Sorry po sa typo's :) ahehehe :*
Someone's POV
Bago pa man tuluyang lamunin ng yelo ang katauhan ni Drix ay mabilis nitong pinagpalit ng anyo ang kanyang katawan mula sa human form nito papunta sa dragon form.
Agad na nasira ang mga nyebe sa kanyang paligid at pati na rin ang clone na katawan ni Caroline.
Sa pagkakataong ito'y nawala ang pagkakahawak ni Drix sa Axe na sacred treasure niya dahil sa pagtatransform nito at nahulog ito sa kalupaan sa ibaba ng kanyang pwesto.
"Ggrrrrooooaaarrrrrr!!!" sigaw ng mabangis na si Drix sa anyong dragon nito at bumuga ng napakalakas at napaka-init na apoy sa paitaas na direksyon.
Mabangis na tiningnan ni Drix ang kanyang kalaban mula sa pwesto nito sa lupa. At namangha na kaya nitong makagawa ng replika gamit ang nyebe sa paligid.
Bago umatake ang dragona ay binalot muna nito ang buong katawan niya ng asul na apoy at mabilis na lumipad sa kinaroroonan ni Caroline.
"Vvvrroooooggssshhhhh!!!!" pagpapakawala ni Drix ng isang buga ng asul na apoy nang makalapit sa pwesto ni Caroline.
"Sswwiiiissshhhsssskkkkk!!!" tunog mula sa pagtama ng atake ni Drix sa shield na gawa ng kanyang kalaban na gawa sa mga makakapal na ice berg. Nakagawa kaagad ito ng depensa sa isang kisapmata.
Dahil hindi hawak ni Drix ang kanyang sandata, ay hindi gaanong kalakas ang naibibigay nitong pwersa ng kanyang kapangyarihan, hindi rin masyadong mainit ang apoy na binubuga niya kung kaya't hindi nito natutunaw ang yelo na depensa ni Caroline.
Habang bumubuga si Drix, ay agad na nawala sa pwesto niya si Caroline at lumitaw ito sa bandang dibdib ng malaking dragon. Tinutok nito ang kanyang kaliwang palad at lumabas mula rito ang matutulis na ice spikes, na nakapagpayelo sa parte ng katawan ng dragona kahit na lumalagablab sa init ng asul na apoy ang kanyang buong katawan.
Saglit na napaatras si Drix nang maramdaman ang atake ni Caroline, at binugahan niya ang nagyeyelong parte sa kanyang bandang dibdib upang hindi kumalat ang paggapang ng lamig sa buong katawan nito.
"Rrrrrooovvvsssshhhhh!!!" pagbubuga ni Drix at muling pinabalik ang paglagablab ng kanyang apoy sa buo niyang katawan matapos tunawin ang yelo sa kanyang dibdib.
Napatingin ang mabangis na dragona sa kanyang kalaban. Natanto niyang hindi nga ito basta-basta, at hindi niya ito matatalo kung wala ang sacred treasure niya.
Biglang kinumpas ni Caroline ang kanyang kanang palad papunta sa direksyon ni Drix. Nagsilabasan muli ang malalaking glaciers at pupunteryahin nito ang dragona.
Mabilis na kumilos si Drix at lumipad paitaas, ngunit hinahabol siya ng rumaragasang yelo na atake ni Caroline at kung maabutan siya nito ay siguradong hindi na siya makakaligtas.
"Ssshhhiiiikssssshhhhh!!!" mabilis na pagragasa ng yelo na sumusunod sa kanya.
At bago pa man iyun mangyari ay nagdesisyon siyang gamitin ang pinakamakapangyarihang anyo na kayang ibigay sa kanya ng Hilda's Axe.
Habang mabilis na lumilipad ang dragona ay tinawag nito ang kanyang sacred treasure na kasalukuyang nakabaon sa kalupaan. Sa isang iglap ay parang nagkaroon ng buhay ang malaking palakol at lumipad ito ng napakabilis patungo sa direksyon ni Drix.
"God of Dragons!" sambit ni Drix nang tuluyan ng makalapit ang kanyang sacred treasure sa pwesto niya.
Agad na sumabog ang malaking palakol at naging red na energy ito na mabilis na pumasok sa dibdib ng dragona.
