Sorry po sa typo's :) Kriiiinggg :*
Sky
Bago ako umatake ay nagpalabas ako ng 10 na espada gamit ang aking mahika at light energy. Pinalibot ko ito sa buo kong katawan upang magsilbing offense at defense na rin at the same time.
Agad akong lumipad at gamit ang aking kanang kamay ay minanipula ang 5 na espada upang atakehin si Mael sa kinaroroonan niya.
"Cliiiiinggg!! Claaaanggg!! Cliiiinggg!!" pagtatama ng mga ito sa kanyang espada.
Mabilis ang kilos ni Mael at nasasalag niya lahat ng mga atake ko sa kabila ng napakaraming bilang ng mga espada at pinupunturya siya nito mula sa iba't-ibang direksyon. Magaling din siya sa kanyang depensa.
Hindi na ko nagdalawang isip at gamit ang aking kaliwang kamay ay winasiwas ko ito at saka nag summon ng napakaraming magic circle sa aking likuran. Balak ko siyang tirahan ng napakaraming light beams sa susunod kong atake.
"Hiiiyyaaaaahhh!!" sigaw ko at kasabay nito ang paglabas ng daan-daang light beams sa magic circles at pumunta itong lahat kay Mael.
Nakapaghanda naman si Mael at mabilis na kumalas mula sa espadang umaatake sa kanya at lumipad papalayo upang maiwasan ang mga light beams na tatama sa kanya. Agad kong winithdraw ang 5 na espada at pinabalik ko ito sa aking pwesto.
"Voooooggzzzhhh!! Voooooggggzzzhhh!!" tunog na nagmula sa pagtama ng mga light beams sa buong lugar.
Nagawa itong iwasan ni Mael sa taglay niyang bilis kahit na napalaki ng kanyang katawan.
Mula sa aking pwesto ay inanalisa ko ang kanyang direksyon at agad na lumipad ng mabilis sa harapan niya dahilan upang tumigil ito sa paglipad.
Walang anu-ano'y kinontrol ko ang 6 pa sa mga espadang nakapalibot sa akin at tinira ko siya nito.
Habang rumaragasa ang mga light beams na tatama sa kanyang likuran ay siya namang pagbulusok ng aking mga espada sa kanyang harapan, at mukhang hindi niya ito maiiwasan pa.
Nagulat ako na imbes na tumakas ay hindi ito gumalaw at hinayaan lamang ang dalawa kong atake na tumama sa katawan niya.
"Voooooooggzzzzzhhhhhh!!" tunog na mula sa impact ng sapul na pagtama ng aking mga attacks sa katawan ni Mael.
Nagkaroon ng pagsabog dahil rito at nabalot ng usok ang kinaroroonan niya.
Hindi ko pa batid kung nasugatan ba siya nito o nakalusot ba ito gamit ang depensa niya, pero ramdam ko pa rin ang kanyang presensya at enerhiya na mas lalong lumakas sa gitna ng usok.
Ilang sandali pa ay tumambad ang umuusok na katawan ni Mael at unti-unting nawala ang usok sa paligid.
Pinaghanda ko ang aking sarili nang makita kong maliliit lamang na galos ang natamo niya mula sa aking atake. Nagkaroon lang ng maliliit na gasgas ang armor na suot niya at kaunting bruises sa kanyang mukha. Halatang mas galit na ang expressiong pinapakita nito sa kanyang mukha.
"Mukhang nagseseryoso ka na rin sa dwelo natin ha Mortal." matigas na sabi nito.
Nakita kong mas pinadoble pa niya ang laki ng hawak niyang espada at mas pinagtibay ang pwersa ng energy dito. Makikita rin ang paglabas ng golden aura sa kanyang buong katawan at sandata. Mukhang mas sumeryoso na rin ito.
Naging alerto ako nang mawala sa pwesto niya si Mael at mabilis na pumunta sa likod ko in just a split second.
Inislash nito ang kandang malaking espada sa direksyon ko. Agad ko namang kinontrol ang 4 pang natitirang espada na pumapalibot sa katawan ko at kinounter ang gagawin niyang atake.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
