Sorry po sa typo's :) ggrrrggrr :*
Someone's POV
"Rrraaaaaaahhhhhh!!!" sigawan ng mga kalaban patungo sa direksyon ni Sky na mababangis at matatapang na umaatake.
Inihanda naman ng mahikero ang kanyang sarili at inangat ang kanyang kanang kamay na hawak ang Arthur's Sword.
"Sacred Treasure release: Sword of Light!" sigaw ni Sky at kasabay nito ang pagliwanag ng kanyang hawak na espada ng nakasisilaw na yellow na liwanag. Ang liwanag na ito'y 100x ang brightness kesa sa normal na sikat ng araw.
"Aaaaahhhhhhhhhhhh!!!" sigawan ng mga kalaban nang matamaan ng sinag ng liwanag mula sa espada ni Sky. Ang bawat mahagip ng liwanag na ito'y natutunaw at nagiging abo ang katawan.
"Viiiiiiiinnnggggggg!!!" tunog na nagmula sa espada ng mahikero sa pag-eemit nito ng light.
Makaraan ang ilang sandali'y ubos ang lahat ng nasa harapan ni Sky at tila'y walang bakas ng sinuman ang iniwan ng kanyang malakas na atake.
Agad na binaba ni Sky ang kanyang espada at kasabay nito ay ang pagkawala ng napakaliwanag na ilaw.
Pagkatapos nito'y gumamit ng mahika si Sky upang pumunta sa himpapawid, pinalutang nito ang kanyang sarili at nahagip ng kanyang mga mata ang hukbo ng pangalawang hanay ng kalaban na mabilis na sumusugod sa kanya at nasa likuran nito ang isa sa mga heneral ni Haring Eliazar na si Wayne, ang Puppeter ng Body and Mind. Ngunit hindi nababahala si Sky rito sapagkat kaya niyang inullify ang effects ng kapangyarihan ng kanyang magiging kaharap.
Nagsipagtakbuhan pasulong, at nagsipagliparan ang iba't-ibang uri ng kampon ng kadiliman upang makalapit sa kinaroroonan ni Sky.
Mabilis na hiwakan muli ng mahikero ang kanyang espada gamit ang kanyang dalawang kamay at nilagay niya ito sa kanyang dibdib.
"Sacred Treasure release: Swords of Judgement!" seryosong saad ni Sky at kasabay nito ang paglabas ng milyon-milyong lightbeams na may korteng espada mula sa itaas ng kanyang pwesto at pati na rin sa kalaban.
Saglit na napatigil ang paglusob ng hukbo ng makita ang napakadaming lightbeams na gawa ng mahikero na nasa itaas nila, nagulat ang lahat ng mga kampon ng kadiliman sa kanilang nasaksihan.
Hindi na nagdalawang isip pa si Sky at agad na kinumpas pababa ang hawak niyang espada.
"Hiiiyaaahhh!" sigaw niya at kasabay nito ay ang pagbulusok ng napakaraming lightbeam swords papunta sa mga kalaban. Parang umuulan ng maliliwanag na espada ang paligid sa harapan ni Sky.
"Eeeeerrrkkkk!!!" sigawan ng mga kalaban nang sapol na tumusok ang mga lightbeam swords sa mga katawan nila at agad na naging abo ang mga ito.
Sa isang iglap, nahawi ang lahat ng nasa harapan ni Sky at ang natitira na lamang ay si Wayne na kasalukuyang may madaming lightbeam swords na nakatusok sa katawan nito, at tila'y wala rin itong buhay kagaya ng ibang heneral at purong itim ang mga mata nito.
Ilang saglit pa ay tuluyang nalusaw ang mga light beams na gawa ni Sky na nasa katawan ni Wayne.
"Ccccllaaanggg!" tunog ng parang nabasag na salamin nang tuluyang mawala ang huling light beam sword sa katawan ng puppeter. Mukhang nakaya nitong ipawalang bisa ang kapangyarihan ng mahikero.
Dahil doon, ay nabatid ni Sky na malakas ang pwersang bumabalot sa kanyang kalaban at kailangan niyang mag-ingat sa gagawin niyang atake sapagkat hindi niya rin batid ang kakayahan nito.
Agad na inangat ni Wayne ang kanyang kaliwang kamay at tinutok ito kay Sky at sinubukan nitong kontrolin ang mahikero. Ngunit dahil sa likas na kapangyarihan ni Sky na light energy ay nirereflect lang nito ang kapangyarihan ng kalaban.
Muli ay inangat ni Sky ang kanyang hawak na espada matapos makita na walang epekto ang pagmamanipula ni Wayne sa kanyang katawan.
