Morisson
“Bata…” sambit ko sa batang naka-salamin na naiwan ng mga kasama niya. Tumingin ito sa akin.
Kahit na isa siyang banyaga sa aking paningin, ay hindi ako nakaramdam ng anumang pagkabahala. Bagkus ay nilapitan ko pa ito at tinapik-tapik ang likod upang siya ay tumigil sa pag-iyak.
“S-sino ka? Naiwan ka rin ba dito sa isla?” Tanong niya sa akin sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Umupo na rin ako sa buhanginan sa harap niya upang mapantayan siya.
“Morisson ang aking pangalan, at hindi ako naiwan ng ninuman dahil dito ako naniniriham sa isla.” Naka-ngiting tugon ko sa kanya.
“Ikaw? Anong pangalan mo at bakit ka nila iniwan?” dagdag ko pang tanong.
Medyo pinakalma muna niya ang kanyang sarili bago sumagot sa aking nga katanungan.
“A-ako si Blake. Iniwan nila ako dahil pinagka-isahan ako ng aking mga classmates na iligaw kanina. Hindi ko kasi sila mga kaibigan.” Malungkot na sabi nito sa akin. Nakaramdam ako din ako ng lungkot sa sinabi niya dahil naalala ko sina Mama at Papa, pati na rin ang mga kaibigan ko sa Pacifico.
“At ngayon, hindi ko na alam kung paano ako makakabalik sa amin. Wala akong nakikitang balsa para maka-alis sa lugar na ito. Huhuhuhu.” Sabi nito at nagsimula na namang umiyak.
“Uhm, Blake, huwag ka nang umiyak diyan, tutulungan kitang makabalik sa inyo.” Pag-aalok ko ng tulong sa kanya.
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko at nasilayan ko ang kanyang matamis na ngiti. Ewan ko ba at bigla ring sumaya ang aking pakiramdam ng makita ko siyang sumaya.
“Talaga? Tutulungan mo ako? Paano? Eh wala namang bangka dito?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa naging turan niya, parang makulit din pala siya.
“Basta, halika na. At simula ngayon, kaibigan mo na ako.” sabi ko sa kanya at tumayo na.
Inabot ko sa kanya ang aking palad upang tulungan siyang makatayo, kinuha niya rin naman ito at tumayo na din.
Magkasingtangkad lang kami, pero medyo payat ang katawan ni Blake. Pinagpag niya muna ang likurang bahagi niya dahil may mga buhangin ito.
“Saan naman tayo sasakay papunta sa pier?” inosenteng tanong tanong saakin. Hindi ko batid kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binibitawan ang kanyang kamay.
Ngumiti na muna ako sa kanya at hinila siya papunta sa may tabing-dagat. Hindi ko pa man alam na kontrolin ang aking kakayahang manipulahin ang tubig, kailangan ko pa ring subukan para maka-uwi si Blake sa kanila.
Nang mapunta na kami sa may tubig ay nagpokus ako sa aking nais.
Gagawa ako ng isang alon at iyon ang gagamitin naming sasakyan. Ayos lang saakin ang lumangoy dahil isa naman akong sireno, ngunit alam kong hindi ito makakaya ni Blake dahil isa siyang mortal.
“Dito tayo sasakay.” Naka-ngiting saad ko sa kanya at itinuro ang isang malaking alon napapalapit sa kinaroroonan namin. Ito yung alon na minamanipula ko. Siniguro ko ring hindi lulubog sa tubig ang mga katawan namin pag sasakay na kami rito.
“T-talaga?! Wow! Magic! Ang galing!” manghang sabi nito sa akin.
“Oo. Kaya halika na Blake nang maka-uwi kana sa inyo. HAHAHA.” Tugon ko sa kanya at naunang sumakay sa alon na minamanipula ko.
Sumakay ako rito nang hindi binibitiwan ang kangyang kamay. Inalalayan ko si Blake na sumakay sa alon. Medyo namamangha pa nga siya dahil patuloy niyang tinitignan ang kanyang inaapakan na tubig.
“Ang galing talaga nito Morisson. Ang galing ng magic mo!” muli niyang sambit sa akin. Tumawa lang ako sa naging reaksyon niya.
Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa maikling panahon na kasama ko siya. Parang natakpan nito ang lungkot at pangungulila na aking naramramdaman.
