Lumipad ito ng napakabilis papunta sa direksyon ko.
Gulat man ay umilag ako. Pero natamaan pa rin ako ng kanyang pakpak na siyang kinawala ng aking depensa.
"Aaaahhhhh!!" muli ko na namang sigaw. Mainit! Mainit na mainit ang kanyang mga pakpak. Ramdam ko na ang matinding hapdi sa kaliwa kong braso dahil ito ang natamaan niya.
At dahil na rin sa lakas ng pagtama niya sa akin ay unti-unti na naman akong nahuhulog paibaba sa pangalawang pagkakataon.
Ngunit hindi pa tapos si Phyra sa kanyang pag atake. Sa aking paglingon ay nakita kong ang pagbuga nito ng apoy papunta sa akin. Tutustahin ako nito ng buhay. Lagot!
Habang nahuhulog ako paibaba ay siya namang paghabol ng kanyang pulang apoy sa akin. Parang naging mabagal ang lahat ng nasa paligid.
'Ano na ang gagawin ko?'
Itutuloy. . .
The8thElement
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
