Ramier
Pagkatapos magpakilala ng mayabang na Drix na ito ay tinawag ko na ang lalaking hindi ko pa batid ang pangalan, pero ramdam ko na meron siyang kalahating mortal na dugo, at hindi ko pa matukoy kung ano ang isang dugo ang nananalaytay sa kanya.
Kapansin-pansin rin ang pagkamangha sa kanyang mukha sa tuwing makakakita siya ng kapangyarihan namin kanina habang kami ay nagpapakilala. Lubhang mas nangingibabaw ang pagka-mortal niya kung kaya’t ganun na lamang palagi ang kanyang reaksyon.
Pagkatapos kong tawagin ang kanyang pangalan ay naramdam ko ang kanyang pagkabigla at kaba. Madali ko lang na nalalaman ito sapagkat Kadiliman ang aking kapangyarihan. Sakop ko ang lahat ng masasama at pati na rin ang mga negatibong mga bagay sa mundo.
Tumayo na ang lalaking ito na kabang-kaba at pumunta na sa gitna.
Lahat naman kami ay titig na titig sa kanya kung ano ang kanyang gagawin. Ngunit batid kong sa lahat ng nakita ko na kanina, ay Elemento nalang ng Hangin ang hindi ko pa nasasaksihan kung kaya’t sigurado akong taglay niya ang kapangyarihang iyon. Ang pinakamalakas na Elemento kung ito'y mahahambing sa iba.
“Ah-eh.” Pag-aalinlangan niya. “A-ako nga pala si Blake. I-isa akong Half M-mortal at Half A-air Elf.” Kinakabahang pakilala niya.
“Air Elf?” biglang tanong ko sa kanya. Maging ang aking mga kasama ay alam ko ring nagulat sa isinawalat niya, at kapapansin-pansin ito sa kanilang mga mukha.
“O-oo. Yun yung sabi sa’kin ng Mama ko.” Sagot ni Blake.
“Kung ganun, ikaw nalang ang natitirang nilalang na Air Elf dito sa mundo.” Salaysay ko sa kanya.
Ayun kasi sa balita noong nagkaroon ng hidwaan ang mga lahi, ay pinatay ang lahat ng mga Air Elf ng Panginoon ng kadilaman sapagkat masyado silang mapanganib kung kalalabanin. Kung kaya’t ginawa iyon sa kanilang lahi. At ngayon ko pa din lang nabatid na may dugo nga siya ng isang Air Elf.
Maaring malakas nga itong Blake na ito kung magagamit lang niya ng wasto ang taglay na kapangyarihan.
“Ibig sabihin, Hangin ang elementong kaya mong kontrolin?” naghahamon na tanong ng aking kakambal na si Sky sa kanya.
“Ahhh. Yun lang, hindi ko pa alam kung paano gamitin ang powers ko. Hihi.” Sabi ni Blake na ikinadismaya ni Sky.
“Ano?! Kung ganun pano ka naging itinakda? Kung ikaw mismo ay hindi batid ang kapangyarihang taglay mo?” Seryosong tanong ni Drix. Ang angas talaga ng isang to!
“Huminahon kayo.” Pahayag ko at lumapit na sa kawawang Blake. Mas lalo kasing nadagdagan ang kaba niya. At ramdam kong totoo nga ang mga salaysay niya.
“Lumaki si Blake bilang isang mortal kung kaya’t, hindi niya batid ang kanyang taglay na kapangyarihan. Bukod pa rito, nandito tayo upang magsanay hindi ba? Kaya’t tutulungan natin siyang magamit ng wasto ang kanyang kapangyarihan. Maliwanag ba?” pagtatanggol ko kay Blake.
Tumahimik naman si Sky at Drix sa sinabi ko.
“Huwag kang mag-alala Blake. Tutulungan ka namin sa iyong suliranin.” Tinapik ko ang kanyang balikat pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.
“Salamat.” Sambit niya at ngumiti sa’kin.
“Sige na at maupo ka na. May pag-uusapan pa tayo.” Utos ko sa kanya na agad din namang sinunod.
Pagkatapos maupo ni Blake ay umayos na din ng pagkaka-upo ang apat na kasama namin.
“Mga kasama, masdan niyo ang hawak kong orasan na bigay ni Aldin.” Pahayag ko sa kanila at pinalutang ito sa kanilang harapan gamit ang mahika ko.