Minanipula ko na ang alon at nagsimula na kaming maglakbay patungo sa sinasabi niyang pier. At dahil na rin sa bangka ang sinakyan ng mga kasama niya kanina, ay nakakaya kong sundan ang dinaanan nito.
Hawak ko lamang ang kanyang kamay habang kami ay naglalakbay sa gitna ng katubigan. Walang nagsasalita ni-isa saamin pero napakapayapa ng aking damdamin katulad ng tubig sa dagat. Napangiti ako sa hindi ko malamang kadahilanan.
Nasa parteng karagatan na kami at may mga alon na dito. Pero hindi naman nito napipigilan ang paggalaw ng aking kinokontrol na alon. Ilang sandali pa ay may paparating na malaking alon na tatama sa direksyon namin. Mas malaki ito sa minamanipula kong alon.
“M-morisson, parang tatama saatin ang alon na iyan.” Nangangambang saad saakin ni Blake at nagtago sa aking likuran, hinawakan rin nito ng mahigpit ang aking kamay.
Imbes na mataranta ako sa ginawa niya ay naka-isip agad ako ng paraan upang hindi kami mapahamak. Ewan ko, gusto kong iligtas si Blake at ayaw ko siyang mapahamak.
Pinatigil ko muna saglit ang paggalaw ng sinasakyan naming alon at pinakiramdaman ko ang tubig na nasa unahan namin. Kailangan makontrol ko nang naayos ang aking sarili upang hindi kami lumubog.
Nang makalapit na saamin ang alon ay gumawa ako ng isang napakalaking harang ng tubig sa unahan namin upang protektahan kami.
“Huwag kang mag-alala, poprotektahan kita.” Sabi ko kay Blake. At sinalag ang napakalaking alon na nakalapit na saamin.
Naramdaman sa paligid ang pagtama ng alon sa ginawa kong harang. Ngunit sa nais kong hindi kami mapahamak ni Blake ay nagawa ko itong pigilan. Nagkaroon ng maliit na pagsabog sa lakas ng pagtama ng alon at medyo nagalaw rin nito ang daloy ng tubig sa paligid.
“Wow! Ang bangis nun!” sabi ni Blake na manghang-mangha na naman ang itsura.
Pinakalma ko muna ang aking sarili at ang paligid, bago magpatuloy ulit sa paglalakbay papuntang pier.
Makaraan ang ilang sandali ay narating namin ang pier. May mga bangka dito at medyo marami ang mga tao kung kaya’t nagpa-iwan na ako sa tubig at hinayaan ang alon na dalhin si Blake sa may parteng lupa.
Nakaramdam ako ng lungkot nang bitawan ko ang mga kamay ni Blake. Mukhang hindi niya ito namalayan dahil na rin sa hinahanap niya ang kanya mga kasama.
Pinalubog ko ang aking sarili sa tubig upang hindi ako makita ng ibang mortal at sinigurong makakapunta si Blake sa lupa. Mabuti na lamang at walang ibang nakapansin sa kanya.
Nasa tubig ako, at nagtago sa isa sa mga bangka. Pinagmasdan ko si Blake na palinga-linga sa paligid na wari’y ako naman ang kanyang hinahanap. Nawala na rin ang alon na aking minamanipula kanina.
“Morisson! Nasaan ka? “ sigaw nito.
Magpapakita na sana ako nang biglang dumating ang dalawang matandang babae na kasama niya kanina at niyakap siya.
“Blake! MyGod. I thought naiwan ka talaga doon sa isla. Halika na, at kanina pa tayo hinihintay ng School Bus natin.” Sabi nito kay Blake at hinila na siya papalayo.
Wala akong nagawa kundi pag masdan ang unti-unting naglalaho na si Blake habang hila-hila nung matandang babae. Nakakalungkot ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang saya na naramdam ko kanina nung kasama ko siya.
Makaaran ang ilang sandali ay nagpasya na akong bumalik sa isla.
Magmula nang araw na iyon ay hindi ko na muling nakita pa si Blake. Sa islang aking tirahan ay doon na ako nagsanay upang mas makontrol ko pa ang aking kakayahan. Doon na rin ako nagbinata ng mag-isa.Hanggang sa nagpakita sa akin si Aldin, at sinabi sa akin ang aking kapalaran. Doo’y hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya.
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
![](https://img.wattpad.com/cover/95721609-288-k248365.jpg)
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...