Chapter 3 - Minimal Changes

4.6K 207 8
                                        

Blake

Nagising ako na umaga na. Haixt! Di ko namalayang nakatulog pala ako kagabi kaagad. Ni'hindi pa nga ako nakapagpalit ng uniform ko eh. Tapos suot ko rin pati yung malaki kong salamin.

Hmmm. Parang merong kaka-iba sa pakiramdam ko. Ewan. Parang napakagaan. Iba eh. Weird.

Lumakad ako papuntang banyo. Meron kasi akong banyo sa kwarto. Medyo nakapikit pa ng bahagya ang mata habang naglalakad.

"Aray!" Daing ko ng mauntog ako sa pinto ng banyo. 'Tsk!' Nagising tuloy ang diwa ko nang tuluyan. Pagdating ko sa loob ng banyo, agad kong hinubad ang suot kong uniform, at napansin ko, nang humarap ako sa salamin na tila may nag-iba sa katawan ko?

"Teka? Pano naging ganito ang katawan ko?" Gulat kong tanong sa'king sarili habang pinagmamasdan ang nagbago kong katawan sa salamin.

'Ba't parang nagkaroon ako ng Biceps? Tsaka na din Abs? Lalo din pumuti at kuminis yung balat ko? At teka-' inilapit ko ang mukha ko sa salamin upang tingnan ko ang mata ko. 'Ba't parang naging kulay Ash? Eh brown naman to ah?' Tsk! Di ko maintindihan ang mga nangyayari.

May kinalaman ba dito ang sinabi sa'kin ni Aldin, tungkol sa tunay kong pagkatao? At ngayon ko palang din napansin na medyo tumaas ang height ko ng ilang inch. Double-Weird na to ha.

Nagmadali akong bumaba pagkatapos kong magbihis . Ang dami na namang tanong nabuo sa'king isipan. And I need an answer!

"Uy nak! Happy Birthday!" masayahing bati sa'kin ni Mama nang madtnan ko siyang nagluluto sa kusina.

"Salamat Ma." Tugon ko naman pagkatapos kung halikan ang kanyang pisngi.

Napansin kong may kaunting pagkain na din na nakahanda sa mesa.

"Oh Ma? May problema ba?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong tinititigan niya ako ng maigi.

"Ahh. Wala naman nak." Pagkukunware niya. "Na-alala ko lang kasi ang Papa mo. Kamukhang-kamukha na siya ngayong tumuntong kana sa wastong edad."

"A-ano? Napansin niyo rin po ang pagbabago ng katawan ko? At si Papa? Mama? Anong pinagsasabi niyo? May nais po ba kayong sabihin sa'kin" sunod-sunod na tanong ko kay Mama. Nadagdagan na naman ang iniisip ko.

Pero imbes na sagutin ni Mama ang tanong ko ay nginitian niya lang ako tsaka inayos ang mga nakahandang pagkain na alam ko namang kami lang dalawa ang magsasalo. Nakita kong bumuntong hininga muna si Mama bago niya ako hinarap.

"Anak, sasabihin ko sa'yo ang lahat. Pero mamaya na pagdating ng bisita natin." Sabi ni Mama ng nakangiti.

"Ha? Teka lang-" di ko na natapos ang tanong ko ng may kumatok sa pinto namin.

"Ah! Andyan na siya" sabi ni Mama at pumunta sa may pintuan. Sino naman kayang bisita ang sinasabi ni Mama?

Binuksan ni Mama ang pintuan at pinatuloy ang sinasabi niyang bisita. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang bisitang hinihintay namin.

"Good morning Liana." Bati ni. . .Alden? At bakit kilala niya si Mama?

Aldin

"Good morning Liana." I greeted Blake's mother with a smile.

"Good morning din po Kro-Aldin" sabi niya saka ako pinatuloy.

Nakita kong gulat na gulat na naman si Blake. At para na naman siyang estatwa sa kinatatayuan niya. HAHA!

"Oh anak. Anong nagyayari sayo?" Sabi ng Mama ni Blake nang mapansin nitong gulat pa rin na nakatingin sakin.

"Siya nga pala si Kro- Aldin. Siya yung sinasabi ko sayong bisita natin ngayon." Tugon ni Liana habang nakangiti kay Blake.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon