Chapter 26 - Morisson vs Hydra 2

2.2K 117 2
                                        

Sorry sa mga typo's😊

Morisson



Ngayo'y tuluyan ko nang nararamdam ang sakit sa buo kong katawan gawa ng katawan ni Hydra na kasalukuyang pumupulupot sa aking katawan.

"Aaaahhhh!" muli kong hiyaw pagkatapos nitong higpitan ang pagpulupot sa aking buong kong katawan. Ramdam ko na rin ang pagkawala ng aking lakas. Marahil ay umabot na saa sukdulan ang enerhiyang aking ginamit.

'Hindi ito maaari!' sigaw ng aking isipan.

Naalala ko bigla ang aking buhay noon. Ang Kaharian ng Pasifica. Sina Ina at Ama. Ang aking mga kasama at mga kaibigan. Umaasa silang lahat sa akin. At si Blake. . .kailangang hindi ako sumuko para sa kanya, para maprotektahan ko siya.

Pero sa estado ko ngayon, mukhang kaunti nalang ang pag-asang magtagumpay ako.

"Ito na ang katapusan mo!" sigaw ni Hydra at bubugahan ako nito ng tubig.

Itinodo ko na ang aking konsentrasyon at itinuon ko ang aking isipan sa tubig na nakapaligid sa amin.

Bago pa man maibuga ni Hydra ang sana'y rumaragadang tubig ay pinigilan ko ito gamit ang minamanipula kong tubig sa paligid namin.

Gamit ang aking isipan ay gumawa ako ng maraming galamay gamit ang tubig na nakapaligid sa aming dalawa at pinunterya ko ang ulo ni Hydra. Pinulupot ko rin ito na parang isang baging.

Mabilis rin akong nagpalabas ng mga bula na mula sa tubig at pinalutang ito sa kay Hydra. Kagaya ng ulan na ginawa ko kanina ay sumasabog din ang mga bulang ito.

Kung kaya't nang tumama nang tumama ito sa kanyang katawan ay sumabog ang mga ito.

"Pangahaaaaas!" nanggagalaiting sigaw ito habang unti-unting nalulusaw ang kanyang buong katawan dala ng pagsabog.

Nabitawan ako nito ay lumubog akong muli sa katubigan na medyo nanghihina.

Ramdam ko pa rin ang kanyang presensya. Napakahirap niyang kalaban at napakalakas niya. Nananakit na rin ang buo kong katawan sa pagkakataong ito.
Pinakiramdaman ko ang tubig.

Napakabanayad nito kung papakiramdamang mabuti. Ngunit naisip kong mabangis at nakakatakot rin ang tubig kung ito'y galit, gaya ng mga alon sa karagatan.

Mula sa aking unahan ay nakita ko ang papalapit na si Hydra na mabilis na lumalangoy papunta sa kinaroroonan ko.


Hinanda ko muli ang aking sarili sa kanyang paglapit.

Bago pa man siya makalapit ay gumawa ako ng ipo-ipo sa aking harapan at inatake ang mabilis niyang galaw.

Sa taglay niyang bilis sa paglangoy ay naiwasan niya ito at muli ay binunggo niya ako papuntang itaas. Nasangga ng aking dalawang kamay ang malaki niyang bibig.

Dahil na rin sa bilis ng kanyang paglangoy ay malakas ang pwersa nang bumangga siya sa akin. Ininda ko ang sakit sa aking dalawang kamay hanggang sa mapunta ulit kami sa ibabaw ng tubig.

Ngunit habang kasalukuyang kong sinasangga ang aking sarili ay siya rin naman nitong pagbuga ng tubig mula sa kanyang bibig na hindi ko inaasahan.

Tumama ito sa buo kong katawan.

"Aaaahhhhh!" muli kong sigaw habang tumitilapon paitaas dulot ng kanyang pagbuga.

Wari'y isang barko ang lakas ng kanyang buga. Parang tinulak ako at binunggo ng isang napakalaking pwersa, parang balyena. Ramdam ko rin ang pagkabali ng mga buto sa buo kong katawan dahil sa lakas ng impak.

The 8th Element (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon