Sorry po sa typo's :) huehuehue :*
Blake
After a long trip of flying ay narating ko na rin ang Mt. Apo. Nasa himapapawid pa rin ako at kasalukuyang lumilipad sa ibabaw nito.
Nilibot ko muna ang aking tingin sa buong paligid. And wow, may natatagong ganda pala ang kalikasan ng Pilipinas. Na motivate ako lalo, dahil isa ito sa lugar na maililigtas ko kung sakali.
Suddenly, I felt a strong energy sa pinakatutok ng Mt. Apo.
Lumipad ako malapit doon and after a few meters parang napasok ako sa isang barrier at nagulat ako nang masaksihan ang isang air temple sa pinakatuktok ng Mt. Apo.
"Amazing! Kanina wala ito sa sight.ko at puno ng kaulapan lang ang tuktok ng bundok, but now, nag-eexist pa pala ang mga ganito?" manghang sabi ko saka mabilis na lumipad papunta sa templo.
Pagkadating ko doon ay nagulat ang mga nilalang na naroroon at nagsipagtakbuhan.
Mukhang sa sinaunang panahon pa rin ang setting nila. May mga pillars sa bawat gilid na gawa sa puting bato, may mga fountains at halaman sa bawat sulok, at kapansin-pansin ang malaking templo na nakaharap sa bungad mismo. Napakaganda at napakalinis ng paligid.
Maya-maya pa ay mga nilalang na tumakbo papalit sa akin at tumigil sa unahan ko. Mga kalbo silang lahat at nakasuot ng puting robe. Ang kinis ng mga ulo nila ay. Hahaha!
"Hellooooo! Ako si Blake, tagapangalaga ng elemento ng hangin. I guess andito daw yung Huracan's Bow?" maligalig na sabi ko.
Pero parang na alarma lang ang mga kalbo na ito sa presensya ko.
"Isa siyang kalaban, maghanda kayo!" sigaw nung isang kalbo.
Lahat sila ay nagporma ng iisang stance na parang sa shaolin at maya-maya pa ay sabay-sabay nilang tinutok ang kanilang palad sa direksyon ko.
"Hiyaaah!" mabilis na sigaw nilang lahat at lumabas ang malakas na pwersa ng hangin papunta sa kinaroroonan ko habang lumilipad.
"Vvvoooovvffff!!!" ragasa nito, ramdam kong may halong ibang enerhiya ang taglay na pwersa ng hangin na binitawan nila.
Agad kong tinutok ang kaliwang kamay ko saka inislash ang pwersa ng hangin. Nagawa ko naman ito. Ito pumunta ito sa magkabilang side ko.
Dali-dali kong kinumpas ang aking kamay at kasabay nito ang pagragasa ng matinding bugso ng hangin papunta sa direksyon mga kalbo.
"Aaaaahhhhhh!!!" sigaw ng mga ito nang isa-isa silang tinangay ng hanging binitawan ko at lumipad palayo. Medyo nasira rin ang nasa unahan ko dahil sa lakas ng binitawan kong pwersa.
Tumigil na ako pagkatapos kong marealize ang ginawa ko.
"Ooopppssss! Sorry ho. Hehehe." I said. My ghad. Hindi war ang pinunta ko dito no. Hahaha.
Mula sa mga nakatumbang kalbo ay may matandang lalaki na naglakad sa pinakagitna nila. Hindi ko ito napansin kasi bigla nalang itong lumitaw sa kanyang pwesto. Mukhang puti na ang mga kilay at pati ang balbas nito na umaabot sa kanyang tiyan.
"Master Aruh, malakas siya! Mag-iingat ka at lubhang mapanganib ang kalaban na iyan! Ugh!" daing nung isang kalbo habang nakasalampak sa sahig.
"Heeyyy. Hindi ako kalaban! Sorry kung nasaktan ko kayo." sabi ko habang winagayway ang aking mga kamay, na misinterpret ako ng mga kalbong to.
Pero hindi lang nagsalita yung matandang lalaki at patuloy na naglakad papunta sa harapan ko.
Akala ko'y aatakehin ako nito, pero nagulat ako nang bigla itong lumuhod at yumuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/95721609-288-k248365.jpg)
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...