Ramier
Pumasok na kami nina Blake at Morisson sa loob ng bahay ng biglang nagkaroon ng pagsabog mula sa labas.
“Ano iyon?!” Takang tanong ni Drix na lumabas sa silid namin. Lumabas na rin sa silid nila ni Zeke si Sky.
“Nasira ang ginawa kong harang!” sigaw ni Sky at naunang tumakbo palabas ng bahay.
‘Anong nangyayari?’ Tanong ko sa aking isipan at tumakbo na rin palabas kasabay nina Drix, Blake, at Morisson. Si Zeke, andoon pa din sa loob at wala pa ring malay.
Pagkadating namin sa labas ng bahay ay nakita namin ang mga buwag na mga puno sa unahang parte ng paligid namin, ito yung mga punong nilagyan ni Sky ng puting mahika niya.
Biglang nagkaroon ng sunod-sunod na pagsabog mula sa himpapawid na naging dahilan upang maging alerto kaming lahat. Sinisira ang ginawa kong harang ng kung sino man ang gustong makapasok dito.
Puro itim na usok ang aming nakikita sa ibabaw ng harang. Ngunit nang mawala na ito ay nabigla ako sa aking nakita. Mga Bruha na nakasakay sa kani-kanilang walis at gumagamit sila ng itim na mahika na gumagawa ng mga malalaking bolang apoy, na siyang sumisira sa harang.
“Sino-sinu sila? At bakit nila inaatake ang harang natin?” tanong ni Sky na kasalukuyang pinapanood ang ginagawa ng mga bruha. Sunod-sunod na pinatapon nila ang ginawa nilang bolang apoy at pinapunta ito sa harang.
Naramdaman ko ang unti-unting pagkasira ng harang. Nagkaroon na rin ng maliliit na bitak rito. Hindi ito maari. Tumigil na muna saglit sa pag atake ang mga bruha at mula sa makapal na usok ay ang paglipad ng isang nilalang na nakasakay sa itim na ulap patungo sa harapan nila.
“Wayne?” biglang sambit ko. Siya nga, siya nga si Master Wayne. Ang pinuno ng paaralan ng mga Itim na Salamangkero.
“Kilala mo ang nilalang na iyan?” tanong sa akin ni Drix. Nakita ko rin ang mga tingin nina Sky, Blake, at Morisson sa akin. Tinanguan ko lamang sila bilang sagot.
“HAHAHA. Ako nga ito, Ramier.” Pagsasabi nito ng may halong tawa.
“Kamusta kana dati kong mag-aaral?” tanong pa nito sa akin.
“Anong ginagawa mo? Bakit kasama mo ang mga Bruhang itim?” Balik tanong ko sa kanya na hindi sinasagot ang kanyang tanong.
“HAHA! Alam mo kasi Ramier, buhat nang umalis ka ay madaming nagbago sa paaralan. Hindi na nagkasundo-sundo ang lahat, at balak na nila akong patalsikin dahil sa pananaliksik ko sa ipinagbabawal na itim na mahika upang maging malakas sa lahat. Batid kong alam mo ang naganap na pagsasakop noon hindi ba? Pinapaslang ang sinumang hindi sumusunod sa utos ng Panginoon ng Kadiliman.” Paunang saad nito sa tanong ko.
“Siya ay ang dati kong guro. Siya ang nagturo sa akin na gumamit ng mahika at iba pang uri ng salamangka. Ngunit hindi ko pinaparamdam ang taglay kong kapanyarihan pag kasama ko siya, dahil kilala siya bilang gahaman pagdating sa kapangyarihan.” Sabi ko sa mga kasama kong nalilito sa mga sinasabi ni Wayne.
“Tama nga ang iyong tinuran Ramier. At alam mo ba, nang dumating ang mga kampon ng kadiliman sa paaralan natin ay hindi na ako nagdalawang isip na hindi kumampi sa kanila? Anu pa’t papaslangin nila ako pati na ang iba pang mga kasama ko kung kakalabanin namin sila. Kaya’t sumama na ako sa kanila upang maging kasapi ng Kadiliman. Dahil may taglay naman akong kakayahan ay nakipagsabwat ako sa sa ibang mga kasapi upang maging isa sa magwawasak sa mundong ito. At hindi ko pinagsisisihan iyon sapagkat mas lumakas ang aking kapangyarihan dahil binigyan ako ng dagdag na lakas ng aming Panginoon. Kaya’t nung bumalik ang mga kampon ng Kadiliman ay ako ang nanguna upang paslangin ang mga taksil na binalak na patalsikin ako. HAHAHA!” Mahabang saad nito na nagpayukom sa aking mga kamao.