“Nasa kalahati pa lamang ang gintong ilaw.” Sambit ni Zeke “Kailan ito mapupuno?” pahabol na tanong niya.
“Batay sa aking pananaliksik, umaabot na isa o dalawang araw bago mapuno ng tuluyan ang enerhiyang iyan.” Paliwanag ko sa kanila.
“Sa ngayon, maghintay na muna tayo upang makapaghanda sa simula ng unang paglalakbay ng dalawa sa atin.” Sabi ko sa kanila at mukhang naintindihan naman nila iyon.
Ikinumpas ko ang kamay ko, at kinontrol ko ang mahiwagang orasan. Inilagay ko ito sa pwesto kung saan kita naming lahat ito, at doon iyon sa ibabaw ng pintuan. Nilagyan ko ito ng mahika ko upang manatili itong nakalutang sa ere.
Pagkatapos kong gawin iyon ay hinarap ko na ulit sila at nagsalita na akong muli.
“At para makapagpasya tayo kung sinu-sino ang dalawang magkakasama sa bawat paglalakbay, ay bubunot tayo ng numero sa lalagyan na ito.” Sambit ko at nagkaroon ng isang lalagyan sa kamay ko. Gumamit ako ng mahika para dito.
“Ang lalagyang ito ay may anim na papel, ang mga papel na ito may may numero 1, 2, at 3. Kung sino ang magkapares ng numero, sila ang magiging magkasama sa paglalakbay, at maghahati sa isang kwarto.” Paliwanag ko, pagkatapos tinuro ko ang tatlong pinto ng kwarto sa ibabaw ng bahay na ito.
“Wait. Bakit tatlo lang ang rooms? Hindi pa pwedeng anim? Para isa-isa tayo? Hassle naman yan.” reklamo ni Zeke.
“Kanina ko pa rin naisip iyon. Nais ko mang gumamit ng mahika ay hindi ko kaya sapagkat malakas ang nakapalibot na mahika rito. Ramdam mo rin iyon dahil isa kang bampira.” Sagot ko sa kanya.
Sa aming lahat kasi dito, ako, ang kambal ko, at siya lang ang may kakayahang makaramdam ng mahika dahil isa siyang bampira.
“Kaya tayo na’t bumunot upang malaman nating magiging pares natin at upang makapagpahinga naman tayo.” Dagdag ko pa.
“Okay fine.” Tugon niya saakin at naunang maglakad upang bumunot na ng papel.
Sumunod ding bumunot ng papel ang apat pang natitira at ako ang huli. Kusang naglaho ang lalagyang hawak ko kanina.
“Numero 3.” Sabi ko, at nakita kong pinakita rin ng lima ko pang kasama ang nabunot ko.
“Numero 1, Sky at Zeke. Numero 2, Blake at Morisson. Numero 3, ako at—“ hindi ko na binanggit ang pangalan ni Drix, dahil mukhang hindi kami magkakasundo ng isang ito ah.
“Alright! Roommate tayo Bro!” masayang salaysay ni Zeke kay Sky. Bakit ba hindi nalang ang kakambal ko ang naging kahati ko ng kwarto?
“Oo nga, Bro!” kwelang tugon rin ng aking kakambal. At mukhang magkasundo na silang dalawa.
“Kung gayun, magpahinga na muna kayo, at maghahanda na muna ako ng hapunan natin.” Pahayag ko sa kanila. Gabi na din pala kaya malakas na ang pakiramdam ko.
Naunang pumanhik si Sky at Zeke sa unang kwarto. Masiyahin silang pareho. Sumunod naman si Morisson at Blake na mukhang nagkaka-ilangan pang magtitigan. At naiwan akong kasama nitong mayabang na ‘to.
“Pumunta ka na muna sa kwarto upang makapagpahinga ka.” Sambit ko sa kanya.
Tumayo lang ito at tinalikuran ako na hindi manlang nag-iiwan ng mga kataga. Mukhang hindi talaga kami magkakasundo nito.
Pumunta na’ko sa kusina upang maghanda ng pagkain para sa hapunan naming lahat. Sana nga’y magtagumpay kami sa aming mga misyon sa susunod na mga araw.
Itutuloy. .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
