Sorry sa typo's :) skirrrrttt :*
Blake
"Ako si Gloxinia, ang unang tagapangalaga ng Elemento ng Hangin. Kaya mo ba ako? Mababang nilalang?" mariing tanong niya sa akin na punong puno ng kompyansa sa kanyang mga sinabi.
"Bring it on!" matapang na sabi at humanda na ng aking posture na parang sa martial arts.
Pero deep inside, 'Waaaaaa! Ano bang sinasabi mo diyan Blake! Tumakbo ka na! Gaga ka rin talaga! Mamatay ka na ngayon. Huhuhu' takte!
'Focus lang. Concentrate. Visualize the energy around you.' Pinikit ko ang aking mga mata at nag simula ng mag concentrate. This is it!
Nagsimula ng umatake si Gloxinia ng hindi man lang gumagalaw sa pwesto niya.
Nakita kong nagkaroon ng porma ang puting enerhiya na nasa palagid at nagporma itong parang mga blades at mabilis na lumipad sa kinatatayuan ko.
My reflexes were not bad pala dahil mabilis akong naka kilos at naiwasan ang mga atake niya. Grabeng mga energy blades yun. Kita ko ang dating kinatatayuan ko kanina, sira sira na ito. Kaya nitong himiwa ng mga bagay sa taglay ng mga bilis nito.
Gulp! Napalunok nalang ako at humanda sa kanyang sunod na atake. Sa ngayon, pag iwas at depensa lamang ang kaya kong gawin dahil hindi ko pa kapa ang aking kapangyarihan.
Gumawa ulit siya ng blades at itinira niya ito sa akin.
This time, kailangan kong magdepensa. Kinontrol ko ang puting enerhiya sa na nakapalibot sa akin at ginawa ko itong shield.
'Bzzannghh! Bzzaanghh!' tunog na nagmumula sa pagtama ng mga blades ni Gloxinia sa ginawa kong energy shield.
Ako? Ito naka tago na parang bata sa likod ng shield. Kalerkey. Nakikita kong nawawasak ang magkabila kong paligid dulot ng pagtama ng mga blades dito.
Naku! 'What to do? What to do?'
Nag isip ako ng pwede kong gawin. Ugh! Yung sa mga anime! Tama, ano bang ginagawa nila doon? I need to have an idea from what I've watched before. I will fight nalang base sa pagkaka alam ko mula sa mga anime. Aigooo.
Nag focus muli ako at kinontrol ang puting energy sa aking likoran. Ginawa ko itong bow and arrow. Yes! Nagawa kong i materialize ang energy. Who's the boss now?! Hahaha
Ang problema, paano ako makaka atake? Isip! Isip! Gotta blast!
Patuloy pa rin akong tinitira ni Gloxinia ng kanyang mga energy blazed. Hindi ata to titigil sa Barbie fairy ah. Timing nalang.
Habang nasa likod ako ng shield. Itinutok ko paitaas ang aking pana, nagawa ko rin itong palakihin ng 5 beses sa standard na arrow. Nakapagtataka lamang dahil hindi ako nanghihina kahit labis na ang ginagamit kung enerhiya mula sa paligid. Hmmm.
Pumikit muli ako at nag concentrate, saka ko pinaka walan ang pana papuntang itaas.
Nang maramdaman kong nasa taas na ito ay saka ko inangat ang kaliwa kong kamay at kinontrol ko ito. Siniguro kong papunta ito sa direksyon ni Gloxinia. Agad namang bumaba ang napalaking pana at hindi ko na ito nakita dahil natatakpan ng shield ang aking view. Napansin kong tumigil sa pag atake si Gloxinia.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
