Sorry po sa typo's :) huehuehue :*
Sky
Dinala ako ng akinh magic sa entrada ng isang napakalawak na kagubatan along side a road. I am not sure if this is the right place, pero sure ako na ang kagubatang nasa harapan ko ay isa lamang illusion. I am certain na may nakatagong hindi ko matukoy na enerhiya sa loob nito.
Nagsimula na akong maglakad papasok sa masukil an gubat.
Mukhang kung ordinaryong nilalang lamang ang papasok rito ay siguradong maliligaw kaagad dahil sa pagiging unfamiliar ng buong kapaligiran.
Nasense kong may mga nilalang nagtatago sa mga puno sa aking paligid. Batid kong, mga nilalang ito na may alam sa sandatang aking hinahanap. I just let them be.
After a few walk, I just found myself inside a grand palace. Mukhang nakapasok ako sa barrier ng lugar na ito without a hustle.
Ito siguro yung sinasabi nilang hidden city of Samar island, ang Biringan City. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko mula rito ang isang napakalaking palasyo na gawa sa pilak at ginto ang bawat sulok. Napaka ganda ng view nito at tila'y pinatotohanan nito ang mga imaginations tungkol sa mga fairytales, which is not unusual kasi totoo naman iyun, but what I mean is napaka surreal ng buong view at ambiance ng lugar na ito.
While watching the scenery ay biglang lumitaw sa aking harapan ang napakaraming mga nilalang na nakasuot ng armor, mga kawal ito siguro. Mga matutulis ang kanilang tenga at mukhang mga perpektong nilalang kung ibabase sa itsura.
"Sino ka?! At paano ka nakapasok sa lugar na ito?" sambit ng pinaka heneral ng grupo nila.
"Ako si Sky, tagapangalaga ng elemento ng liwanag, I'm here for the Arthur's sword." saad ko.
Mukha namang nagulat ang mga kawal na ito at agad na nagsipagluhod matapos marinig ang sinabi ko.
"Patawad po sa aming naging turan, ikaw po'y hinihintay na ng mahal na hari at reyna." sabi nito habang nakaluhod at nakayuko.
Hmmm, I guess they really expect me huh.
"That's okay. So, pwede niyo ba akong samahan sa Hari at Reyna na sinasabi ninyo?" request ko sa kanila, agad naman silang nagsipagtayo at tumango.
"Sundan niyo lang po kami." sabi ng isang kawal at nagsimula na silang maglakad.
Sumunod naman ako sa kanila at pumasok na kami sa grounds ng palasyo. Super ganda talaga dito! Pansin ko na ang mga citizens dito ay mula sa iba't-ibang lahi ngunit hindi ko matukoy kung ano.
Dumeretso kaming lahat sa loob ng napakagarang palasyo. Jusme! Mas malawak pa ito sa mga malls dito sa Pilipinas sa sobrang laki.
Pagpasok ko palang sa entrada ay grande rin ang naging pagsalubong sa akin, mukhang mas maraming nilalang ang nasa loob na tila'y hinihintay talaga ang pagdating ko.
Lahat sila'y nagsipagyuko nang dumaan ako sa mahabang pasilyo. Ang gagara ng mga suot nilang mga damit at mukhang mayayaman sila if ikocompare sa estado ng mga mortal.
"Mahal na Haring En at Mahal na Reynang Dal, andito na po ang ating panauhin." pagpapakilala sa akin ng kawal at agad na umalis ito sa harapan ko.
"Kinagagalak ka naming makilala Ginoo!" nakatawang sambit ng Hari at lumapit ito sa akin upang bigyan ako ng manly hug. Puti ang buong kasuotan at buhok nito at namumutawi sa kanyang mukha na isa talaga siyang tunay na maharlika dahil sa sophisticated na mga galaw nito.
"Siya nga mahal ko, naghanda pa kami ng isang pagpiging para sa iyong presensya." sabi naman ng Reyna at nakipagbeso sa akin. Napaka elegante rin ng kasuotan at galaw nito. Tunay ngang sila ang tinaguriang Hari at Reyna sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
