Sorry po sa typo's :) grrreerrrr :*
Someone's POV
Matapos masaksihan ang nangyari ay agad na pumunta ang anim na kalalakihan sa labas ng kanilang bahay at nadatnan nila doon sina Xiro - ang metahuman, Janus - Vodoo Man, at Scar - isang dragona na kapatid ng ama ni Drix.
Naka recover na ang lahat dahil sa recovery spell ni Sky, maliban nalang kay Drix na medyo masalkit pa ang ulo dahil ineffective sa kanya ang mahika na ginawa ni Sky.
"Tiyo Scar..." itim bagang sambi ni Drix nang makita ang trahedor niyang tito.
"Kamusta mga itinakda. Nais sana namin kayong bigyan ng pagbati man lamang. Hahaha." mayabang na sabi ng metahuman saka flinex ang muscles.
Inihanda naman ng anim ang kanilang mga sarili sa maaaring mangyari.
"Ewwww. Mr. Clean." bulong ni Blake at inirapan ang kalbong metahuman.
"Pamangkin! Kinagagalak kong makita kang muli. Kamusta kana?" pagtatawag ni Scar kay Drix.
'Tsssss. Ang lakas ng loob mong kamustahin ako sa kabila ng iyong ginawang pagtataksil.' galit na sabi ni Drix sa kanyang isipan pero hindi nito sinagot ang tanong ni Scar.
"Ooowwww. May pagkabastos din pala ang mga nilalang na ito. Hindi na ako magtataka kung ganoon." mataray na sabi ng Vodoo Man.
"Kayo ang walang paggalang. Basta-basta lang kayong pumapasok sa lugar namin at sinira lahat ng sa paligid namin." serysong sagot ni Morisson.
Napansin nilang lahat na wala na ang mga proteksyon at harang na kanilang ginawa sa buong paligid. Nang mapansin ito ni Sky ay pasekreto niyang nilagyan ng mahika si Zeke upang hindi matupok ng sikat ng araw ang katawan nito, mabuti na lamang at natatakpan pa ng kaulapan ang araw dahil kakabukang liwayway palang.
"Hmmpp! Nandito kami upang bigyan kayo ng pagbati. Wala namang masama sa aming ginagawa ano?" saad ng Vodoo Man.
"Tssss..." sabay-sabay na sabi ng mga itinakda at parang nairita sa presensya ng tatlong kalaban.
"Kung ganoon, makikipaglaro muna kami sa inyo. Hahaha." dagdag pa ng Vodoo Man at agad kinumpas ang kanang kamay nito kasabay ang paglabas ng 6 na parang itim na kaluluwa sa kanyang katawan at mabilis itong kumilos papunta sa anim na itinakda.
"Humanda kayo!" saad ni Zeke saka nagpalabas ng enlightenment spell sa kanilang unahan.
Kasabay ng pag ilaw na gawa sa spell ni Sky ay ang mabilis na paglusaw ng mga itim na kaluluwa na galing sa Vodoo Man.
"Mukhang may angking lakas din kayo ha." manghang sabi ng Vodoo Man matapos masaksihan ang ginawang pag counter ni Sky sa kanyang atake.
Walang anu-ano'y tumalon mula sa kinatatayuan nito ang metahuman at mabilis na bumulusok papunta sa pwesto ng anim na itinakda.
Agad ikinumpas ni Zeke ang kanyang kaliwang kamay paitaas at nagpalabas ng malalaking pillars upang pigilin ang metahuman.
Ngunit sa taglay na lakas at bilis nitong bumulusok ay nasira lang ang lupang kanyang kinokontrol at dumeritso pa rin sa kanila.
Hindi na nagdalawang isip pa si Blake at kinontrol ang hangin sa paligid. Gamit ang kanyang kanang kamay ay tinipon niya ang air particles at pinigilan ang pagbulusok ng katawan ng metahuman, nagawa niya ito. Ngunit ramdam niya ang lakas na binibigay ng metahuman, parang mapupunit ang kamay ni Blake sa pagkokontrol ng hangin. Bago pa man mangyari iyo ay buong lakas niyang itinapon pabalik sa pwesto ng mga kalaban ang katawan ng metahuman.
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiaSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
