Sorry po sa typo's :) luvluvluv ;*
(A/N) Available po ang BS ng Chapter 42. Kindly visit my profile at hanapin sa works ko. Hehe.
-
Someone's POV
Patuloy pa rin ang pagsira ng higante sa barrier ng pinaka hide out ng mga itinakda. Nagawa itong hanapin ng dalawang kalaban sapagkat likas na matalas ang kakayahan ng isa sa kanila sa paghahanap ng mga targets, at ito ay ang shapeshifter. Ang uri nila ay nagsilbing mga espeya sa sinaunang panahon. At ginagamit bilang frontliners sa mga labanan.
Ang isa sa dalawang kalaban ay si Fiazhu, isang shapeshifter na mas lalo pang lumakas dahil sa dagdag na kapangyarihang binigay ni Eliazar. Kaya niyang kopyahin ang sinumang nilalang pati na rin ang mga kakayahan at features nito. Kailangan niya lang masilayan ang kanyang kokopyahin at pwede na itong makapagpalit ng anyo kahit kailan niya gustohin. Walang nakaka alam kung ano ang tunay nitong anyo. At ito ay nagsisilbing misteryo sa kanyang pagkatao.
At si Caroline, ang Icewoman. Taglay ang kapangyarihan ng yelo. Sopistikada at elegante ang postura. Nagmula ito sa Arctic dimension at siya ang tinaguriang pinaka makapangyarihang Ice Witch sa kanilang dimensyon. Ang kapangyarihan nito'y masasabing kakaiba sapagkat nasuportahan ito ng kanyang sariling pananaliksik sa kanyang sariling kapangyarihan, at mas lalo pa itong lumakas sa tulong ni Eliazar.
Ramdam sa loob ang unti unting pagkasira ng barrier na siyang itinaranta ng lahat maliban kay Ramier na kasalukuyang tulog sa kanilang silid dahil sa pagod.
Agad na lumabas sina Zeke, Sky, Drix, Morisson at Blake mula sa loob ng bahay at tiningnan ang ibabaw ng kanilang barrier.
"Kalaban na naman!" sagot ni Sky habang tumitingala sa itaas. Naging alarma naman ang iba pang kasama niya.
Unti unti nag crack ang barrier at bumungad dito ang malaking higante at isang babaeng nakasakay sa yelo mula sa itaas. Kahit na gabe ay kitang-kita ito ng lima dahil sa talas ng kanilang mga indibidwal na pandama nagdagdag din ang liwanag mula sa Half Quarter Moon sa kalangitan.
"Humanda kayo." pagbibigay salita ni Zeke. Agad namang humanda ang apat.
Mula sa butas ng barrier ay agad nagpalit anyo ang shapeshifter bilang isang uri ng ibon at pumunta sa harapan ng lima, kasabay nito ang pagpapalit nito sa anyong tao na magandang babae na teenager. Sumunod naman dito ang babaeng nakasakay sa bloke ng yelo.
"Isang shapeshifter ang isa sa kanila at ang isa ay masasabi kong isang bruha. Pero hindi basta bastang bruha lamang. Tsss!" inis na sabi ni Sky.
Seryoso ang atmosphere sa dalawang grupo. Parang kapwa nagpapakiramdaman ng susunod na mangyayari.
"Hmmp! I was right. Mga bubwet lang talaga ang mga itinakda. Pathetic!" aroganteng saad ni Caroline, ang Icewoman sabay erap.
Napakuyom naman ng kamao ang limang lalaki sa kanilang narinig.
"She's provoking us. Kontrolin niyo ang mga emosyon niyo. Hindi natin alam kung ano ang mga kakayahan at kapangyarihan nila." sabing seryoso ni Blake.
"Hello mga Kuya. Hehehe. Nandito kami para makipaglaro. Hehehe. Simula na tayo? Kanina pa ako naiinip ehhh. Yeeeeeyyy!" maligalig na sabi ni Fiazhu, ang shapeshifter at nagpalit anyo bilang isang mutant na bear.
Mala halimaw ang anyo nito at nakakapangilabot ang itsura.
Naunang itong sumugod ng walang pag aalinlangan.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