"Summoning Spell: Archangels of the Heavens!" serysosong saad ni Sky at mula sa kanyang itaas ay lumabas ang limang magic circles na umiilaw ng yellow na energy.
Ilang saglit pa ay lumabas ang limang nilalang na mula sa kalangitan, ito ay ang limang mga arkanghel.
Si Mael, ang nakadwelo ni Sky at ang heneral ng hukbo ng mga anghel sa kalangitan, ito ay ang pinakamalakas sa lahat ng mga anghel at nagawa itong isummon ni Sky sapagkat natalo niya ito sa kanilang laban.
Si Gabriel, ang sinasabing tagapaslang ng mga demonyo sa kalupaan. Siya ay ang pangalawang pinakamalakas sa lahat ng mga uri ng anghel at may angking katapangan ang katauhan nito.
Si Uriel, ang isa sa mga arkanghel na sinasabing tagapagbantay ng lahat ng nilalang ng katubigan. Siya ang tinaguriang tagapaghatid ng mga kaluluwa ng mga nilalang na mula sa tubig.
Si Samiel, siya naman ang tagapagbantay ng lahat ng mga nilalang ng kalupaan at sinasabing ito ay ang guardian angel na pumoprotekta sa lahat ng nilalang ng lupa.
At si Raciel, ang babaeng arkanghel na protector ng mga kaluluwa ng kalikasan. Siya ay ang tagapagbantay ng mga nilalang at mga bagay na may kinalaman sa kalikasan.
Sila ay ang mga magigiting na arkanghel mula sa hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Lahat sila'y may matitikas na nga nilalang na may mga malalaking puting pakpak, at may mga hawak na magagandang espada na gawa sa pilak at ginto. Sila ang tagapagpatupad ng hustisya sa kabilang mundo kung saan dumadaan sa mga kamay nila ang bawat kaluluwa na pumupunta sa langit.
At silang lahat ay kinikilala si Sky na mas malakas at mas makapangyarihan kesa sa kanila dahil nagawa nitong talunin ang kanilang heneral sa laban.
"Sugo ni Ama, ano ang maipaglilingkod namin sa iyo." magalang na saad ni Mael at yumuko kay Sky. Nagsipagyuko din ang ibang arkanghel upang makapagbigay galang sa kinikilala nilang sugo ng Panginoong may likha.
"Nais kong malaman ang hangganan ng kapangyarihan ng nilalang na iyan. Makipagdwelo kayo sa kanya at tapusin siya kung maari." mariing utos ni Sky sa mga arkanghel habang tintutoky si Wayne na kasalukuyang nasa kalupaan sa baba nila.
"Masusunod." matigas na saad ni Mael at agad tintingnan ang sinasabing kalaban ni Sky.
"Tayo na!" utos muli ni Mael naunang lumipad ng napakabilis upang sugurin si Wayne, agad naman na nagsipagsunod sa kanya ang kanyang mga kasama.
"Yyaaaaaahhhhh!" sabay-sabay na sigaw nila habang papalapit sa parang zombie na si Wayne na prenteng nakatayo sa kanyang pwesto.
Ngunit bago pa man tuluyang makalapit ng mga arkanghel ay nagsipagtigil ito sa himpapawid at tila'y nag stop ang kanilang mga galaw.
'What the?!' sambit ni Sky sa kanyang isipan matapos mapagmasdan ang nangyari sa mga arkanghel na sinummon niya. Wala siyang idea kung anong nangyayari sa mga ito pero alam niyang hindi ito maganda.
Nabigla si Sky nang makitang inayos ng mga arkanghel ang kanilang mga tindig habang nasa harapan ni Wayne, at nanlaki ang mata ng mahikero nang humarap ang mga ito sa kanya.
'Shit! I didn't know that the nature of his power is like this.' saad muli ni Sky sa kanyang isip nang makita ang mga itsura ng mga arkanghel na tila'y wala sa kanilang mga sarili.
Naisip agad ng mahikero na mali ang ginawa niyang pagsummon sa mga archangels sapagkat kayang manipulahin ng kalaban ang isip at katawan ng sinumang nilalang. Naging kampante si Sky dahil akala niyang pareho ng kanyang immunity sa body and mind control ang mga arkanghel, ngunit mali siya rito sapagkat nagawa ni Wayne na makontrol ang limang nilalang na mula sa kalangitan. Marahil ay sa sobrang lakas ng pwersa mula kay Eliazar na taglay nito kung kaya't nagawa ito ng kalaban.
Agad na inihanda ni Sky ang kanyang sarili nang mabatid niya ang nasusunod na pagsugod ng mg arkanghel papunta sa kanya.
"Shit!" sambit ng mahikero nang tuluyang marealize ang misplay na nagawa niya.
Itutuloy. . .
The 8th Element
*TaurusDindo
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
