Blake
Hinihingal akong naka’upo dito sa may bato habang nakaka-alalay sa tabi ko si Morisson. Haayy. Nanghina ang tuhod ko sa ginawa ko ah.
Malakas nga ang taglay kong powers. Kaya kailangan na magsanay pa ako para mas maging expert ako sa paggamit nito.
“Ayos kalang? Teka, ibabalik ko na muna ang lakas mo.” Tugon sa’kin ni Sky at tinutok sa akin ang kanyag palad.
Mula rito ay may lumabas na parang mga glitters na puti at napunta ito sa katawan ko. Maya-maya ay naramdaman ko nang bumabalik ang lakas ko.
“Salamat Sky. Medyo bumabalik na ang lakas ko ngayon.” Pasalamat ko kay Sky nang naka-ngiti. Pagkaramdam na unti-unting nanunumbalik ang dati kong lakas.
“Walang anuman. Gagawin ko iyon dahil kaibigan na kita.” Sagot niya sa akin.
May saya akong naramdaman sa sagot niya. Kaibigan. Kaibigan na nila ako. Sila na ang mga kaibigan ko sa ngayon. Tama! At simula nung nagkita kaming lahat, ay magkaka-ibigan na kami. Sama-sama sa pagliligtas ng mundo. Mga kaibigan.
“Ano? Ayos ka na ba?” tanong ni Ramier na kadadating lang mula sa loob ng bahay. Tinanguan ko lang ito at nginitian.
“Mabuti naman. Ginamot ko na rin ang mga sugat na natamo ni Drix. Napakalakas nga ng kapangyarihan mo dahil nagawa mong masugatan ang balat ng isang Dragona na kagaya ni Drix.” Mahabang sabi nito sa akin. Nanatili lang akong tahimik sa mga sinabi niya.
Medyo nakonsensya rin ako, dahil nasaktan ko si Drix. 'Haaay naman', Napabuntong hininga nalang ako.
“Huwag kang mag-alala dahil ayos lang naman din si Drix. Isa pa, kailangan mo talagang magsanay ng mabuti para magawa mong kontrolin ang iyong kapangyarihan.” Sabi ulit nito sa akin.
“Oo. Gagawin ko iyon, para, para hindi ko kayo masaktan na mga kaibigan ko.” Sabi ko sa kanila na kinabigla nilang lahat.
“Tama. Para magtagumpay tayong lahat sa pagligtas sa mundo.” Naka-ngiting saad ni Ramier.
“Sige, mauuna na muna ako sa inyo. Kakamustahin ko lang ang lagay ni Zeke.” Paalam sa amin ni Sky, at bigla nalang naglaho gamit ang kapangyarihan niya.
“Mukhang lumalim agad ang koneksyon ng kakambal ko kay Zeke ah. Nawala rin ang sigla niya buhat nang dumating sila dito mula sa paglalakbay nila ni Zeke.” Sabi ni Ramier habang naka-ngiting umiiling.
Tama nga sya, sa aming anim, si Zeke at Sky agad ang nagkaroon ng parang bond sa isa’t-isa dahil magka-vibes sila. Napaka-seryoso rin ni Sky sa ngayon. Paano nila nagawa iyon sa maikling panahon lang?
“Tama nga ang iyong tinuran Ramier. Lubhang naapektuhan si Sky sa nangyari kay Zeke. Ngunit, magbabalik rin naman ang sigla niya pag nagkamalay na si Zeke." Mahabang linya ni Morisson. Wow! Ito na siguro ang mahabang sinabi niya mula namng dumating kami rito.
“Siyang tunay kaibigang Morisson.” Pag sang-ayon ni Ramier kay Morisson.
“Halina muna’t pumasok na tayo sa loob nang maipaghanda ko na ang ating pananghalian.” Pag-anyaya ni Ramier at nauna nang pumasok sa bahay.
“Sige.” Pagtugon ko at tumayo na rin. Bumalik na rin kasi ang lakas ko, salamat kay Sky sa enkantasyon niya sa akin.
“Kaya mo nang tumayo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Morisson. Teka, bakit naman wagas kong mag-alala ang isang ito?