Kaya pala nang binalikan ko ang paaralan ay sira-sira na ito at wala na akong makitang kahit na sinong buhay.
*Flashback
Nandito ako ngayon sa dating paaralan ko kung saan ako lumaki. Bakas ang pagkasira nito na wari’y dinaanan ng isang napakalakas na bagyo. Sira-sira ang mga pader, mga bintana, at lahat ng lagusan. Sinalakay nga ito ng mga Kampon ng Kadiliman, sila ang aking naramdaman nung nakaraang araw.
Dito sa lugar na ito ako lumaki. Nagsanay ng salamangka at mahika. Ngunit sa lahat ng mag-aaral na nandito, ay ako lamang ang bukod tangi na hindi pinag-aralan ang Itim na Mahika at Itim na Salamangka. Hindi ko batid kung anong dahilan, pero ayokong pag-aralan ito. Ukol sa aking pananaliksik, kung ang isang nilalang ay gumamit ng itim na mahika, ay mapapasa-ilalim siya nito sa isang sumpa na kahit sa kabilang buhay ay dadalhin mo. Kung kaya’t ang pinag-aralan ko na lamang ay ang mga ordinaryong uri ng salamangka na karaniwang ginagawa ng sinumang salamangkero. Kagaya ng pagpapalutang ng mga bagay, paggawa ng harang, paggawa ng mga gayuma, pagpapapunta ng mga bagay mula sa isang lugar patungo sa nais kung kalalagyan nito. Bukod pa doon, nagsaliksik din ako ng mga salamangkang magagamit ko sa pakikipaglaban.
Si Master Wayne, isa siya sa taga-pangalaga ng paaralang ito. Ngunit batid ng lahat ang kanyang pagka-uhaw sa labis-labis na kapangyarihan. Siya rin ang naging guro ko sa lahat ng bagay at parang Ama na ang turing ko sa kanya. Pero ang hindi niya alam ay may taglay akong kapangyarihan, at ayokong ipaalam iyon sa kanya dahil ako ang magiging paksa niya sa kanyang pananaliksik.
Sa haba ng panahon ko sa paaralan, ay hindi ako nag-atim na maging iskolar. Iyon yung mga salamangkerong may kakayahan at magagaling sa larangan ng mahika. Sa halip, ay mas pinili kong magtrabaho sa silid-aklatan at doon ginugol ko ang lahat ng aking oras sa pananaliksik sa kung anu-anong bagay na tungkol sa mahika at salamangka.
Doon ko rin nalaman ang itinakdang anim na tagapagligtas. Dala ng aking kyuryusidad ay minsan na sumubok akong sumilip sa hinaharap.
Nagtagumpay ako rito pero hindi ko masyadong nasaksihan ang mga pangyayari. Basta ang alam ko lang ay isa ako sa mga itinakda na magliligtas sa mundo, at mayroon akong kambal.
Magmula noon ay hinintay ko nalang ang pagkakataong maisakatuparan ang kung anuman ang nakasaad sa tadhana ko. Hanggang sa dumating ang panahong inalok ako ni Master Wayne na sumama sa kanya sa pagsapi sa Kadiliman.
“Sumama ka sa akin Ramier, sisiguraduhin kong tayo ang magiging malakas sa buong mundo kung aanib tayo sa Kadiliman.” Mapang-akit na tugon sa akin ni Master Wayne ngunit tinanggihan ko sya.
Dahil doon, ay mas pinili ko nalang na umalis sa aming paaralan dahil nagkaroon na rin ng hidwaan sa mga pinuno nito at medyo gumulo na ang sitwasyon.
At sa pagbabalik ko ngayon ay ito na ang aking nadatnan.
*End of Flashback
Si Master Wayne, pinagkalulo niya ang aming sariling tirahan para sa kapangyarihan. Napakasama niya!
Nakaramdam ako ng pagka-inis sa ginawa niya. At ngayon, plano niya ring tapusin kami ng mga kaibigan ko.
Hindi ko siya hahayaang magtagumpay siya. Pipigilan ko siya!
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasíaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