Umilaw ng kulay pulang energy ang buong katawan ng dragona sa pagtatransform nito. Nalusaw ang dalawang malalaking pakpak nito at biglang humaba ang buo nitong katawan na parang sa ahas, at napalitan ng kumikinang na kulay pulang kaliskis ang balat nito. Ito ay ang anyo ng Diyos ng mga Dragon, na taglay ang kapangyarihan ng lahat ng apoy na matatagpuan sa buong sangkalawan.
Para itong isang napakagandang dragon mula sa chinese zodiac at napakalaki nito. Nakalutang ito sa himpapawid na tila'y isang mythical beast. Ang ulo nito'y nasa taas habang nakalaylay ang katawan at buntot nito paibaba. Dahil na rin sa eclipse na nasa likod nito ay sumimbolo ito ng lakas at kapangyarihan. Umiilaw rin ng kulay pula na enerhiya ang mga mata nito.
Matapos ang transformation ni Drix sa God of Dragons na form ay biglang natunaw ang mga yelo na gawa ni Caroline at mas uminit pa ang temperatura sa buong paligid. Nagkaroon ng usok ang kalupaan dahil sa presensya ng bagong anyo ni Drix. Nag eemit din ito ng kulay pula na mga solar flares na nagtataglay ng mainit na enerhiya.
Nang tumama ang paningin ni Caroline sa nagbabagang mata ni Drix ay umapoy ang buong katawan nito dahil sa labis na init.
Sa ganitong anyo, ay kaya ni Drix na sunugin ang kahit na anong bagay sa isang tingin lamang, kaya lumiyab ang katawan ni Caroline.
Ngayon ay umuusok ang kalaban at lumabas na ang puro at matigas na yelo na totoong katawan nito. Wala itong reaction sapagkat wala na itong emosyon.
Sa mga oras na ito ay hindi na nakakagawa si Caroline ng anumang yelo na kapangyarihan niya dahil sa init ng temperatura na gawa ni Drix.
"Uuurrrrkkk!!!" biglang paglapit ng sugo ni Ramier papunta kay Drix, at mukhang hindi ito apektado ng kapangyarihan ng dragona.
Mabilis nitong isinalin sa pamamagitan ng telepathy ang mga mahahalagang impormasyon papunta kay Drix na siya naman nitong naintindihan ng mabuti.
Makaraan ang ilang saglit ay gumalaw na si Drix at lumapit sa kinaroroonan ni Caroline na nagliliyab pa rin ang katawan. Ang gandang tingnan ng paglipad ni Drix sapagkat kalmado itong kumikilos na wari'y sumasayaw sa hangin.
Nang makalapit na ang dragona ay pinalibot nito ang kanyang mahabang katawan sa paligid ni Caroline at pinalabas ang mas makapal na red na energy sa buong katawan nito.
Kumilos na si Drix at bumuga ng isang napakalakas na apoy papunta sa kalaban. Ang buga nito'y sinlakas ng isang hydro pump at concentrated ang init mula rito dahil sa pinaghalong apoy at fire energy. Kulay asul na may pinaghalong pula ang apoy na gawa ni Drix at plano niyang tunawin ng husto ang buong katawan ng kalaban.
"Zzzzzzooooofffpppphhh!!!" pagragasa ng apoy ng dragona papunta sa walang kalaban laban na si Caroline na parang isang ice cream na unti-unting natutunaw ang buong katawan.
Matapos ang ilang saglit ay lumitaw ang dark enegy ni Eliazar at nagwawala ito sa gitna ng pwesto ng mahabang katawan ni Drix, at para hindi ito makatakas ay mabilis na gumawa si Drix ng isang malakas na barrier sa pwesto nito. Agad namang lumapit ang violet na vulture patungo sa kinaroroonan ng dragona at nagtransform ito bilang isang purple na energy at kinulong ang mabangis na dark energy ni Eliazar.
Tagumpay na natalo ni Drix ang kanyang kalaban at pati na rin ang pagkukulong sa dark energy ng Hari ng Kadiliman.
Ngayo'y mas inihanda pa ng dragona ang kanyang sarili at mariing tiningnan ang iba pa niyang kasamahan sa ibang direksyon. Hindi niya mawari ang mangyayari sa susunod na mga pagkakataon.
"Nawa'y ligtas kayo mga kasama ko." saad nito.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