“Uhm, oo. Hehe. Tara na.” sagot ko sa kanya. Tumango lang naman siya at sabay na kaming pumasok sa bahay.
Someone’s POVKung saan-saang lugar na kami naghanap ng posibleng mapagtataguan ng sinasabing anim na itinakda upang pigilan ang aming kasamaan, ang paghahari ng aming Panginoon. Ngunit, bigo kaming mahanap ang kung saanmang lugar na ito. Mukhang itinago talaga sila ni Kronus sa isang lugar na hindi namin mahahagip. Nihindi ko nga maramdaman ang mga presensya nila.
Kasalukuyan akong lumilipad sa himpapawid dito sa isang kagubatan, kasama ang iba kong alagad. Baka sakaling may mahanap akong bakas nila kung sakali man. Kinakailangang matunton namin at mapaslang ang mga itinakda upang tuluyan ng maghari ang kasamaan sa mundo.
Habang nasa pinakagitna na kami ng gubat, kasama ko ang aking mga alagad na mga Bruha at Itim na Salamangkero, ay may naramdaman akong puting enerhiya sa pinasentro ng kapunuan.
Mula sa pwesto namin sa himpapawid ay may nakita akong umilaw na parang harang sa gitna nito. At nahagip ng aking mga mata ang tatlong nilalang, at may bahay din dito. Ang isa ay Sireno, batid ko iyon sa kanyang balat at anyo, at katabi nito ang isang nilalang na hindi ko pa batid kung anong klaseng nilalang ito. Ang isa naman ay nakadikit sa harang, isa itong Dragona, at mukhang naglalaban ang mga ito.
Ngunit saglit lang ang nakita kong mga pangyayari sa may kapunuan, dahil agad din itong naglaho sa aking paningin kasabay ng pagkahulog ng Dragona na nakadikit sa harang.
“Dito pala kayo nagtatago. Magaling ang mahikang ginamit niyo. Ngunit malas niyo lang dahil natunton ko na kayo.” Saad ko sa aking sarili habang tinititigan ang kaninang pwesto na may mga nilalang, na ngayon ay napapaligiran na ng puno.
“Kayo! Puntahan niyo ang pwestong iyan!” utos ko sa ibang mga alagad ko at tinuro ang pwesto na may mga puno. Lumapit ang limang bruha sa mga puno.
Pero, pagkalapit na pagkalapit nila rito ay nagkabuhay ang mga punong ito at tinusok sila ng mga ito. Natusok sila sa mga sanga at kahoy ng mga puno.
“Aaahhhhh!!” sigaw ng mga ito at tuluyan ng binawian ng buhay. Para silang mga hayop na nabitag sa isang patibong. Nagulat ang mga kasama kong alagad sa nasaksihan nila.
Kinuyom ko ang aking mga palad. Lapastangan ang ginawa nila sa mga alagad ko! Batid kong puting mahika ang nakapalibot sa mga punong ito kung kaya’t madali lang na napaslang ang lima kong alagad. Mukhang hindi basta-basta ang mga nilalang na ito.
“I-ulat ninyo ito sa iba pang mga kasapi ng kasamaan, at sa ating Panginoon. I-ulat niyo ang lahat ng nangyari ngayon, at pati na rin ang lugar na ito!” utos ko sa iba kong alagad na agad din namang sinunod. Lumipad sila palayo sakay ng kanilang mahiwagang walis.
Muling lumitaw sa pangalawang pagkakataon mula sa mga puno, ang klarong tanawin nito. At ngayon ay may isa nang nadagdag na nilalang malapit sa Sireno at hindi ko pa batid na nilalang.
“Ramier…” tiim-baga kong tugon sa sarili ko. At bumabalik na naman ang dating anyo ng mga puno kanina. Kasabay ng pagkahulog ulit ng Dragonang may asul na apoy mula sa harang.
Akalain mo nga naman. Sumama pala ang dati kong mag-aaral sa mga itinakda. Heh!
Humanda ka Ramier, dahil ikaw ang uunahin kong tapusin. At isusunod ko ang iyong mga kasama.
Itutuloy. . .
The 8th Element
TaurusDindo*
![](https://img.wattpad.com/cover/95721609-288-k248365.jpg)
BINABASA MO ANG
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasiSinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...