Chapter 29 - Drix

2.3K 111 0
                                        

Drix



Namutawi sa aking isipan ang mga naging kaganapan noong ako’y Prinsipe ng aming Lahi at kaharian. Nagkaroon ng mapait na ngiti sa aking labi habang inalala ang nangyari noon.




Flashback


Ika -18 na kaarawan ko na ngayong araw. Matapos mag-ayos ng aking sarili ay napagpasyahan kong libutin ko ang buong palasyo. Lahat ay abala sa paghahanda para sa aking kaarawan. Sa bawat pasilyong aking dinadaan ay wari’y napapalamutian ito ng magaganda at magagarang kagamitan. Lahat ng nilalang na aking nakakasalubong ay binibigyan ako ng galang sa pamamagitan ng kanilang pagyuko at ang iba naman ay parang natatakot, na hindi ko nalang pinansin.



“Oh anak, maligayang kaarawan.” Bati sa akin ng aking Amang Hari nang mapadaan ako sa silid pulungan.


“Salamat Ama.” Pagsagot ko rito pagkatapos ko siyang yakapin.

Lumabas mula sa silid ang aking Tiyo at binati ako nito.

“Maligayang kaarawan mahal na Prinsipe.” Yumuko ito at ngumiti sa akin.

Hindi ko batid kung bakit nakaramdam ako ng pagkabahala sa mga ngiti niyang iyon.


“Salamat Tiyo Scar.” Pagpapasalamat ko.


Si Tiyo Scar ay ang nag-iisang kapatid ng aking Amang Hari. Wala itong asawa at anak. Isa siyang tagapayo ng aking Ama at dito niya ginugol ang lahat ng kanyang panahon, sa pagsilbi sa aking Ama.


Pagkatapos nila akong batiin ay kapwa silang pumasok sa silid pulungan. Mukhang may pag-uusapan sila ng iba pang kasapi ng konseho.


Agad naman akong naglakad at nagtungo sa tore ng aming kastilyo. Tanaw rito ang buong kaharian at pati na rin ang mga kalapit na bayan.
Lahat ay masaya habang naghahanda. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang aking yumaong Ina.


“Ina, dese otso na po ako. Sana’y nandito kayo upang mas lubos na akong maging masaya.” Bulong ko sa hangin.




Sumapit ang gabi at nagpatuloy ang pagdiriwang. Ngunit isang pangyayari ang hindi ko inaasahan.

Habang ang lahat ay nagsasaya sa pagdiriwang ay nagkaroon ng pagsabog mula sa ibabaw ng aming tore. Naalarma ang lahat at nagkagulo.


Sa mga oras na iyon ay katabi ko ang aking Ama. Nagkagulo ang buong paligid at sunod sunod na pagsabog ang aming narinig mula iba’t-ibang direksyon.


“Sinasalakay tayo! Maghanda ang lahat!” utos ng aking Amang Hari sa lahat ng mga kawal. Agad namang tumipon ang mga kawal sa aming kinaroroonan.


“Anak, iligtas mo ang iyong sarili. Tumakas ka na hangga’t maari.” Sabi sa akin ni Ama.

“Bakit Ama? Anong nangyayari?” tanong ko rito at nagsimula na ring kabahan.

“Basta tumakas ka na!” matigas na utos nito sa akin at tinulak ako palayo.


“Tayo na!” utos nito sa mga kawal at tumakbo na sila palabas.

Hindi ko sinunod ang utos sa akin ng aking Ama at sinundan siya patungo sa aming malaking Harden. Nakita kong nag-anyong Dragon si Ama at ang lahat ng mga kawal. Sa kanilang lahat, si Ama lamang ang may kaliskis na kulay Ginto na nagpapatunay na isa siyang maharlika, at ang iba ay ordinayorng balat lang ng isang reptilya.


Itinaas ko ang aking paningin at nagimbal sa aking nasaksihan. Napakaraming Dragon ang sumalakay sa palasyo at sinisira ang buong kaharian. Isang rebelyon ang nagaganap!


Nasusunog ang lahat. At naglaban na ang dalawang hukbo ng mga Dragon.


Nabahala ako nang makitang nakikipaglaban ang aking Ama sa mga kalabang Dragon. Malakas at mabilis ang aking Ama kung kaya’t lima agad ang kanyang natalo.


Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay ang pag atake sa aking Ama ng isang Dragon na may Tanso na kaliskis. Si Tiyo Scar?! Bakit?!


Naglaban silang dalawa sa ere. Sa kanilang dalawa ko lang tinuon ang aking atensyon. Nagbuga sila nang kapwa nilang mga apoy. Dahil sa taglay na lakas ng aking Ama ay mukhang natatalo niya si Tiyo.


Pero ang hindi ko nabatid ay ang pagbuga ng lahat ng mga Dragon na apoy papunta sa aking Ama, at maging ang aming mga kawal ay binugahan din ang aking Ama.


Nakita kong nahuhulog mula sa ere sa ere ang katawang Dragon ng aking Ama. Umuusok ito. Hindi ito maari!


“Ama! Mga taksil kayong lahat!” galit na sigaw ko kasabay ng pagpalit ko ng anyo bilang Dragon.


Lumipad ako papunta sa kinaroroonan ni Ama at nadatnan ko ito sa kanyang anyong tao. Duguan ito at sunog ang ibang parte na katawan.



“Rrrooooooarr!” pagsigaw ko na naka-agaw ng atensyon sa lahat na kalaban kabilang na si Tiyo Scar. Lumipad ito papunta sa direksyon ko.



“Taksil! Paano mo ito nagawa sa iyong Kapatid? Sa iyong sariling kadugo?!” nanggalaiti kong usal sa kanya.
Tanging ang mga maharlika lamang ang may kakayang makapagsalita sa anyong Dragon nito. Isa ito sa mga prelibihiyo bilang isang nakatataas sa antas ng dugo.


“Masyado nang matagal ang inyong paghahari-harian ng iyong Ama!” sigaw nito.

“At ako ang nararapat na sunod na maging Hari. Napagpasyahan naming lahat na hindi ka pwedeng maging tagapagmana sapagkat ang iyong apoy ay nakakapaminsala.” Muling sabi nito.


Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa kabila ng lahat. At hindi naman magiging balakid ang aking Asul na apoy sa pamumuno ko.


“Lapastangan! Alam kong ginamit mo lang iyon bilang rason upang maagaw mo ang trono. Napakahangal mo!” tiim bagang sagot ko sa kanya.


“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero ito na ang huling araw mo. Isa kang isinumpa dahil sa iyong apoy! Isa kang salot! At nararapat kang mamatay bago mo pa man mapinsala ang lahat!” sigaw nito at inatake kaagad ako kabilang na ang iba pang mga Dragon.


Isa laban sa marami. Lumaban ako sa kanila ng may dangal. Alam kong matatalo ako sa bilang kung lalabanan ko sila, at matutulad lang ako sa aking Ama. Ngunit hinding-hindi ko sila mapapatawad sa kalapastangang ginawa nila sa amin.



Sa isang iglap ay namalayan ko nalang na nag-anyong tao na ulit ako at nahuhulog na sa bangin na sunog ang buong katawan.


Patawad Ama, binigo kita’ sambit ko sa aking isipan habang unti-unting nahuhulog.





End of Flashback




Sa araw ding iyon ay nagising ako na nasa gilid ng ilog malayo sa aming kaharian. Hinang-hina at walang hihingan ng tulong. Nagawa kong makaligtas sa kamatayan.


Hanggang sa isamg araw ay nagising nalang akong muli na nasa kubo na at nagpapahinga.


Nalaman ko na niligtas ako ng mga mandirimang naninirahan sa liblib na lugar. Mula noon ay doon na ako nabuhay at nakipagsapalaran upang mabuhay. Kasama ang mga nilalang naglitas sa akin.

Naging mandirigma ako sa haba ng panahon. Nagawa kong maitago ang tunay kong anyo. At dahil na rin sa dugong maharlika ko ay nagawa kong mabuhay ng napakahabang oras.


Kahit na ilang taon na ang dumaan ay sariwa pa rin sa akin ang pagtataksil ng mga tauhan namin.

Hanggang sa dumating ang sandali nang himukin ako ng tagapangala ng Oras at Dimensyon upang sumama sa kanya.

Agad akong nagpasya na sumama kaagad upang mas maging malakas. At upang maipaghigante ko ang nangyari sa akin noon.




Napangiti nalang ako ulit ng mapait sa aking naalala.





Itutuloy. . .


The8thElement
TaurusDindo*

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon